Rhian's POV
"Rhian sasabay kaba samin sa pagpasok o susunduin ka ng kuya mo?"tanong sakin ni Jasmine
"Oo nga pala.Sige mauna na kayo,sinabi din kasi sakin ni kuya na susunduin niya ako"
"Osge tara na Kris ann"
"Ingat kayo :)" maikli kong sabi tsaka lumabas na sila
Tatawagan ko na san si kuya para itanong kung asan na siya.Biglang nagring yung phone ko si kuya ang tumatawag.
"O kuya asan kana?"
"Nandito na ako sa tapat ng bahay niyo"
"Ang bilis mo naman kuya sige lalabas na ako"diretso na akong lumabas baka kase pag nagretouch pa ako ulet mainep kuya.Napakainipin pa naman nun
"Kuyaaaa!"
"Tara na hahatid na kita sa school"
Pumasok na ako sa loob ng kotse ni kuya di ko alam kung anong una kong sasabihin.Wala padin nag-iimikan saming dalawa.Di ko pa nga din napagiisipan kung sasama ako o hindi pabalik sa New York.Nagulat ako ng biglang nagsalita si kuya.
"Napagisipan mo na ba yung tanong ko sayo kahapon?"
"Ah ano eh kase di pa kuya.Di ko padin nasasabi kila Jasmine at Kris ann ang tungkol sa sinabe mo saken"
"Naiintindihan ko,pero sana mapag-isipan mo na ng mabuti.Para rin sayo to Rhian.Alam ko ang tungkol sa paghihiwalay niyo ni Eron alam ko kung pano ka niya niloko.Kaya mas makakatulong kung nasa New York ka kasama ni auntie"nagulat ako sa sinabe ni kuya na alam niya àng tungkol samin ni Eron.Di ako makapaniwala.
"Pano nalaman kuya?"
"Mamaya na natin pag-usapan nandito na tayo"di ko na namalayan na nandito na kami sa S.U
"Sige kuya bye"bago ako lumabasa umimik pa ulit si kuya
"Para sayo din to Rhian"
Di ko na ito pinansin at pumasok na ako sa loob ng S.U
--------
Pagpasok ko sa room namin tahimik ang lahat.Ang iba parang pigil na pigil sa pagtawa.Ang iba naman hindi maipinta ang muka.Tumabi ako kila Jasmine para magtanong.
"Jas anong meron?bat ganun na lang sila makatingen saken na parang may ginawa akong katawa-tawa"
Hindi umimik ang isa sa kanila.Sa halip hinila nila ako palabas ng room.Di ko maintindihan ano bang meron.Kinakabahan ako.
"Ano bang nangyari?"tanong ko
"Rhi-an ano uhmm.. kase may kumakalat na pictures mo kasama ang isang lalaki papasok sa isang hotel" Syempre nagulat ako.Unang-una ang kasama ko kahapon si kuya.At hindi naman ako pumunta sa hotel.
"Sh*t sinong may kagagawan neto!?" Halos pumiyok na ako sa pag-sigaw sa sobrang galit.Hindi ako ang babae sa pictures pero yung bag,tali ng buhok ko,sapatos,uniform parang ako nga talaga ang nakakagulat lang talaga yung kasama kong lalaki e hindi ko nga kilala yan.
"Hindi din namin alam nakita lang namin na nakapost sa bulletin board natin yan kanina at pinagkakaguluhan ng mga estudyante"
"Rhian alam namin hindi mo magagawa yan kaya hindi kami naniwala"
"Oo talagang hindi din ako yan!Fvck kung sino man ang gumawa niyan talagang may galit sakin!"
"Papasok kapa ba sa klase natin?" tanong nila
"Hindi muna siguro may gagawin lang ako sige pumasok na kayo"
"Eh san ka pupunta?"
"May importante lang akong gagawin"
Iniwan ko na agad sila at lumabas ng S.U
-------
Habang naglalakad ako papuntang parking lot may narararamdaman akong parang may sumusunod sakin.Kinakabahan ako baka kung anong gawin sakin.Kaya binilisan ako lakad.Bago pa ako makapunta at makasakay sa kotse ko may humarang sakin na grupo ng kababaihan mga mukang gangster dahil halata sa mga damit nila.
"Anong kailangan niyo?"
"Ikaw si Rhian Velida diba?"tanong ng isang babaeng nakatali ng sobrang taas
"Oo ako nga bakit?"
"Sumama ka samin."
"Ano?!Ayoko umalis na kayo pag di kayo umalis tatawag ako ng pulis!"pananakot ko sa kanila pero mukang di sila nasindak sa sinabe ko
"Sa ayaw gusto mo sasama ka sabi!"hinihila nila ako pero nagpupumiglas ako
"Ang kulit mo ah!"bigla akong sinuntok ng isang babae sa sikmura ko at biglang nagdilim ang paningin ko
------
Rhian's POV
Nagising ako ng pagsasampalin ako ng mga babae na nakita ko kanina at amg nagdala sakin dito.
"Ano bang kailangan niyo sakin?,pakawalan niyo ko!"
"Ako ang may kailangan sayo malandi ka!"biglang may lumitaw na babae sa harap pamilyar ang muka niya.Oo tama kaibigan siya ni Melody.
"Bakit anong kailangan mo?!"
"Nagmamaang-maangan kapa!Ang kapal muka mo!Ikaw yung babaeng kasama ng boyfriend ko sa mga kumakalat na pictures!Akala mo ba di makakarating sakin to?Nagkakamali ka!Hindi ako ganon katanga para di malaman na nilalandi mo ang boyfriend ko"ano bang sinasabi niya hindi ako yung kasama ng sinasabe niyang boyfriend niya sa picture e di ko nga kilala yun.
"Nagkakamali ka hindi ako ang sinasabi mong nandyan sa picture!"
"Malandi kana sinungaling kapa!"sinampal niya ako ng malakas
"Pakawalan niyo yan,tapos alam niyo na gagawin niyo"Alam ko na ang mangyayari sakin.Kinakabahan ako di ko alam kung anong kaya nilang gawin saken.
Pinakawalan nila ako.At pinagsasabunot,pinagsasampal,sinisipa nila ako at pinapalo ng kahoy.Sobrang sakit di ako makalaban,hindi ako makatayo.Halos ilampaso nila ako sa sahig.Di ko na alam gagawin ko.Ginagawa ko ang lahat para makalaban pero di kinaya ng katawan ko.Ilang saglit ba tumigil na sila ng makita nilang halos di na ako makakilos sa sobrang sakit.Bago sila umalis may mga sinabi pa sila sakin.
"Wala ka palang Rhian ka!"
"Malandi ka na nga ang hina mo pa!"
"Pumili ka kase ng lalaking lalandiin mo pwede ba!?"
"Siguro naman magtatanda kana"
Umalis na sila.Nagdilim ulit paningin ko at nawalan na ako ng malay.
-----------
BINABASA MO ANG
One Last Heartbreak
Ficțiune adolescențiSabi nila when it comes to love always expect heartbreaks.Pag nagmahal ka imposibleng hindi ka masasaktan.At pag nasaktan ka ibig sabibin nagmahal ka.Mahirap bumitaw kung alam mong may laban pa.Mahirap lumaban kung yung taong mahal mo bumitaw na.Per...
