Rhian's POV
Nandito na ako ngayon sa New York.Medyo nakapagpahinga naman ako kahit papaano,Nakatulog din naman ako sa eroplano kanina.Di na rin namamaga ang mata ko.Ang susundo nga pala sakin ngayon ay si kuya inaantay ko na lang siya ngayon.Medyo traffic daw kase pero infairness ah ang ganda pala dito sa New York.Pagbaba ko pa lang kanina napansin ko na agad na maganda talaga dito.Ilang saglit lang ay may tumawag na ng pangalan ko malamang si kuya to.
"Rhian"
"Kuya antagal mo nagutom ako dito ah" reklamo ko
"Di kaba kumain sa eroplano?
"Kumain pero gutom na ako"
Napakamot naman ito ng uko "Oh sige na tara umuwi na tayo ipagluluto kita"
"Nasa bahay si auntie?"
"Wala siya di naman siya madalas umuuwi sa bahay e.Alam mo na busy pero ngayon na dumating ka magfofocus na yun sayo.Ikaw kase ang bago niyang target ngayon."napaisip ako sa sinabi ni kuya anong bagong target?
"Kuya di ko maintindihan anong bagong target ako ni auntie?"
"Mas mabuti pa si auntie na ang magsabi niyan sayo.Malalagot ako pag sinabi ko sayo ang nalalaman ko.Tsaka tara na ng maipagluto na kita" imbis na kulitin pa siya di na lang ako umimik dahil kahit kulitin ko siya di nya din sasabihin e.
------
"Nandito na tayo.Gumising kana"medyo matagal ang biyahe kaya nakatulog ako ng saglit.
Pagbaba ko nanlaki na lang ang mga mata ko sa nakita ko bahay ba talaga nila to?Ang laki!Mas malaki pa nga to sa bahay namin sa Manila.
"Woooaahh! Kuya ang laki naman ng kinuha niyong bahay ni auntie.Sa pagkakaalam ko dadalawa lang naman kayo"
"Di ko pa pala nasasabi sayo may kasama pa kami dito di lang kami ang nakatira dito."
"Sino pa?" pag-uusisa ko
"Makikilala mo din tara pasok na tayo."
Tumuloy na lang ako sa loob.Tutal makikilala ko naman daw.Siguro nandun sa sa loob.Pagpasok ko pa lang napangnga na ako sa sobrang ganda.Ang mga gamit halatang gawang new york.Ang liwanag ng buong bahay.At meron silang 10 maids!Lahat sila nakapila para bumati sakin.Grabe iba talagang buhay ang makakagisnan ko dito magmula ngayon.
"Andyan ba si Ashton?" tanong ni kuya sino naman kaya yun?
"Yes sir nasa kwarto niya po" wow ah nagtatagalog ang maids for sure mga Pinay to
"Sandali lang Rhian tatawagin si Ashton.Uhmm bigyan niyo siya ng maiinom tsaka pakihanda yung kusina magluluto ako" tapos pinaupo niya muna ako sa sala
Dumiretso na ang mga maids sa kitchen.Kailangan lahat sila kumuha?E iisa lang naman ako.Habang nililibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay.Biglang may nagsalita sa harap ko yung isang katulong pala nakakagulat -_-
"Miss Rhian ito na po yung juice"nailang naman ako bigla Miss talaga.
"Thank you.Rhian na lang po"
"Yan po ang utos samin ni Miss Bella na itawag namin sa inyo"
"Ow okay" umalis na din siya bigla sa harap ko ano bayan naiilang padin ako
"Rhian." tawag sakin ni Kuya tsaka may kasama siyang isa.
"Sino siya?" tanong ko pero patuloy padin ako sa pag-inom ng juice
"Siya si Ashton Ledesma anak ni auntie Bella." may anak si auntie!?
Halos maibuga ko na yung juice sa narinig ko "Teka wala naman asawa si auntie pano siya nagkaanak?"
"I mean ampon siya ni auntie pure Filipino din siya.Kaya pinalitan na din ang last name niya ng Ledesma dahil legal ang pag-ampon sa kanya ni auntie inasikaso ni auntie ang lahat ng papers bago niya kunin si Ashton.Gaya mo magkasing edad lang din kayo."
BINABASA MO ANG
One Last Heartbreak
Teen FictionSabi nila when it comes to love always expect heartbreaks.Pag nagmahal ka imposibleng hindi ka masasaktan.At pag nasaktan ka ibig sabibin nagmahal ka.Mahirap bumitaw kung alam mong may laban pa.Mahirap lumaban kung yung taong mahal mo bumitaw na.Per...