Rhian's POV
"Rhian I have something important to tell you" seryosong sabi sakin ni auntie sa kabilang linya.
"Ano po ba yun auntie?" sagot ko naman
"Pumunta ka dito sa kompanya ko ipapahatid kita sa driver ko tapos dadalhin ka na lang ng secretary ko dito sa office ko ngayon na Rhian.Nga pala wag mo ng isama si Ashton"
"Ok po auntie pupunta na ako"
*toot*toot*toot*
Nagmadali na agad akong magbihis at mag-ayos.Hindi na din ako nagpaalam kay Ashton dahil sasama pa yun kahit anong gawin ko.At dumiretso kami ng driver sa kompanya ni ni auntie hanggang ngayon wala padin akong naiisip na importanteng sasabihin sakin ni auntie na kailangan agad-agad kong malaman.Kinakabahan ako ng hindi ko alam pakiramdam ko may hindi at posibleng magandang balita.Sa pagkakakilala ko kay auntie hindi naman siya magaabalang tawagan ako kung talagang hindi importante ang kanyang sasabihin.Sana lang talaga
good news na lang.
Sa sobrang pag-iisip ko namalayan ko na lang na nandito na kami nung driver.
"Miss Rhian nandito na po tayo" sabi sakin nung driver
"Uh?Sige salamat" tsaka ako lumabas
Pagpasok ko sa loob may sumalubong na agad sakin na babae marahil siya ang secretary na sinasabi ni auntie
"Excuse me miss Rhian?"
"Yes?"
"Hi Im Andie :) Pina-papunta d-aw po ka-yo ni Ms.Ledesma sa office?"
"Yeah"
"Ok ma'am by the way Im her secretary"
"Ow okay"
"Follow me Miss Rhian" sabi naman niya edi sumunod ako muka siyang hindi Pilipino kaya siguro hirap siyang magtagalog hehe
Pagsakay namin ng elevator nakita kong pinindot niya ang 18th floor nakooo anu bayan ayaw ko pa naman nagtatagal sa elevator nahihilo ako.Sana mabilis lang kami makarating.Nang paakyat ng paakyat nakakaramdam na ako ng hilo agad naman itong napansin ni Andie.
"Ma'am are you okay?"
"Not really."
"Don't worry ma'am malapit na tayo"
"Okay"
"Miss Rhian?This way" at sa wakas nakababa nadin kami hayy
"Pasok na po kayo" sabi naman nung isa pang babae
"Okay thank you" agad naman akong pumasok sa loob
Pagpasok ko sobrang ganda ng office ni auntie simple lang ang disenyo pero maganda.
"Rhian maupo ka" nagulat naman ako na nagsalita si auntie
"Ayy sorry po auntie ang ganda po kasi ng office niyo"
"Haha thanks"
"Nga pala ano po yung sasabihin niyo auntie?"
"Ok didiretsuhin na kita Rhian about to sa kompanya ng family mo" nabigla naman ako sa sinabi ni auntie ano kayang problema ng kompanya namin?
"Ano pong tungkol dun?"
"Ang daddy mo ay nilihim to sa inyo kahit sa mommy mo.Ang daddy mo ay umutang sakin ng malaking halaga.Tulad nga ng sabi ko nagkaproblema ang kompanya niyo.Noong isang taon unti-unting nanghihina ang kompanya niyo dahil sa kadahilanan na napabayaan na ito ng daddy mo.Masyado siyang naging kampante at pinabayaan ito.Ngunit nang malaman niya na lumulubog na pala ang kompanya niya sa utang dahil na din sa kanyang kapabayaan.Masyado siyang nasilaw sa pera at dahil dito sa pagsusugal niya nagagamit niya na din ang mga pera na nakalaan sa kompanya niyo."
BINABASA MO ANG
One Last Heartbreak
Teen FictionSabi nila when it comes to love always expect heartbreaks.Pag nagmahal ka imposibleng hindi ka masasaktan.At pag nasaktan ka ibig sabibin nagmahal ka.Mahirap bumitaw kung alam mong may laban pa.Mahirap lumaban kung yung taong mahal mo bumitaw na.Per...