Rhian's POV
"Rhian okay ka lang?Kanina kapa tulala ah" puna ng kaibigan kong si Jasmine
"Ang sabihin mo Jasmine kahapon pa mula nung uwian natin" hirit ni Kris ann
"Ano ba kayo,Okay lang ako." pinilit kong ngumiti
Sabay silang nagkatinginan bago magsalita ulit
"Rhian ngayon kapa ba maglilihim samin?Ilang taon na tayong magkakaibigan at ilang taon na din tayong magkakasamang tatlo sa isang bahay.Kaya bawat ngiti at kilos mo alam namin kung totoo" ani Jasmine
"Tama si Jasmine e mula nung pagkagaling mo sa gym para tignan si Eron nung pagbalik mo tulala at lutang ka na" Kris ann
Nanatili akong tahimik at pinipigilang wag umiyak.
"Sinasabi ko na nga ba.Si Eron nanaman ang dahilan no?" kilalang kilala talaga nila ako
"Spill it"
"Oo nga girl"
"Kasi kahapon pagpunta ko sa gym.Bago ako pumasok dumating si Charles" umpisa ko
"And?"
"Tinanong ko kung nasan si Eron o kung nasa loob ba siya ng gym.Ang sabi niya wala.Kakaalis lang nung dumating ako."
"T-tapos... M-may kasamang babae"
"Ano?!"
"Babae?!Sino?!"
"Hindi ko alam.Bigla kasing tumakbo si Charles pagkasabi niya yun.Parang nadulas lang siya nung sinabi niya sakin" pagpapatuloy ko
"I knew it!Niloloko ka lang niya!" napatayo si Kris Ann sa inis
"Pero di pa naman ako sigurado kung sino ba talaga yung babae na tinutukoy ni Charles or kung totoo nga ba yun" sabi ko
"Ano kaba Rhian.Wag ka ngang magpakabulag at martyr diyan.Obvious na may ibang babae si Eron pinagtatakpan mo padin?" medyo tama si Jasmine
"Pero...Kilala ko si Eron hindi niya magagawa sakin yun." napayuko ako
"Ewan ko Rhian ewan ko sinasabi ko lang sayo matagal na akong may duda sa Eron na yan simula palang na nanligaw sayo yan"
"Wala pa naman tayong pruweba" dagdag ko
"Pruweba?Tapos pag nakahanap ka?Masasaktan ka?Iiyak ka?" Kris ann
"Mahal ko siya!Mahal ko si Eron!" sigaw ko at umiyak
"Sige maghanap ka ng pruweba ng matauhan ka.At mauntog ka sa lahat ng maling desisyon na ginawa mo"
"Kris Ann tama na umiiyak na yung kaibigan natin" awat ni Jasmine kay Kris ann
Napabuntong hininga ito bago magsalita
"Fine.I'm sorry Rhian.Concern lang ako sayo.Dahil sating tatlo ikaw ang prinsesa.Ikaw ang pinaka-mahina at madaling masaktan."
"Alam ko Kris ann.Sorry din.Tama ka naman kayo e masyado na akong nagbubulag-bulagan.Siguro nga panahon na para alamin ko ang lahat."
Umupo sa tabi ko si Kris ann at saglit akong niyakap.
"Tama.Dahil yun naman dapat ang matagal mo ng ginawa Rhian."
Tumango ako "Pupunta ako ngayon sa Shamley.May practice ang team ngayon kaya sigurado akong nandun siya."
"Sasamahan ka na namin" Jasmine
"Hindi na.Kaya ko to ako ng bahala haharapin ko at kakausapin." sabi ko
BINABASA MO ANG
One Last Heartbreak
Teen FictionSabi nila when it comes to love always expect heartbreaks.Pag nagmahal ka imposibleng hindi ka masasaktan.At pag nasaktan ka ibig sabibin nagmahal ka.Mahirap bumitaw kung alam mong may laban pa.Mahirap lumaban kung yung taong mahal mo bumitaw na.Per...
