Rhian's POV
Napabalikwas ako sa kama dahil sa sikat ng araw na tumapat na sa muka ko.Iniwan na ako nung dalawa at mukang nauna silang pumasok ang mas lalong nakakainis di nila ako ginising! 6:45 na ako nagising e 7:00 klase namin mabagal pa naman ako kumilos kaya kadalasan nagpapagising talaga ako ng mas maaga sa kanila.Nagmamadali na akong kumilos ayokong malate never pa akong nalate.Malalagot talaga yung dalawang yon sakin bakit ba nila ako naisipang iwanan!
------
Pagpasok ko sa S.U hinanap agad yung dalawa at nakita ko lang naman sila na masarap na kumakain!Napatingin ako sa orasan ko at inabutan na ako ng recess sa sobrang late ko.
agad-agad akong lumapit sa kanilang dalawa para tanungin kung bakit nila ako iniwan
"Oy kayong dalawa bakit kayo nang-iiwan huh?tapos di niyo pa ako ginising."
"KASI MULA NGAYON GIGISING KANA MAG-ISA KUNG GUSTO MONG MAKASABAY SAMIN"
"Ano nanaman bang kalokohan to ah?"
"Naisip kasi namin na dapat may mga pag-babago ng mangyayari sayo dapat kahit ganon lang simpleng bagay kaya mo ng gawin kasi makakatulong yon sa bago mong buhay!"
"Bagong buhay?!"nagulat ako sa sinabi nila anong bagong buhay?
"Oo mula ngayon may iba't-iba ng pagbabago sayo para makalimutan mo si Eron"
"HINDI KO SIYA MAKAKALIMUTAN.KASI MAGHIHIGANTI AKO PAGDATING NG TAMANG PANAHON" seryoso kong sabi oo talagang maghihiganti ako
"Rhian ikaw ba yan?Parang nag-iba ka na di na ikaw yung simple at mahiyain ngayon matapang kana"
"Ako padin to pero may nag-iba lang sakin di ko din alam kung bakit naging mas matapang ako e"
"Kung ganon!Mas maganda nga na ganyan ka na lang!Ipakita mo kay Eron na iba kana!Na hindi ikaw ang nawalan kundi siya" tama nga sila dapat yun ang gawin ko
------
Pupunta ako sa office ngayon dahil may pinapabigay si ma'am pero napadaan ako sa isang bakanteng room na may nag-uusap na kalalakihan
"Ano pre napatawad ka na ba Rhian?"
"Dipa pre mainit pa ulo nun sakin malupet ginawa ko sa kanya e pano pa ako mapapatawad nun" nagulat ako sa nagsalita at di ako pwede magkamali si Eron yun
"Ang weak mo naman pala pre,Rhian Velida lang di mo pa mauto.Nagawa mo naman yun dati diba?"
"Iba na nga si Rhian ngayon.Mas naging matigas na siya."
"Wala ka pala e.pano ba yan wala na yung another P20,000 mo."
"Hindi.Di pa ako tapos pre hintayin mo mapapatawad ako nun e diba uto-uto yun?HAHAHAHA" nagulat ako sa sinabi niya pinagpustahan niya nanaman ba ako?Na pag napatawad ko siya may pera nanaman siyang makukuha.Mabuti na lang at di ko siya pinatawad kung hindi ganto pala mangyayari
Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumasok ako sa loob kitang-kita sa mga itsura nila ang gulat.
"Alis na siguro kami pre mukang may kailangan kayong pag-usapan"sabi ng mga kaibigan niya pero pinigilan ko sila
"Walang aalis.Gusto kong marinig niyo yung sasabihin ko."di na sila nagsalita halatang natakot sila sakin
Sinampal ko si Eron
"Gusto ko lang sabihin sayo tama ka hindi na ako yung Rhian na mahina.Masyado na kong matigas ngayon para utuin mo pa ulit ng pangalawang beses.Tingin mo papapayag ako?Mali ka Eron maling-mali.Naalala mo ba yung sinabi ko sayo dati?Mukang hindi na pwes uulitin ko.NAGKAMALI KA NG KINALABAN ERON.
bago ako umalis nagsalita pa ulit ako
"Nga pa kung gusto lang pala ng pera.Sana di kana nagpakahirap.Humingi ka na lang sana saken sobra-sobra pa.Di naman ako madamot sa mga katulad mo kahit buong kaibigan mo kaya kong bigyan"tsaka umalis wala na akong narinig sa kanila na nagsalita.
--------
Eron's POV
Sinabi nanaman niya yun.Inaamin ko kinakabahan ako.Iba na nga talaga si Rhian at kagagawan ko yun.Narinig niya lahat ng napag-usapan namin ng tropa ko.Oo totoo yun nakipagpustahan ulit ako sa mga kaibigan ko para sa P20,000.Di rin totoo yung paghingi ko ng tawad kay Rhian.Pero ang totoo lang dun yung pagsabi ko sa kanya na naging masaya ako nung minahal niya ako.Di ko alam kung ano ng mangyayari samin ang tanga ko!Nasaktan ko nanaman siya.Pero nakikita ko sa kanyang mga mata kanina hindi siya umiiyak walang bahid ng kalungkutan puro GALIT.Alam kong maghihiganti siya sa ginawa ko pero kung ano mang gagawin niya pipigilan ko yun di din ako papayag na ako ang talo.Hindi isang Rhian Velida ang magpapahirap sa isang Eron Shin.
------------------
BINABASA MO ANG
One Last Heartbreak
Genç KurguSabi nila when it comes to love always expect heartbreaks.Pag nagmahal ka imposibleng hindi ka masasaktan.At pag nasaktan ka ibig sabibin nagmahal ka.Mahirap bumitaw kung alam mong may laban pa.Mahirap lumaban kung yung taong mahal mo bumitaw na.Per...