Chapter 4: Its really hard..

341 9 0
                                    

Kris Ann's POV

Syempre katulad ni Jasmine dapat magpapakilala muna ako.Di pwedeng siya lang ako din dapat syempre!So ako ang pinaka maganda at walang ibang si Kris Ann Claveria bestfriend din ako ni Rhian.Kung napapansin niyong mayaman sila pwes mas mayaman ako.Mayaman sa kagandahan HAHAHAHA.Pero ang pinakamayaman talaga saming tatlo ay si Rhian pero ako pinakamaganda :p.Oyy baka magkaroon naman ako ng haters ah di po ako mayabang joke lang po yun ^_^.Eto seryoso na ang pamilya ko o ang Claveria Family haha iisa lang Nagmamay-ari kami ng mga 5-star restaurants dito sa Pilipinas oo meron kaming 50 branches sa buong bansa.Wala pa kame sa ibang country pinagpaplanuhan pa kasi nila Mom ang tungkol dun.At kung itatanong niyo naman kung pano ko nakilala si Rhian ganito yun.

*FLASHBACK*

Suplada at masungit kase ako nung 1st yr HS pa lang ako.Matapang ako wala akong inuurungan kaya nga takot yung mga estudyante saken.Dahil din don walang nakikipag-kaibigan saken.Pero may may nag-iisang estudyante lang ang kauna-unahang lumapit at nakipag-kaibigan saken si Rhian Velida yon.Nung una talaga naiirita ko sa kanya kase ang kulit niya!Oo di siya tumitigil hanggat di niya ako nagiging kaibigan.Pagkatapos ng 5 months na pangungulit niya saken na-inlove na ako sa kanya ayyy este gumaan na din pala ang loob ko sa kanya.Hindi po ko tomboy sa ganda ko ba naman to.

"Hindi ka ba napapagod kakakulit saken Rhian?"

"Hindi,kasi gusto kitang maging kaibigan dahil iba ka sa kanila.Matapang ka"

Simula non ewan ko pagkasabi nya nun nakipag-kaibigan na ako sa kanya di ko naman pinagsisihan yon kase napakabuti niyang kaibigan mula noon hanggang ngayon.

*END OF FLASHBACK*

-----

"Rhian!bangon na dali papasok pa tayo!"nagulantang naman ako sa boses ni Kris ann kahit kelan talaga to sobrang sakit sa tenga ng boses :3

"Parang di ko kaya Kris ann"malumanay ko sagot

"Bakit friend may masakit ba sayo saan?Para magamot agad"Natatarantang lumapit naman saken si Jasmine

"Oo meron,eto oh *sabay turo sa puso ko* di ko alam kung anong gamot dito"

"Sus ang drama mo! Ang ganda mo na yan padin prolema mo?Ito lang gamot diyan!"tapos lumapit silang dalawa saken at niyakap ako ng mahigpi at oo nga nawala ang sakit ng nararamdaman ko pero alam kong pansamantala lang to.

"Ano pasok na tayo?!" aya nila

"Tingin niyo ba kaya ko na siyang makita?"

"Alam naming mahirap Rhian pero dapat kayanin mo!Para mapatunayan mo sa kanya na mali nga ang kinalaban niya!"

Nabuhayan naman ako ng loob sa sinabe nila!tama sila oo dapat panindigan ko yung sinabe ko sa kanya

"Tama kayo kaya tara na!"Masigla kong sabi sa dalawa

------

Papunta na kami ngayon sa school para pumasok at nakasakay kami sa kotse ni Jasmine pinapagawa pa kasi yung kotse ko kaya kay Jasmine muna yung ginagamit namin ngayon.Di ko maiwasan kabahan syempre pano pag nagkita kami anong gagawin ko?Kakayanin ko ba?

Sa sobrang kaba ko di namalayan nandito na pala kami sa Shamley

"Uy Rhian ano iuuwi ka na ba ng driver namin?Bat hindi kapa nababa diyan?"

"Haha ito na!" sagot ko na lang

Pagpasok ko pa lang sa entrance nakita ko agad siya.Naglalakad siya kasama niya si Melody.Feeling ko maiiyak ako at kahit anong oras papatak na yung luha ko.Dumiretso na lang ako sa paglalakad nang bigla siyang nagsalita...

"Rhian...Let's talk"

Di ko alam ang sasabihin ko.Di ako makaalis sa kinatatayuan ko.Nang nagkaroon ako ng lakas ng loob sa wakas nakapagsalita nadin ako.

"Sure Babe ^_^ ano bang pag-uusapan natin?"nakangisi kong sabe pero nakakatuwa nasabi ko yun sa harap halatang nagulat siya dahil kumunot ang kanyang noo niya hindi ko alam kung bakit ito ang lumabas sa bibig ko

Di na siya nagsalita at hinila niya na lang ako bigla

Eron's POV

Hinila ko na lang siya basta basta papunta dito sa roof top.Oo gusto ko siyang makausap ng magkalinawan kami alam kong nasaktan ko siya at ang tanga tanga ko para gawin yun!

"Babe ang sweet mo naman diba dito tayo lagi nag-uusap nung nililigawan mo ko?So ano pa lang pag-uusapan natin babe?"bakit pa pinipilit niyang ipakita sakin na hindi siya nasasaktan!Kitang-kita naman sa mga mata niya na nahihirapan siya

"Stop it Rhian"

"Anong ititigil ko babe?!"tumaas na ang boses niya

"Stop pretending Rhian,wag kang magkunwari na hindi ka nasasaktan itigil mo na yan!lalo ka lang mahihirapan"

"Oo tama ka Eron nagpapanggap akong matapang na masaya ako kahit wala ka!Pero hindi e hindi ko nga kaya!Di ko parin tanggap na wala na lahat,Dahil lang sa letcheng pustahan yan dahil sa pera na yan nagawa mo kong paglaruan!Alam mo bang sobrang sakit Eron?Syempre hindi ka nasasaktan kasi sigurado masaya kapa kasi napaglaruan mo na ako diba Eron?Sabihin mo masaya ka na umiiyak ako masaya ka na nakikita mo kong nahihirap at nasasaktan diba?!Sige Eron sabihin mo!!!"umiiyak na siya sa harap ko pero biglang may kumirot sa puso ko..

"Tama na Rhian,Oo nagkamali ako sinaktan kita.Di ko din alam kung anong pumasok sa utak na paglaruan ka Rhian at paiyakin ka.Tama ka na dapat masaya ako ngayon kasi nasasaktan ka ngayon pero hindi Rhian sumasakit to!Ang weird ng makita kitang umiyak ngayon kumirot to *sabay turo sa parte ng puso ko*" lumapit ako sa kanya

"Ito lang ang alam ko ngayon,Pero Rhian naging masaya din ako noon nung minahal mo ko,di man kita nagawang mahalin pabalik noon naging masaya padin ako dahil isang Rhian Velida ang nagmahal sakin."

Lumakad na ako paalis nang bigla siyang nagsalita

"Salamat Eron...Sa mga alaala at siguro ngayon nalaman ko na napasaya kita tama na siguro yon para sumaya nadin ako na ako lang mag-isa at kung saan wala ka."

At sa oras na yun hindi ko maintindihan ang puso ko pero isa lang ang alam ko na parang dinurog ang puso ko sa narinig ko mula kay Rhian.

-------------

One Last HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon