Amiel's POV
Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung bakit.Hindi ko alam kung kailan.Pero ang alam ko lang iba na tong nararamdaman ko para sa kanya.Kahit ako naguguluhan na alam kong mali ito kasi alam ko sa sarili ko may mahal akong iba.Pero bakit ganun na lang ang epekto niya sa akin?Sa tuwing ngingiti siya sa tuwing nakikita ko siyang tumatawa bumibilis ang tibok ng puso ko.Pag kasama ko siya pakiramdam ko kumpleto na ang araw ko.Matagal ko na tong nararamdaman simula pa lang nung ipinagtanggol niya ko pero ngayon ko lang talaga narealized na pag-ibig na nga siguro to.Pero sino nga naman ako para magustuhan ng isang katulad niya?Isang nerd?Mahina?Basura?May pag-asa pa kaya ako ngayong mukang may kaagaw na ako sayo? Rhian..
-------------
Rhian's POV
Nagising ako sa sikat ng araw mula sa bintana ng kwarto ko.Umaga nanaman?Bagong araw nanaman para sa isang tulad ko.Pero sa araw na ito ano naman kayo ang magbabago?
Kagabi kasi hindi talaga naging masaya sobrang badtrip ako!Lalo na pag naaalala ko yung pagmumuka ng lalaking yun!Pero mabuti na nga lang nandiyan si Amiel at mabuti din na nagsorry na siya.
*FLASHBACK*
"Rhian oh" imik ni Amiel habang naglalakad kami at may inabot saking pagkain
"Ano----Woow!Wahhhh san ka nakakuha nito?!Kwek-kwek with hotdog! *_____*" kumislap naman agad ang mata ko nang makita ko yung kwek-kwek at hotdog na bigay niyat
"Ah-ano kasi bago kita hanapin humanap pa ako ng bihilan niyan para ibigay sayo pag nakita kita.Kaso-- kanina mukang wrong timing ak-o" nakayuko niyang sabi
"Naunahan na kasi ako." dagdag pa niya pero sa mahinang tono na ng kanyang boses di ko siya
maintindihan naunahan daw?
"Ano?----"
"Sorry na nga pala." pagputol niya sakin.
"Ahh sige!Bati na tayo binigyan mo kasi ako ng mga to e!Salamat Amiel! ^_^" masigla kong sabi
"Wala yun.Gusto mo umupo muna tayo dun para makakain ka ng maayos?" alok niya nang may nakita kaming malapit na karinderia
"Ahh oo nga di ko nga to makain e hehe tara" agad naman kaming tumungo sa karinderia na tinuro niya
"Manang dalawa nga pong order ng special mami" order ni Amiel
"Sige iho sandali lang" sagot naman ni manang tindera
"Dalawa?" tanong ko
"Oo kasi alam ko namang di ka mabubusog diyan wag ka mag-alala masarap ang mami nila dito." sagot nito
"Ito na iho order niyo dalawang special mami" at dumating na nga ang order namin
"Salamat po manong.Matanong ko lang po mag-asawa po ba kayo ni manang?" tanong ko
"Ahh oo iha 30 yrs na kaming mag-asawa." sagot niya
"Talaga po?30 yrs?!Grabe ang swerte niyo po sa isa't-isa"
"Aba talagang maswerte ako kay Cecilla.Mahal na mahal ko yan kahit di kami nabiyaan ng anak ang pagmamahal ko para sa kanya ay walang pinagbago." natahimik naman ako sa sinabi ni manong nakakabilib ang ang relasyong meron sila
Ilang saglit pa ay di ko na namalayan na may tumutulong luha na mula sa aking mga mata.
"Nakuuu iha may nasabi ba akong masama?Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni manong
"Oo nga Rhian ayos ka lang?" tanong naman ni Amiel
"Ah naku manong hindi po.Nakakatuwa lang po kasing malaman na may mga katulad niyo pa po lang nakakayanan ang mahihirap na problema sa isang relasyon at umabot pa kayo ng 30 na taon." sagot ko
BINABASA MO ANG
One Last Heartbreak
Teen FictionSabi nila when it comes to love always expect heartbreaks.Pag nagmahal ka imposibleng hindi ka masasaktan.At pag nasaktan ka ibig sabibin nagmahal ka.Mahirap bumitaw kung alam mong may laban pa.Mahirap lumaban kung yung taong mahal mo bumitaw na.Per...