Secret 2

24 3 0
                                    

"Carlo, please come with me to the faculty room."

Ano ba naman 'yan. Akala ko ba dismiss na?

"Magpapasulat sana ako ng visual aids na gagamitin ng anak ko sa reporting niya. Pwede ka ba? Kaunti lang naman 'yon."

Ay oo nga pala, dahil mabenta ang sulat ko, kahit hindi na kasali sa trabaho, pinapagawa pa rin sa akin.

"Ah Ma'am, pwedeng buk--"

"Pakidala naman 'tong mga class records at mga libro sa faculty room. Punta lang ako sa kubeta sandali. Mauna ka na doon."

Hay nako. Inutusan na naman ako. Isang makapal na libro at mga ipinasang notebook ng isang klase ang pinapadala sa akin. Balak ko pa namang makita si Nicole bago umuwi kasi magkatabi lang naman bahay namin.

Alam kong marami akong sinasayang na mga pagkakataon. Biruin mo, katabi ko na nga, araw-araw ko pang nakikita at magkatabi lang bahay namin, pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makadiskarte. Hanggang ngayom nahihirapan pa rin akong tanggalin ang hiya.

Katabi ko palang nga, natutulala na ako, paano pa kaya kung nasa harap ko na?

Umalis na nga si Nicole at si Tanya naman nakaupo sa malapit na bench sa tapat ng gate. Sinusundo kasi siya ng driver nila. Medyo mayaman tong si Tanya pero bakit kaya mas pinili niyang mag-aral sa public high school?

"Hoy Tanya! Tulungan mo naman ako dito."

"Ayoko nga. Ikaw inutusan."

Aba. At dumila pa sa akin. Grabe.

"Ang tamad mo naman!"

"Nagpapatulong ka na lang nga, nang-iinsulto ka pa! Baka gusto mong ipagsigawan ko na may crush ka?"

Namblackmail pa.

"Ay basta tulungan mo ko dito. Sige na please?"

"Baka kasi dumating na sundo ko."

"Madali lang naman 'to. Ihahatid lang sa office ni Ma'am. 'Yun lang."

Pagkahatid namin nung mga gamit, sinulat ko na yung mga pinapasulat ni Ma'am na mabilis ko ring natapos. Hindi pa rin dumadating ang sundo ni Tanya kaya sinamahan ko muna siya sa bench dahil madilim na rin at wala siyang kasama.

"Matagal mo na bang crush si Nicole?"

"Oo. Last year pa. Akala ko ba nabasa mo yung diary ko? Sinulat ko yung eksaktong petsa kung kailan ko siya nagustuhan. Unang araw ng klase last year. Nagandahan ako sa kanya sa unang tingin."

"Ang corny mo naman."

"Oo talaga. Promise."

Siguro, mas okay kung kakaibiganin ko muna ang best friend ng crush ko. Para malaman ko kung ano ang mga gusto niya at mga ayaw niya. Iilan lang naman alam ko tungkol kay Nicole. Alam ko kung saan bahay niya, saan ang tindahan nila, anong tinda nila at kilala ko rin ang nanay at bunsong kapatid niyang babae. Pero hanggang doon lang. Gusto ko siyang makilala pa.

"Sabi daw nila, 'pag mahigit 3 months mo nang crush 'yung tao, hindi na daw 'yan crush."

Talaga? Posible kayang?

"Saan mo naman yan nalaman?"

"Nababasa ko yan sa mga pocket books. Ewan ko kung totoo. Malay mo."

"Paano mo ba yan nasabing totoo?"

Gusto kong malaman eh. Kasi kung totoo, baka hindi lang hanggang sa paghanga ang nararamdaman ko para sa kanya. Isang taon na ang nakaraan, pero ibang-iba talaga. Parang gusto ko siyang ingatan at bantayan. Kaso natatakot ako magtapat. Parang may hinihintay ako. Hindi ko alam kung ano.

"Basta baka totoo. Ang kulit mo. Teka, 6:30 na ah. Wala pa rin ang sundo ko."

Saka ko lang napansin na madilim na pala. Tiyak, hinahanap na ako dun sa bahay. Kailangan ko nang umuwi. Idadahilan ko na lang na may pinagawa sa akin si Ma'am kaya natagalan ako.

"Uuwi nalang ako ng mag-isa. Ingat ka."

Ang alam ko, sasakay pa siya ng jeep pag-uwi. Mahigit 30mins ang biyahe pauwi sa kanila. Saka madilim na rin at mag-isa pa siya.

"Samahan na kita."

"Huh. Carlo wag na. Mapapalayo ka pa."

"Wala naman akong sinabing ihahatid kita hanggang sa bahay niyo. Hanggang sa sakayan lang ng jeep."

"Ahh. Akala ko pa naman. Never mind."

Habang naglalakad kami papuntang terminal, tinanong ko na siya kung anu-ano ang mga hilig ni Nicole, mga ayaw niya, mga ginagawa niya, mga gusto niya at ayaw sa lalaki o kung ano pa man, at sinusulat ko sa diary ko.

"Favorite color?"

"Red. Pero minsan daw trip niya ang yellow. O kaya pink. Pwede rin ang purple."

"Ano ba talaga?"

"Ah. Lahat 'yon. Lahat ng sinabi ko."

"Sabi ko, favorite color. Hindi colors. Isa lang kailangan ko."

"Fine. Red."

"Ano raw ang gusto niya sa lalaki?"

"Gusto niya ng lalaking may ambisyon sa buhay. Mabait at family-oriented. 'Yung marunong daw gumalang sa mga nakatatanda. Tapos mapakumbaba."

"Hehe. Parang ako 'yon ah. De joke lang. Ano naman ayaw niya sa lalaki?"

"Maginoo pero medyo bastos."

"Ha? Bakit daw?"

"Ewan. Basta ayaw niya raw. Hindi niya naman sinabi kung bakit."

"Sige. Favorite hobby?"

"Magaling daw siya magluto. 'Di ba may karenderya sila malapit sainyo? Siya nagluluto ng lahat ng putahe. Ang galing di ba?"

Ah. Kaya pala kapag bumibili ako, si Nanay Lisa lang at si Carina, yung bunsong kapatid niyang babae ang nakakaharap ko. Kapag nag-uutos si Mama na bumili ng ulam, karenderya agad nila ang pinagbibilhan ko. Ibig sabihin, natitikman ko na pala ang mga luto niya. Wow.

"Oo nga. Ano pa?"

"Tuwing linggo, dumadalaw siya sa sementeryo, doon sa tabi ng school natin. Naglalagay siya ng mga bulaklak sa puntod ng Tatay niya."

Ah. Oo. Ang pagkakaalam ko, namatay sa sakit na TB ang Tatay niya.

"Sana hinulog ko na lang yung notebook mo sa sementeryo. Baka sakaling mapulot niya at siya mismo ang makaalam. Eh 'di tapos na yang problema mo."

"Ayoko nga. Gusto ko ako ang magsabi sa kanya. Para mas sincere."

"Oh siya. Sige na. Sakay na ako ha?"

Nasa harap na kami ng jeep. Marami pa akong gustong itanong. Sabagay, may bukas pa naman.

"Basta tandaan mo 'to Carlo, masakit ang rejection, kasi nag-effort ka na nga, kulang pa rin. Pero alam mo kung anong mas masakit? ' Yung marami ka na ngang pagkakataon, sinayang mo pa."

"Makasermon. Sige na. Bye."

"Manligaw ka na kasi! Ang torpe mo!

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon