Blake's POV
"Blake,papuntahin mo na dito si Rhian" utos ni auntie sakin
Bago pa man kayo malito ako si Blake Venida.Rhian's brother.Si auntie Bella yung tumawag sakin.Gusto niyang papuntahin ko na si Rhian sa New York.Matagal ng gusto ni auntie Bella pumunta si Rhian sa New York dahil gusto ni tita na dun na ipagpatuloy ni Rhian ang studies niya para may makasama siya.Sobrang mahal na mahal niya si Rhian dahil napakabuti ni Rhian kay auntie.
"Sige auntie gagawin ko ang lahat"
-------
Nagriring yung phone ko sino kaya to?Unknown number kase.Di bale baka importante.
"Hello?"
"Rhian.pupuntahan kita asan ka?"di ako nagkakamali boses yun ni kuya Blake.
"Kuya nakabalik kana!?kelan pa?"
"Kanina lang kaya nga asan kaba?"
"Nasa school ako kuya pauwi na din ako"
"Intayin mo ko.Susunduin kita"
binabaan niya na ako pagkatapos.
Ilang minutes lang natatanaw ko na si kuya mula dito sa gate.Pinauna ko sila Jasmine sa bahay dahil nga susunduin ako ni kuya.
"Kuyaaaaa!"niyakap ko siya ng mahigpit.Grabe namiss ko to nasa New York lang kasi siya dahil sa work niya kasama niya si auntie Bella.Sobrang close ko to si kuya halos mas close ko pa to sa mommy ko.
"I miss you too." maikling sabe saken ni kuya
"So bakit ka bumalik?Syempre hindi ka naman pupunta dito ng walang dahilan e :3 Puro ka trabaho naman kasi trabaho"
"Pinapapunta kana ni auntie sa New York"
"Kuya di pa tapos ang pag-aaral ko dito!"
"Sa New York kana mag-aaral Rhian"
"Pero kuya nandito mga kaibigan ko."
"Pag-isipan mo muna ang sinabi ko.Ibang buhay ang meron sa New York Rhian maraming pwedeng magbago sa buhay mo pagdating mo dun."
"Sige kuya pag-iisipan ko"
"O pano ba yan punta muna ako sa condo ko pagod si kuya e dumiretso na kasi ako dito pag-uwi ko para makausap ka."
"Sige kuya pahinga kana"
"Pero hahatid muna kita"
"Si kuya talaga ang sweet"
"HAHA tara na!" hinila niya na ako papunta sa kotse tsaka umalis
-------
Rhian's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto.Nag-iisip ako kung papayag na ba akong sumama kay kuya sa New York.Pero maiiwan ko naman sila Kris ann dito.Nga pala di ko pa nga nasasabi sa kanila yung tungkol sa sinabi ni kuya kailangan bago ko sabihin sa kanila nakapagdesisyon na ako.Di ko alam matagal ng gusto ni auntie na magpunta akong New York.Gusto ko na din naman makita si auntie ilang taon na din na di kami nagkikita.Close din kami ni auntie lahat ng sikreto ko sinasabi ko din sa kanya pati tungkol kay Eron.Yung tungkol sa break up namin yun lang ang di ko pa naiikwento medyo naging busy kasi ako masyado.Naguguluhan ako tama ba na sumama ako kay kuya papuntang New York?Tama ba na iwan ko ang mga kaibigan ko dito?..Urrrrg ang hirap mag-isip!
-----------------
BINABASA MO ANG
One Last Heartbreak
Fiksi RemajaSabi nila when it comes to love always expect heartbreaks.Pag nagmahal ka imposibleng hindi ka masasaktan.At pag nasaktan ka ibig sabibin nagmahal ka.Mahirap bumitaw kung alam mong may laban pa.Mahirap lumaban kung yung taong mahal mo bumitaw na.Per...