Chapter 11:Decision

293 9 1
                                    

Blake's POV

Agad-agad akong dumiretso sa ospital na pinagdalhan kay Rhian.Kung tinatanong niyo kung paano.Tinawagan ako ni Eron,nagtataka nga ako kung bakit siya ang nagdala kay Rhian sa ospital dapat nga diba wala na siyang pakialam sa kapatid ko pagkatapos ng pagloloko niyang ginawa..Di kaya mahal niya si Rhian?Imposible.Pag pasok sa kwarto ni Rhian nagulat ako sa itsura ng kapatid ko ang dami niyang galos at sugat sa katawan.Napaka walang awa ang gumawa nito sa kanya.At sisiguraduhin kong magbabayad sila.Nilapitan ko na agad si Rhian para kamustahin.

"Rhian kamusta kana?"

"Kuya alam mo mas masakit pa yung puso ko ngayon kaysa sa mga sugat at galos na natamo ko ang sakit kuya sinaktan nanaman niya ako" ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito napakagago ng lalaking yun para gawin to sa kapatid ko.

"Shhh wag ka ng umiyak Rhian di mo dapat iniiyakan ang tulad niya"

"Ang hirap kase kuya.Dalawang taon siya lang ang minahal ko."nahihirapan ako sa kapatid ko ngayon bat siya nagkakaganito

"Oo alam ko mahal na mahal mo siya Rhian pero ngayon na niloko at sinaktan ka niya sapat na siguro yun para kalimutan siya diba?"

"Gagawin ko yan kuya oras na maghilom ang sugat sa puso ko babalikan ko siya pinapangako ko yun di ko makakalimutan ang ginawa niyang pangg*go sakin"

"Gawin mo yan pag-gumaling kana kaya wag mo muna siyang isipin at magpahinga ka"

"Kuya pwede mo bang tawagan sila Jasmine at Kris ann para papuntahin dito?"

"Oo naman" agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Jasmine alangan dalawa pa sila sigurado naman magkasama yun.

---------

Jasmine's POV

*ring...ring..ring..*

Yung kuya ni Rhian tumatawag.Sinagot ko agad ang tawag dahil gusto kong malaman kung ano ng nangyari kay Rhian.

"Hello Blake?"

"Pinapunta kayo ni Rhian dito sa ospital"

"Osge san bang ospital?"

"Itetext ko na lang yung exact address and locstion baka maligaw pa kayo"

"Sige papunta na kami"

binabaan niya na ako ng phone tch lagi naman ganyan si Blake laging unang nambababa

"Kris ann!Pinapapunta tayo ni Rhian sa ospital bilisan mo!"sigaw ko sa kanya hanggang ngayon kase nasa CR pa ang bruha este ang dyosa

"Sandali malapit na to"

------

Nandito na kami ngayon sa ospital kung asan si Rhian pagkatapos namin magtanong sa nurse dumiretso na kami sa room niya.Pagpasok pa lang namin di ako makapaniwala na si Rhian ang babae na to.Puro benda ang katawan dahil sa kanyang mga sugat may mga ilang pasa din sa kanyang muka.Masasabunutan ko talaga kung sino ang gumawa nito kanya e!Agad na kaming tumabi kay Rhian para makausap.

"Rhian anong nangyari?Sinong may gawa niyan sayo?"

"Inutos to ni Melody.Pati kaibigan niya nilinlang niya pinalabas niyang ako ang nasa pictures imbis na siya talaga ito"halata sa boses ni Rhian ang panghihina

"Yung mukang shokoy na yun!?Siya ang may gawa niyan sayo?Ang kapal ng muka"natawa naman ako sa loob loob ko sa sinabi ni Kris ann kahit kelan talaga mga hirit nito e.Pero di man lang natawa o ngumiti siguro wala pa ito sa mood

"E sino naman ang nagdala sayo dito?" tanong ko

"Si E-eron." nauutal siya ibig sabihin may ginawa nanaman si Eron

"Anong sinabi niya sayo?"

"Alam niya ang tungkol sa plano ni Melody na ipabugbog ako.Sinubukan niya daw pigilan si Melody pero tinakot daw siyang makikipag hiwalay ito kung pipigilan siya.Syempre dahil sa mahal niya si Melody pipiliin niya parin ito sa halip na matulungan ako.Tignan niyo na hanggang ngayon sinaktan nanaman niya ako"mahinang sagot samin ni Rhian

"Pero dinala ka nga niya dito diba?"tanong ni Kris ann

"Siguro ginawa niya lang yun kasi di na kinaya ng kunsensya niya na sinaktan ako ni Melody.Ganun naman talaga yun si Eron sanay na ako"

"Pero ayos kana ba ngayon?"

"Oo medyo okay na ako ngayon dahil nandiyan na kayo" pinipilit niyang ngumiti samin kahit nakaikita naman namin na sobrang nasasaktan siya

"So anong plano mo ngayon?"

"Una kailangan malaman ko muna ang motibo ni Melody kung bakit niya ginawa sakin to"

"Pero paano kung di pumayag si Eron?"

"Bakit di siya papayag di ko naman sasaktan si Melody,kakausapin ko lang naman"

"Kaya mo na bang pumasok?"

"Sabi ng doktor pahinga lang daw ang kailangan bale dalawang araw lang ang kailangan ko babalik na din ako ng S.U at haharapin ko si Melody"

"Basta mag-iingat ka"

"May sasabihin pala ako" napaisep ako kung anong sasabihin ni Rhian samin importante kaya ito?

"Ano yun Rhian?"

"Pupunta na akong New York" sobrang di ako makapaniwala pupunta na si Rhian sa New York matagal na siyang pinapapunta dun ng auntie niya pero di siya sumasama pero ano ang pumasok sa isep niya na pumunta dun

"Pero bakit Rhian?Sa anong kadahilanan?Bakit iiwan mo kami?"di ko mapigilang maluha kasi matagal na din ang samahan naming magkakaibigan

"Oo nga Rhian wala naman ganyanan"pati si Kris ann nanghina na ang boses

"I have to do this.Kailangan makalayo muna ako kay Eron.Alam niyo naman ang sitwasyon diba?"

"Pero kami di kaba malulungkot na iiwan ko kami?" tanong ko.

"Syempre sobrang nalulungkot.Babalikan ko naman kayo girls.Wag kayong mag-alala.Tatapusin ko lang HS ko sa New York babalik ako dito."

"Halos dalawang taon yun Rhian.Baka di namin kayanin pag iniwan mo kami."

"I know.Pero isipin niyo na lang pag balik ko dito after 2 years ibang Rhian Velida na ang makikita niyo"

"Oo Rhian para sayo gagawin namin ang lahat para maging matatag habang wala ka diba Kris ann?" ngumiti ako ng mapait at tumingin kay Kris ann

Tahimik itong naiyak.Hindi ko siya masisisi.Matagal kaming nagsamang tatlo sa isang bahay tapos ito ang malalaman namin.

"Uyy tama na yan!Diba para kay Rhian to?!" pag-iiba ko

"Oo pero Rhian wag mo kami pagpapalit dun huh?"

"Oo naman kayo pa"

"Group Hug!"sigaw ko mamimiss ko kasi talaga si Rhian

"A-ahh! yung sugat ko friend baka lalong lumalala ayaw niyo ba akong pagalingin ang higpit ng yakap niyo :3 "

"Oo para di kana pumuntang New York!" sabay naming sigaw ni Kris Ann

"Ayy ganun kayo sige walang pasalubong pagbalik ko :p"

"Wahhhhh sorry na!Gusto ko mga damit sa New York huh?Alam mo nanaman gusto kong klase ng damit"

"Ako chocolates lang!" request naman ni Kris ann

"Oo lahat yan pagbalik ko!"

"Yeeeyy!"

"Basta tandaan niyo guys di ko kayo makakalimutan kayo ata ang pinaka astig kong kapatid!"

"Ah sila pala Rhian huh?Pano ang kuya?!"

Bigla-biglang sumulpot si Blake sa harap namin

"Syempre kuya iba ka special ka!"

"Lilinawin mo kasi Rhian.Magtatampo niyan ang kuya sa ginagawa mo sige ka."

Tinawanan na lang namin si Blake loko talaga.

Nakikita ko ng ngumingiti si Rhian.Sana nga lalong makatulong ang pagpunta niyang New York kahit maging sanhi pa to ng paghihiwalay naming tatlo.

----------------

One Last HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon