A/N: HAPPY 4K READS! Dedicated to sa lahat ng friends ko na kinukulit na akong mag-update haha <3
---------------
Rhian's POV
"GIRRRRL!Alam mo ba may chismis!" patalon-talon na sigaw ni Kris Ann papunta sakin
"Anog chismis naman yan aber?" walang reaksyon kong tanong
"May tranferees!" masigla nitong sagot
"O ngayon?" tanong ko ulit
"Ano bayan Rhian!Di ka man lang nacu-curious kung sino ang mga transferees satin?Malay mo mga kidnaper at holdaper pala sila o kaya ex convict wala ka padin pake?" nakasimangot na tanong ni Kris ann
"Alam mo kung yang mga transferees na yan ay yang mga tinutukoy mo edi sana di ka nagtatatalon sa tuwa ngayon :3 AND alam ko naman na imposible silang makapasok sa university natin." sagot ko
"Sige na TAMA KANA!Pero ito nga ang bonus!Ang gagwapo nila at kumakanta pa sa totoo pa nga niyan may banda sila girl!"
"Sabi na e lalake nanaman yan -_- Hayy naku Krissy alam ba yan ng Jowa mo teh?" balik ko sa kanya
"Ito naman!Hindi naman ako lalandi noh :3 Pero girl ito pa ang mas exciting!Magpeperform sila sa school natin mamaya!Kyaaah!I'm so kenekeleg!Ang pangalan ng banda nila ay "The Forbidden Angels"
"Ang shokla naman yang pangalan ng banda nila :3" sabi ko
"Kahit kelan talag girl kontra ka! Parehas kayo ni Jasmine!Basta tignan na lang natin kung di ka magwapuhan sa kanila mamaya lalo na sa lead vocalist nila!" taas noo niya pang sabi
"Whatever." sagot ko
"Tse!Alis na nga ako :p" kunwaring nagtatampo na sabi ni Kris ann at nagmartsa paalis
Ako naman lumakad na din para kumain.May klase pa kasi si Jasmine kaya ako lang ngayon naglalakad mag-isa.
Nakakapanibago nga lang kasi wala si Amiel.I mean parang umiiwas na din kasi ako alam ko naman na lalo lang magiging komplikado pag magkakaharap pa kami.Kaya ako na lang ang iiwas.
Di ko nadin sinasagot ang mga text at tawag niya.Kahit tuwing klase di ko siya pinapansin.Tatlong araw ko na siyang iniiwasan.Mabuti nga ito para mas madali niya na akong makalimutan.
Nagtungo na agad ako sa canteen para umorder ng paborito ko.
"Ate isa nga pong carbonara with ice tea" sabi ko sa nagtitinda
Agad kong binayaran at kinuha ang tray ng pagkain at umupo.
Ilang saglit pa natanaw ko naman bigla si Amiel na papunta sa direksyon ko kaya agad akong tumayo at lumakad palayo.
"Rhian!" tawag niya pero di ko siya nilingon
"Rhian sandali!Mag-usap tayo!" sigaw niya pero di ko parin siya nililingon
Ilang sandali pa napansin kong tumigil na ito sa pagsunod at pagtawag ng pangalan ko.Nang lingunin ko ito nakaluhod na ito sa sahig puno ng noodles ang ulo niya.Pinagtatawanan nadin ito ng ibang estudyante
Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko ito o hindi.Pero nilapitan ko padin ito.
"Amiel!Tumayo ka nga diyan!Ano kaba?Pinagtatawanan ka na nila." sabi ko kay Amiel habang pilit pinapatayo siya
Tumayo ito ng nakayuko.
"Lumingon ka.Binalikan mo ko.Akala ko di mo na ako babalikan.Akala ko wala kanang pakialam sakin.Pero nandito ka sa harapan ko at kinakausap ako." nagulat ako sa sumunod na ginawa niya lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
One Last Heartbreak
Teen FictionSabi nila when it comes to love always expect heartbreaks.Pag nagmahal ka imposibleng hindi ka masasaktan.At pag nasaktan ka ibig sabibin nagmahal ka.Mahirap bumitaw kung alam mong may laban pa.Mahirap lumaban kung yung taong mahal mo bumitaw na.Per...
