Chapter 3: Make Over

348 9 0
                                    

Jasmine's POV

Ako nga pala si Jasmine Claire Dizon.Nag-iisang anak nila Francisco at Josefina Dizon.Tahimik at matalino akong babae.Sa aming tatlong magkakaibigan ako ang pinaka seryoso.Matagal na ng makilala ko si Rhian.Nakilala ko siya nang ipakilala siya ni Tita Talia sakin ang mommy ni Rhian.Magkumare sila ng nanay ko.At doon palang naging maganda na ang simula ng pagkakaibigan namin.Hanggang sa nakapagdecide kami na tumira na lang sa isang bahay.

Si Rhian?Sobrang bait na babae niyan.Prinsesa ang turing sa kanya ng kanyang pamilya.Halos na sa kanya na ang lahat.Hanggang dumating sa buhay niya si Eron Shin ang lalaking minahal niya ng lubos-lubusan.Nakakalungkot lamang na yung lalaking inakala niya na forever niya lolokohin lang din siya.

----------------
Rhian's POV

Ang hirap pala.Na akala mo kaya mo hindi naman pala.Nandito ako ngayon sa kwarto.Nagmumukmok.Lutang na lutang at nag-iisa.

*tok*tok*tok*

"Rhian?Okay ka lang ba?Buksan mo tong pinto kain na tayo dali" rinig kong sabi ni Jasmine mula sa labas ng pinto

"Okay lang ako.Sige na kumain na kayo" sagot ko

"Rhian alam naming di ka okay.Kaya buksan mo na to.Magkwento ka samin.Makikinig kami" sabi naman ni Kris ann

"Iwan niyo na ako!Gusto ko mag-isa!" sigaw ko

"Rhian sige na please" pakiusap ni Jasmine

"Ayoko nga sabi!" sigaw ko ulit

"Bubuksan na namin tong pinto Rhian" at naririnig ko ng sinususian na nila ang lock ng pinto para mabuksan

"Rhian tignan mo ang itsura mo.Ayan ba ang okay?" tanong ni Kris ann pagpasok nila

"Sinabi kong gusto kong mag-isa!Umalis kayo!Okay lang ako!" tumayo ako at tinutulak sila paalis

"Rhian ano ba?!Hindi mo ba nakikita kung sino ang pinagtutulakan mo palayo?!" sigaw ni Kris ann

"I'm sorry.I'm sorry." napaupo ako sa sahig at humagulgol ng iyak.

Umupo din silang dalawa at tinabihan ako "Rhian hindi pa katapusan mundo.Nandito kaming mga kaibigan mo.Tutulungan ka namin." sabi ni Jasmine

"Rhian tumingin ka samin" hinawakan ni Kris ann ang muka ko

"Rhian!Sinong gumawa nito sayo?!" gulat na sigaw ni Kris ann

Dahil sa pagsabunot at pagtulak sakin ni Melody nagkaroon ako ng mga galos sa muka

"Oo nga Rhian sino?!"

"Si Melody.Siya yung babaeng kasama ni Eron.Siya din yung nanabunot at nanakit sakin." sabi ko

"Ano?!Humanda yang Melody na yan!Makikita niya!" sabi ni Jasmine

"Ang tanga tanga ko.Ang tanga ko para magpaloko kay Eron!Pustahan lang pala ang lahat.Peke lang ang lahat" sabi ko at di ko mapigilang umiyak ulit

"Shhhh...Tama na Rhian.Wag mong kalimutan nandito pa kaming kaibigan mo.Tutulungan ka namin.Papatunayan mo sa kanilang lahat na mali sila.Mali si Eron."

"Tama si Kris Ann.Tatlo tayo.Nandito kami Rhian.Wag mong hayaang magpalunod ka na lang sa lungkot at sakit." Jasmine

"Thank you sa inyo Jasmine at Kris ann.Umpisa palang nandiyan na kayo para sakin." sagot ko at niyakap silang dalawa

"So what's your plan?" Tanong ni Jasmine

"Edi Mag move on at ipagpatuloy ang buhay"

Bigla naman pumalakpak si Kris ann "Tumpak ka diyan friend! Tama yan! Marami pang boylet diyan sa tabi tabi marami kang pagpipilian!"

One Last HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon