Chapter 28: New Beginning?

189 7 0
                                    

3rd Person's POV

* AFTER TWO YEARS *

Makalipas ng dalawang taon na pananatili ni Rhian sa New York marami ng nagbago sa buhay niya.Naging succesful ang pagmomodelo niya sa Ledesma at isa na siya ngayon sa pinakasikat at kilalang modelo sa New York .Nang matapos ang kontrata niya ng isang taon muli siyang pumirma sa Ledesma dahil na din sa kagustuhan niyang ipagpatuloy pa ang kanyang career.

Hindi man nagkatuluyan sila Ashton at Rhian nanatili padin silang magkaibigan.Inuloy padin ni Ashton ang pagpapakasal niya kay Charmaine sa katunayan ikakasal na sila sa isang taon.Si Rhian naman ay nanatiling masaya para sa kaibigan para nadin sa ikabubuti ng lahat.Naging mahirap man ito sa kanya nung una tinanggap padin ito ng maluwag sa kanya.

Natapos niya na din ang pag-aaral sa highschool sa sarili niya ding sikap.Di naging madali ang pag-aaral ni Rhian sa New York dahil mas pinili niyang mag-aral sa isang university imbis na maghome study naging mahirap ito dahil na din sa mga projects at pictorials na ginagawa niya.

Sa kabilang banda patuloy padin na pinagbabayaran ni Eron ang lahat ng kasalang nagawa niya kay Rhian.Tulad nito nanirahan narin siya sa New York upang patuloy na suyuin ito dahil hanggang ngayon naniniwala siya na may tsansa pa siyang mapatawad nito sa kabila ng lahat ng kasalanan nito.

"Miss Rhian I already prepared all the things you need for your flight tommorrow" mahinahon na sabi ng secretary ni Rhian

"Thank you.You may go now" sagot naman niya

"Rhian naman aalis kana bukas di mo parin ako napapatawad?Ang tagal na kitang sinusuyo ah :(" sabi naman ni Eron sa kanya

Kasalukuyan silang magkasama sa opisina nito.

"Tsk sino ba kasing nagsabing suyuin mo ko ng matagal at dito kapa talaga tumira kung asan ako ah?!" sigaw naman niya

"Rhian naman ano pa bang dapat kong gawin para mapatawad mo na ako?"

"Naalala mo ba noon yung sinabi kong paghihigantihan kita?"

"Oo,bakit itutuloy mo parin ba?"

"Tingin mo ba maitutuloy ko pa kung nagawa ko na?Alam ko naman na pinagsisihan mo na lahat tsaka I just realize na wala din mangyayari kung puro galit na lang ang nasa puso ko kasama nadin ang paghihiganti"

"So pinapatawad mo na ako?"

"Uh-huh" maikling sagot ni Rhian

"Yesss salamat Rhian yung nililigawan ko fan ka alam mo bang sinabi niyang pag pinatawad mo na ako sasagutin niya ako?!" masiglang sigaw nito

"Haha mabuti naman at nakapag move on kana sakin"

"Alam ko naman kasi wala na akong chance pa sayo.Pero kung gusto mo naman tayo na lang?"

"Tsk umalis ka na nga!Oyy basta wag mo ng lokohin yung babaeng mahal mo kundi lagot ka sakin!"

"Pinapaalis mo na ako?Wag naman :p"

"Ah ganun ayaw mo?Gusto mong tawagan ko si Charm at iparape kita?Pft.haha"

"Oo nga sabi ko sige bye!" sabi ni Eron sabay takbo sa labas

*Ringggg*Ringgg*Ringggg*

"Hello?Charm napatawag ka?May problema ba?"

"Girrrrl!Ano kaba!Babalik kana daq ng Pilipinas bukas?!Bakit ang bilis naman!Iiwan mo na yung pinakamaganda mong bestfriend?" sigaw nito mula sa telepono

Mula nung nagkausap sila nun sa party naging matalik na magkaibigan na din sila.Ikinagulat din ni Rhian ang tinatagong lihim nito tungkol sa totoo niyang kasarian haha XD Ngunit tinanggap padin niya ito ng walang pag-aalinlangan at di niya ito pinagsisihan.

One Last HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon