Ashton's POV
Yung nangyari samin ni Charmaine kagabi isang malaking pagkakamali.Pag naaalala ko yung ginawa ko parang naguguilty ako.Paano pag nalaman yun ni Rhian?Baka lalo niya akong layuan.
Pero naisip ko si Charmaine.Nasaktan ko siya sa mga sinabi ko kagabi.Ang gago ko kasi!
Nung gabing yun hindi ako natulog sa kwarto at nanatili lang ako sa sala.Hindi ko magawang ipikit ang mata ko sa nangyari.Ilang beses din akong pumabalik-balik sa kwarto namin para silipin si Charmaine pero bago ko pa man buksan ang pinto naririnig ko na ang paghikbi niya.
"Hon,Good morning" napa-angat naman ako ng ulo
Binati lang naman ako ni Charmaine ng nakangiti na parang walang nangyari.Hindi ko alam kung anong iaakto ko
"Hon tara breakfast na tayo hindi ka nagdinner kagabi.I'm sure gutom ka" pag-iiba niya
"I'm sorry.Mag-usap tayo mamaya" yun lang ang nasabi ko at iniwan siya
----------
Rhian's POVUmaga palang ay binulabog na ako ng gwapo kong boyfriend at sinabing may pupuntahan kami.
"Shaun saan ba talaga tayo pupunta?" pagtatanong ko
Hinila na niya ako sa kotse niya "Secret basta may pupuntahan tayo"
Sumakay naman agad ako dahil dala na di ng excitement haha!
Hinawakan ni Shaun ang kamay ko at ngumiti "I'm sure matutuwa siyang makita ka"
Siya?Sino naman kaya?
"Sabihin mo na kasi sakin kung saan tayo pupunta.Kinakabahan ako Shaun"
Saglit itong tumawa bago magsalita "Wala kang dapat ipag-alala Rhian.Tulad nga ng sinabi ko sigurado akong matutuwa siyang makita ka.Kaya relax ka lang diyan okay?"
Tumungo naman at pinaandar niya na ang sasakyan
"Mahaba ba ang biyahe natin Shaun" tanong ko
Saglit itong tumingin sa relo "Siguro mga dalawang oras ang aabutin kaya kung gusto mo matulog sige lang"
Umiling ako "Hindi naman ako inaantok"
"Sige kumain kana lang may mga dala akong baon diyan sa likod kumuha kana lang ng gusto mo"
Aba talagang naghanda siya para dito ah
Kumuha lang ako ng isang Potato Chips at binuksan ito
"Shawn gusto mo?" pag-aalok ko
Umiling lang ito "Sayo na yan baka kulang pa yan sayo"
Kinurot ko naman ito sa tagiliran "Aw!"
"So matakaw ako ha?"
Diretso lang ang tingin niya sa manibela habang ngumingiti ng loko
"Alam mo Rhian.Hindi ko sinabing matakaw ka.Ang sakin lang ayaw ko lang magutom yung reyna ko.Okay lang di ako kumain kasi busog na ako makita lang kita" kumindat pa ito
Naramdaman ko naman ang pag-akyat ng mga dugo ko sa muka.Siguradong pulang-pula na ito
"Uy kinikilig siya!" pang-aasar ni Shawn
Hinampas ko ito "Ikaw kasi ang corny mo!"
"Walang corny sa taong nagmamahal" pagmamalaki niya
"Tse! Ito kumain kana dahil walang sikmura ang mata mo para mabusog kakatitig sakin"
Kumuha ako ng isa para ilagay sa bibig niya
"Hmm..Ang sarap pala nito lalo na pag galing sa'yo" nagpacute nanaman ang loko
![](https://img.wattpad.com/cover/15110256-288-k408793.jpg)
BINABASA MO ANG
One Last Heartbreak
Подростковая литератураSabi nila when it comes to love always expect heartbreaks.Pag nagmahal ka imposibleng hindi ka masasaktan.At pag nasaktan ka ibig sabibin nagmahal ka.Mahirap bumitaw kung alam mong may laban pa.Mahirap lumaban kung yung taong mahal mo bumitaw na.Per...