Chapter 30: Her Side </3

181 6 4
                                    

Rhian's POV

"So Rhian mag-eenroll kana ba agad?Or i-eenjoy mo muna yung pagii-stay mo?Alam mo kasi since umpisa pa lang ng pasukan pwede kapa humabol" tanong sakin ni Jasmine habang kumakain kami ngayon ng pizza

"Alam mo napag-isipan ko nadin yan pero sige mag-eenroll na ako agad alam mo kasi mahirap maghabol ng lessons.Maeenjoy ko padin naman yung pananatili ko dito kasi nandito kayo kasama ko" sagot ko

"Para makilala ko na agad yung lalaki ni Kris ann" patuloy ko pa

bigla naman nasamid si Kris ann nang nabanggit ko yung lalaki niya haha

"Rhian naman e :(" nakapout niyang sabi

"Tss oo na!Di ko naman siya ipapabugbog e wag kang OA please :3"

"Naniniguro lang kilala kita Rhian e" sagot niya

"Hahaha tumigil ka nga!Akong bahala basta ang kondisyon ko pag di ko siya nagustuhan gagawa talaga ako ng paraan para maghiwalay kayo!Kaya sabihin mo diyan lalaki mo maghandahanda na siya"

"Bago kapa dumating sinabihan ko na siya"

"Wow Kris ann wow!Iba ka talaga" singit naman ni Jasmine

"So ano naman kayang paghahanda ang gagawin ng boyfriend mo?" tanong ko

"Di ko alam!Pero may tiwala ako sa kanya na di niya hahayaang mapahiya siya" taas noong sabi naman ni Kris ann

"Talaga lang huh" sabay naming sagot ni Jasmine

"Oo!Tignan niyo lang!"

---------

Ashton's POV

Pagkatapos nung sagutan na naganap sa pagitan namin ni Charmaine.Naging awkward na lagi pag magkikita kami kahit sa bahay di niya na ako pinapansin e.Pag kaharap lang namin ang parents namin dun lang kami nag-uusap pagkatapos wala na ulit.

Matapos ko kasing marinig yung saloobin niya parang may naramdaman akong guilt sa sarili ko na mali naman talaga ang ginawa ko.Pakiramdam ko ang selfish selfish kong tao wala akong pakialam sa damdamin niya dala na din siguro ng pagmamahal ko kay Rhian.

Anong magagawa ko?Nasaktan ako,Pinamigay at iniwan ng babaeng mahal ko.Masisisi ko ba ang sarili ko kung siya ang sisisihin ko na may kasalanan ng lahat?Di ko alam kung may tsansa pang mahalin ko din siya kasi hanggang ngayon mahal ko padin si Rhian at alam kong mahirap siyang kalimutan.

Nandito ako ngayon sa kwarto sa kwarto naming dalawa.

Napansin kong biglang bumukas ang pinto at walang ibang bumungad sakin kung hindi siya.

"Kukunin ko lang yung unan at aalis na din ako" maikli niyang sagot

Sa totoo laging ganito naman ang nangyayari nakatira kami sa iisang bahay.Meron kaming iisang kwarto pero di kami nagtutulog ng magkatabi.Siya na din naman mismo ang may gusto.Pero di alam ng parents niya na di kami natutulog ng magkatabi dahil malamang malalagot ako lalo na kung malalaman na ako ang natutulog sa kwarto at siya sa sala.

"Hindi na,Dito kana matulog ako na sa sala" seryoso kong sagot

"H-huh?Hindi--" pinutol ko na agad siya sa pagsasalita

One Last HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon