Shaun's POV
"Mga bro ayos na ba istura ko?" tanong ko sa mga ka-band mates ko
"Oo bossing poging pogi kana!" sagot nilang lahat
"Sigurado kayo?Di kaya ako mapahiya kay Rhian nito?Hindi ba baduy porma ko?" tanong ko ulit
"Hindi yan bossing!Baka sagutin ka pa nun pag nakita ka!"
"Haha sana nga ganun lang kadali yun.Pero kinakabahan ako mga bro"
"Bossing ikaw kakabahan?Tsk ikaw pa!Sanay kana makipag-date diba?" tanong ni Dylan
"Iba to bro.Si Rhian to.Si RHIAN"
"Basta bossing kaya mo yan!Nandito lang kami ng mga ka-banda mo suportado ka namin.Diba mga tol?" hirit ni Jack
"Oo tama siya bossing!Nasa likod mo lang kami!" pagsang-ayon nilang lahat.
"Salamat mga tol sige mauuna na ako!" paalam ko sa kanila
--------
Rhian's POV
"Jasmine anong mas okay itong black or itong red?" tanong ko kay Jasmine habang nag-hahalungkat ng damit
Kanina pa ako hanap ng hanap dito pero wala akong mapili T^T
"Yung red na lang Rhian.Mas bet ko,mas sexy ka pang tignan diyan tapos suot mo yung bago mong biniling pants.Para perfect na." suggestion ni Jasmine
Sumangayon naman ako dito kaya agad kong kinuha yung mga damit na pinili niya.
"Alam mo Rhian ikaw tong isang modelo na nanggaling sa New York tapos ikaw tong nahihirapan ngayon maghanap ng damit?" tanong niya
"Di ko nga din alam kinakabahan kasi ako e.Pakiramdam ko hindi lang ordinaryong kakain lang kami sa labas ganun.Parang may mga bagay pa akong dapat malaman sa kanya.Isa na din sa dahilan kung bakit pumayag ako kasi alam ko sa kanya ko malalaman ang mga tanong sa aking isipan"
"Ang lalim friend!Sige na magbihis kana padating na yun ngayon" sabi niya
Tumango naman ako at agad na nagtungo sa CR para nagbihis.
*After 10 minutes*
"Ayan!Sabi na perfect e!Halika dito! lalagyan kita ng makeup" sabi ni Jasmine at hinila na ako paupo sa salamin
"Alam mo Rhian narealize ko mabuti na lang pala at nakilala mo si Eron." nagtaka naman ako sa sinabi ni Jasmine
"Bakit?" tanong ko
"Kasi kung di mo siya nakilala at di ka niya nasaktan hindi mo mararating ang lahat ng narating mo.Forever ka na sigurong naka-stuck lang kay Eron ngayon." nakuha ko naman ang punto ni Jasmine sa sinabi niya
"I know right" nakangiti kong sabi
"Pero Rhian wala kabang napapansin?" tanong niya habang patuloy padin niya akonng nilalagyan ng makeup
"Napapansin na ano?"
"Na sa bawat bagong simula na tatahakin mo may mga bagong tao din ang nagiging malapit sayo"
"Huh?" nagtataka ko padin na tanong
"Hindi mo parin ba kuha ang ibig kong sabihin? Isipin mo nung nagpunta ka sa New York nakilala mo si Ashton na naging malapit sayo.Pangalawa,nang dumating ka dito sa Pilipinas nakilala mo si Amiel na may pagtingin pala sayo at pangatlo si Shaun."
Hindi ko parin makuha ang ibig ipahiwatig ni Jasmine
"Hindi mo parin gets?Ang punto ko kasi ang dami nang lalaking dumating sa buhay mo.Hindi kaya't tadhana ang mismong nagsasabi sayo ng nararapat mong gawin?"
BINABASA MO ANG
One Last Heartbreak
Novela JuvenilSabi nila when it comes to love always expect heartbreaks.Pag nagmahal ka imposibleng hindi ka masasaktan.At pag nasaktan ka ibig sabibin nagmahal ka.Mahirap bumitaw kung alam mong may laban pa.Mahirap lumaban kung yung taong mahal mo bumitaw na.Per...