Chapter 18: Close to you <3

261 8 0
                                    

Kris Ann's POV

Kagabi pa ang huling tawag samin ni Rhian mula ng dumating siya ngayon wala padin kaming narereceive na tawag mula sa kanya.Ano nanaman kayang pinagkakaabalahan niya?Para makalimutan niya kami?Noon nga pag nagbabakasyon siya sa province nila halos minu-minuto tumatawag yan samin kulang na lang di na kami matulog sa sobrang tagal ng pag-uusap namin.Pero ngayon nakakapanibago kahit text mula sa kanya wala.Ano kayang ginagawa niya ngayon?May bago na ba siyang kaibigan ka niya kami nakalimutan?Di ko maiwasang mapaisip.Pero naalala ko may nabanggit siyang binaggit na pangalan ng lalaki kasama daw nila sa bahay at anak ni auntie Bella sino nga ba yun?Lipton?Ayy ano ba uhmmm Aso?Potek ano ba?!Canton?HAHAHA lintek na pangalan yan di ko maalala.Ahhh! I remember na Ashton!Tsk ang hirap naman kasi tandaan pang ibang bansa kasi kaya parang ang hirap XD Mabalik tayo oo nga yung Ashton na yun naiintriga ako sa kanya pangalan pa lang mukang may something na.Konti pa lang kasi ang nakukuwento sakin ni Rhian tungkol sa kanya kaya wala pa akong kaalam-alam masyado.Si Rhian kasi masyadong malihim noon naman kahit ano pa yan sasabihin niya pero ngayon sobrang tipid niyang magkwento.Siguro may naamamagitan na sa kanila?!Pero di pwede kakarating pa lang naman ni Rhian dun kaya imposible na magkaroon agad sila ng relasyon.Paano kung matagal na palang meron?!Pero di lang sinasabi samin ni Rhian?Hayyy sasabog na utak ko kakaisip tagal naman kasi tumawag ng babae na to.Di ko naman kasi matawagan wala akong load XD Natigilan naman ako ng biglang magring ang phone ko sana naman siya na to nakuuuu magpapaliwanag ka talagang babae sakin.

"Hoy babae bat ngayon ka lang tumawag?Kanina pa ako nababaliw dito kakaisip kung ano ng nangyari sayo diyan" sigaw ko sa kanya sa phone

"Sorry natulog ako.Pagod na pagod pa ako kasi sa biyahe"

"Hala tulog ka ng tulog!?Di kaya...BUNTIS KA?!"

"Gaga!Anong pinagsasabi mo diyan masasabunutan kita e.Di ako buntis!Wala pa nga sakin ang mga ganyang bagay na sinasabi mo"

"Malay ko bang pinagsamantalahan ka nung Ashton"

"Kris Ann!Ano kaba?!Yan na ba ang epekto ng pagkawala ko diyan sa bahay kung ano-ano ng sinasabi mo.Naimpluwensyahan kana ata ni Jasmine wag ka mag-alala papapuntahin ko yung personal doctor ko diyan para tignan ang kalagayan mo" seryoso namang sabi sakin ni Rhian ginawa pa akong may sakit -_-

"Tsk Rhian nag-aalala lang naman ako para sayo mamaya kung ano ng mangyari sayo diyan wala kami."

"Kris ann kaya ko naman e.Kahit na wala kayo dito magiging matatag ako"

"Nga pala diba binanggit mo samin si Ashton samin kagabi ano nga palang meron sa inyo?"

"Wala kakakilala ko pa lang sa kanya kagabi.Nakakaines nga e :p" halata nga sa boses niya ang inis sa lalaking yun

"Bakit ano bang ginawa?"

"Ayy nako masyadong fc kakakilala ko palang kagabi porket kinausap ko na parang komportable akala sobrang close kami.Di niya ba naisip na friendly lang ako.Pero di naman ibig sabihin na ganun siya umasta"

"So ano ngang ginawa?"

"Lagi lang naman akong iniinis at laging nagpapapansin.Walang magawa sa buhay :3"

"Isa lang ibig sabihin niyan."

"Ano?"

"May gusto sayo"

"Yun?!Kilabutan ka naman sa sinasabi mo never magkakagusto sakin yun e magkaaway nga kami"

"Alam mo ang mga torpe yan ang diskarte yung magpapapansin sila sa pamamagitan na alam nilang madali para sa kanila yung asarin o kulitin ang mga babae"

"Kahit na din -_-"

"Ayaw mo lang talagang tanggapin kase natatakot kang magkagusto sa kanya katulad ng ginawa ni Er-"pinutol niya na ako sa sasabihin ko sigurado ayaw niya ng marinig ang pangalan ng lalaking nanakit sa kanya

One Last HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon