Ashton's POV
"Wala na sila.Ligtas kana.Sorry Rhian sorry" mahina kong sabi kay Rhian bago siya mawalan ng malay
Agad ko siyang binuhat at dinala sa kotse ko para i-uwi na sa bahay.Mabuti na nga lang naabutan ko siya dito kundi di ko na alam ang gagawin ko pag may nangyaring masama sa kanya.
*FLASHBACK*
"Ang manhid mo naman.I like you Ashton" mas lalo ako nagulat sa sinabi niya
Di naman agad ako nakasagot sa sinabi niya.Ako gusto niya? o.O
"Pft.Hahaha nakakatawa yung reaksyon mo XD" nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla siyang tumawa
"Huh?Bakit ka tumatawa?" tanong
"Haha binibiro lang naman kita kasi masyado kang seryoso.So naniniwala ka talaga na gusto kita ah?"
"Ahhh eh hindi" yun na lang ang sinagot ko
Pero sa di ko inaasahan bigla kong nakita si Rhian sa gitna at may kasayaw nakangiti at tumatawa.Ganun na lang siguro sa kanya kadali ang lahat.
Dahil na din sa selos at galit pupuntahan ko na dapat siya ngunit hinawakan ako ni Charmaine
"Ashton ito hindi to joke.." seryoso niyang sabi at hinalikan niya ako sa labi
Di ako makapaniwala na ginawa niya yun.Nung una di agad ako nakagalaw sa pagkagulat pero nang nagising na ako sa reyalidad agad ko siyang tinulak.
"Bakit mo ginawa yun?!" sigaw ko
"Oopps sorry" at ngumiti lang ito ng nakakaloko n parang sinadya niya na halikan ako
Nang tumingin ako sa direksyon ni Rhian wala na siya tumakbo siya palabas.Susundan siya sana nung lalaki kasayaw niya kanina pero inunahan ko na ito.
Sa paglabas ko hindi ko na siya naabutan wala akong ideya kung san siyang direksyon pumunta.Pero nagpatuloy ako sa paghahanap hanggang may narinig akong boses na humihingi ng tulong.
"Ano ba?!Tulong!" sigaw nung babae teka si Rhian yun!
"Fvck!" sigaw ko at agad kong sinundan yung boses kung san nanggagaling
At di nga ako nagkamali si Rhian nga!
"Hoyyy!Tigil niyo yan!" sigaw ko dun sa mga lalaki agad naman silang tumakbo paalis
Agad kong nilapitan si Rhian pero bigla na itong nawalan ng malay.
*END OF FLASHBACK*
Nandito na kami ngayon sa bahay.Ipinasok ko na agad siya sa kwarto ko dahil nakalock yung kwarto niya at di ko alam kung asan
ang susi kahit yung mga maids wala.Kaya dito ko muna siya diniretso.
"Sir may kailangan po ba kayo?Gusto niyo po bang ako ng mag-alaga kay Miss Rhian para makapagpahinga na din po kayo?" sabi ng isa naming kasambahay
"Hindi na ako ng mag-aalaga sa kanya.Pakikuha niyo na lang po ako ng tuwalya tsaka palanggana na may tubig" utos ko naman
"Sige po sandali lang" sagot niya at lumabas na ng kwarto
"Rhian ano bang ginagawa mo sa sarili mo?Muntik ka lang mapahamak ng dahil sakin.Paano na lang pag may nangyari talaga sayong masama?Paano pag napatay ka pa?!Paano na lang ako?" seryoso kong sabi sa kanya habang hawak ang kamay niya alam ko naman na hindi niya ako maririnig kaya ngayon lang ako may lakas ng loob na sabihin to sa kanya
"Sir?Dala ko na po yung inuutos niyo" narinig ko naman na sinabi nung maid mula sa labas ng pinto
Agad naman kong tumayo at kinuha yun
BINABASA MO ANG
One Last Heartbreak
Teen FictionSabi nila when it comes to love always expect heartbreaks.Pag nagmahal ka imposibleng hindi ka masasaktan.At pag nasaktan ka ibig sabibin nagmahal ka.Mahirap bumitaw kung alam mong may laban pa.Mahirap lumaban kung yung taong mahal mo bumitaw na.Per...
