Chapter 22: Changes

230 7 0
                                    

Bella's POV

Alam kong galit sakin si Rhian ngayon pero alam ko sa huli maiintindihan niya rin ang lahat ng ito.Kung iniisip niya na selfish akong tao mali siya ginagawa ko ito hindi lamang sa sarili ko kung hindi para din sa kanya.Gusto kong ibang Rhian Velida na yung makikilala ko yung mas matapang alam kong malaki ang maiitutulong ko sa kanya at balang araw mapapatawad niya ako at pasasalamatan.Sa ngayon may mga bagay siyang dapat isakripisyo dahil kasama yun sa pagbabago niya sa pagiging mad matapang.Kinakailangan niyang maging matatag tulad na lang muna ng hindi pagkakaroon ng komunikasyon sa kanyang mga kaibigan alam ko naman na mahirap gawin yun pero kailangan.Sinabi niya na isang taon lang ang papaging modelo niya dito sa New York naiintindihan ko at pagbibigyan ko siya sapat na ang isang taon para magbago si Rhian.Alam niyang isa akong taong kayang gawin ang lahat at walang makakapigil sakin.Kahit nga ang aking anak ay naging target ko at tignan niyo iba na siya ngayon sa noon.Sana pagdating ng panahon maintindihan din ako ni Rhian...

-------

Rhian's POV

Nagising ako ng maaga ngayon dahil di naman ako halos makatulog.Kung makikita niyo lang ako ngayon namamaga ang mga mata sa sobrang kong pag-iyak kagabi.Pero naisip ko lang tama na din siguro na may mangyaring pagbabago sakin.Na pumasok naman ako sa bagong industriya at alam ko makakatulong ito hindi lang sa pamilya ko kung hindi sa sarili ko din.Ang kailangan ko na nga lang gawin ay tanggapin ito at pagkatapos ng 1 isang taon pagbalik ko ng Pilipinas isang bagong Rhian Velida ang kanilang makikilala.Siguro nga ang unang hakbang para mag-iba ako ay hindi ko muna makausap ang mga kaibigan ko mahirap to sa akin dahil halos kapatid ko na sila sana maintindihan lang nila.Dapat kalimutan ko muna ang lahat ng tungkol sa aking nakaraan at bumuo ng bagong buhay.

*tok*tok*tok*

Isang mahinang katok ang narinig ko mula sa aking pinto.Agad ko naman itong binuksan.At bumungad sa aking harap si Ashton na may dalang tray ng pagkain.

"Pwede na ba kita ngayon makausap?" mahinahon niyang sagot

"Oo naman pasok ka."

Nilapag niya muna sa kama ko ang tray at lumapit sakin.At ang mas kinagulat ko nang hawakan niya ako sa muka.

"Ashton?Ok ka lang?" tanong ko

"Tignan mo nga ginawa mo sa mga mata mo namamaga oh wag mo ng gawin yan sa susunod" habang nakahawak parin siya sa muka ko at seryosong nakatingin ng diretso sa mata ko

"Ah e malamang umiyak kasi ako kaya ganyan" tsaka ko tinabig ang kanyang kamay at umupo sa gilid ng kama

"Bakit kaba umiyak?Anong problema?Alam mo ba hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip kung anong nangyari sayo"

"Pasensya na ano kasi tungkol lang sa pinag-usapan namin ni auntie"

"Ano bang sabi niya?"

"Kwinento niya na nagkaroon pala ng malaking problema ang aming kompanya at kinailangan na umutang si daddy ng malaking halaga kay auntie ngunit nang sinisingil niya na si daddy di siya nito binayaran"

"Ganun ba..so anong nangyari?"

"Dahil sa galit ni auntie sinabihan niya ako na kakausapin niya lahat ng investors ng Velida na tumigil at ihinto ang pag-invest sa kompanya namin.At pag nangyari yun maaaring malubog nanaman ang aming kompanya sa utang"

"Wala na ba daw paraan?"

"Meron.At yun ang pagpasok ko sa showbiz o pagmomodelo dahil sabi ni auntie pag pumayag ako di niya na itutuloy ang kanyang plano"

"Fvck!Ginawa ni Mom yun?!Paano niya nagawang gawin yun na pilitin ka?!" sigaw ni Ashton

"Huminahon ka Ashton pumayag naman ako at napag-isipan ko na buo na ang desisyon ko susundin ko si auntie di lang naman ito about sa pamilya ko tungkol din ito sakin.Makakatulong ito na magbago ako"

One Last HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon