Chapter 36: Confession.

110 6 0
                                    

Shaun's POV

Playboy?

Chickboy?

Cassanova?

Siguro tingin ng iba sa inyo ganyan ako.Pero nagkakamali kayo kahit isa sa mga tatlong yan wala sa mga katangian ko.Ako si Shaun Mattew Costales na may respeto sa mga babae lalo na sa mama ko.Si mama yung nagturo sakin na respetuhin at pahalagahan lahat ng babae.Siya yung tipo ng magulang na di mauubusan ng oras sayo.Yung nanay na mas gugustuhing makatulong sa iba bago sa sarili niya.Kaya nga proud ako sa mama ko dahil naging magulang ko siya.Kaya lang sa sobrang matulungin niya nagdulot naman ito ng pagkawala niya.

Minsan nasabi ko na lang sa sarili ko na ang unfair naman ni Lord kasi si mama na nga yung nagmalasakit sa kapwa niya siya pa yung nawala.Pero hindi ako nagtanim ng galit sa batang babaeng tinulungan ni mama ilang taon nang nakararaan.Sa totoo lang kasama ako sa trahedyang nangyari noon.Nakita ko kung paano binuwis ni mama ang buhay niya para lang sa batang babaeng nakita niya.

*FLASHBACK*

Lumubog ang barkong sinasakyan namin papuntang Davao.Ang plano naming magbagong buhay ay mapulunta pala sa isang trahedya.Trahedya na nagdulot ng pagkawala niya.

Nung mga oras na lahat tao ay nasa dagat at palutang lutang.Isang batang babae ang nakakuha agad ng atensyon ni mama.Iyak ito ng iyak at hinahanap ang kanyang mama.

Isang putok ng baril ang bumulabog sa diwa ko.Putok ng baril na tumama sa mama ko habang kayakap pa ang batang babaeng iyak ng iyak.

Gusto kong lapitan si mama pero di ko magawa gusto kong sumigaw sa kanya at sabihing "Ma!bakit mo ginawa yun?!" pero wala.Wala akong nagawa para iligtas si mama.Malayo din ang pwesto ko sa lugar kung saan nandun si mama hindi ako makalangoy papunta sa kanya dahil madaming taong nakaharang at di ako makasigaw sa sobrang lamig na nanunuot sa aking lalamunan.

Wala akong nagawa kundi umiyak nang umiyak.Pero sabi ko sa sarili ko ano bang magagawa ng iyak ko?Huli na ang lahat.Tapos na ang lahat.

*END OF FLASHBACK*

At ang babaeng tinutukoy ko ay si Rhian.Pero hindi naman ako katulad ng mga napapanood niyo sa pelikula na maghihiganti sa bida para lang maging masaya.Ayokong gawin yun di ako yung tipo ng tao na gagawin yun.

Matagal kong hinanap ang batang babaeng yun hanggang ngayong paglaki ko hinahanap ko padin siya.Pero ngayong nakita ko na siya ayoko nang mag-aksaya ng oras dahil kahit siya pa ang dahilan ng pagkamatay ng mama ko ang weird mang isipin pero siya ang first love ko.

------------------

Rhian's POV

Magkikita kami ngayon ni Amiel sa di ko alam na kadahilanan.Siguro magpapasama siya sakin kay Camille para makipagbalikan na? Or kaya sasabihin niya sakin na sila pala? Hahaha exciting ^_^

"Rhian kanina kapa?" ilang saglit pa ay dumating na si Amiel

May dala itong boquet ng flowers at chocolates.

"Uhmm..Nope medyo kararating ko lang.So anong meron ngayon at mukang nagpagwapo ka talaga?Pupuntahana na ba natin si Camille?Magcoconfess kana ulit sa kanya o kayo na? ^_^" nakangiti kong sabi

"Ah Rhian hindi.Bago ang lahat gusto kong malaman mo na lahat ng sasabihin ko ay totoo at nanggaling sa puso ko." ano daw? o.O

"Amiel?Nagpapractice ka ba ng script mo?Kunwari ako si Camille ganon?Haha i-inform mo naman ako." natatawa kong sabi

"Rhian seryoso na to.Itong sasabihin ko hindi para kay Camille kundi para sayo." napatigil naman ako sa pagtawa sa narinig ko

"Pero--"

One Last HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon