Secret 28

9 2 0
                                    

Paggising ko, mataas na ang araw. Binuksan ni Mama ang bintana at hinawi ang kurtina para masinagan ng araw ang mukha ko. Eh gusto ko pang matulog.

"Hoy bangon na."

"Ayaw."

"Gutom na ako. Hindi pa ako nag-aagahan. Ipagluto mo ako."

"Grr. May tinapay sa ref."

"Ayoko. Magluto ka ng makakain."

"Hindi ako waiter."

"Eh kanina pa ako naghihintay na bumaba ka. Mas napapagod akong maging 'waiter' mo. Bumangon ka na d'yan."

"Ayaw ko pa nga."

"May naghahanap sayo sa baba."

"Pakisabi bukas na lang."

At nagtakip na ako ng kumot sa mukha. Sinabi nang gusto ko pang matulog eh. Pinaglaba niya ako kagabi, napagod ako tapos ngayon gigisingin niya ako.

"Kuya Carlo!"

At may batang tumalon sa higaan ko. Natural mawawala yung antok ko. Si Carina pala ang naghahanap sa akin. Pinisil pisil niya ang mukha ko. Nakakahiya, may mga muta pa ata ako.

"Kuya Carlo, nasa baba si Nanay. Hanap ka."

Nakalabas na ng ospital si Nay Lisa? Dali-dali akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Grabe. Kanina pa siguro siya naghihintay. Nakakahiya naman na malaman niyang nakatirik na ang araw tulog pa ako.

Bumaba na ako at nakita kong nanonood ng TV si Nanay Lisa habang si Carina naman ay naglalaro ng mga toys ko.

"Nay Lisa, kelan pa po kayo nakalabas ng ospital?"

"Noong isang araw pa. Pasensya na ha. Nagambala ko ata ang tulog mo."

"Okay lang po. Dapat nga po maaga akong nagigising eh."

"Kumusta ang JS kagabi?"

"Okay naman po. Masaya."

Naalala ko na naman tuloy 'yung nangyari kagabi. 'Yung pag-amin ko kay Nicole, at 'yung pag-amin ni Tanya. Gusto ko na ngang makalimutan ang lahat eh. Kung pwede ko lang mareformat ang utak ko, ginawa ko na sana.

Ay, may naisip ako.

"Nay Lisa, may gagawin po ba kayo ngayong araw?"

"Wala naman. Si Tanya nasa karinderya ngayon. Siya ang tumutulong ngayon kay Nicole. Magpahinga raw muna ako sabi ng doktor. Nga pala, eto ' yung benta nung ice cream mo. Muntik ko nang malimutan."

Inabot niya sa akin ang kinita ko. Kainis, hindi man lang dumaan si Tanya. Nahihiya na siguro sa akin. Pumunta muna ako sa kusina para magluto. Si Mama naman, umalis muna kasi may pupuntahan daw siya.

Narinig ko na nagkukwento si Carina kay Nay Lisa tungkol sa klase niya, sa mga stars niyang nakuha, at tungkol sa pagtulog niya rito sa bahay nung makalawa. Sa kalagitnaan ng pagluluto ko, lumapit sa akin si Carina na hawak ang mga lego ko. Binuo niya na parang pyramid na may hagdan.

"Kuya Carlo oh, tingnan mo, gumawa ako ng cake!"

"Ay wow. Ang ganda naman."

Hindi ko nagets kaagad nang makita ko. Tapos may nilagay siyang dalawang laruan sa tuktok. Si Shrek at si Tinkerbell. Magkasama sila sa tuktok.

"Ikaw, itong isa. Tapos ito namang babae, yung crush mo."

Tsss. Naalala ko bigla si Tanya. Hindi man lang dumalaw dito yung babaeng 'yun. At talagang ako si Shrek?

"Hoy Carina, palitan mo ng superman. Dali."

"Ayaw. Mas kamukha mo 'yan eh."

"Anong kamukha? Ikaw ah."

At hinabol ko siya paikot sa dining table, sa sala, sa kusina. Nang mapagod ako kakahabol, nagawa niya pang mandila sa akin.

Iniwan muna sa akin ni Nay Lisa si Carina sa bahay. Nanood lang kami ng pelikula maghapon. Maghapon rin akong kinantahan ng mga pambatang kanta na natutunan niya sa Day Care at paulit -ulit kaming naglaro. Nagingg maingay ang buong bahay kahit kaming dalawa lang ang naroon.

Parang nagflashback sa akin lahat ng mga ginagawa ko noong bata pa ako nang makita kong naglalaro si Carina. Sumisigaw sa harap ng umiikot na electric fan. Kinakagat ang dulo ng lapis para lumabas ang eraser. Tumatalon sa kama kapag malambot. Ganyan din ako nung bata pa ako. Masaya, walang problema. Sabi nga nila, no worries at no responsibilities. Hindi ako namomroblema sa kung ano ulam namin mamayang gabi o kung bakit hindi ako gusto ni Nicole. Nasusubaybayan ko ang paglaki ni Carina, simula nang pinagbuntis siya ni Nanay Lisa hanggang sa ngayong malaki na siya at malikot. Nakikita ko ang bawat pagbabago niya, mula sa pagkatuto niyang maglakad, magsulat at magbasa. Siguro kung may kapatid ako, makikita ko rin kung paano lumaki ang kapatid ko. Magiging isang kuya na magbabantay sa kanya. At higit sa lahat, mararamdaman kong maging isang responsableng kapatid.

Dapithapon na nang sunduin si Carina. Umiiyak pa si Carina dahil ayaw niya pa raw umuwi. Sinabihan nalang namin na bumalik na lang tutal magkatabi lang naman ang mga bahay namin. Pero umiyak pa rin. Gusto niya pa kasing magpaiwan. Niloko na lang namin na mag-isa lang ako sa bahay at may kasama akong mumu kaya huwag na siyang magpapaiwan. Buti na lang at naniwala naman kaya nakauwi na rin siya.

Hindi nagtagal, habang nagliligpit ako ng mga kalat, may narinig akong tumatawag sa gate namin.

"Hoy Carlo! Buksan mo 'to!"

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Tani. Pawis na pawis. Parang nagmamadali. Anong kailangan niya? Siguro mahalaga ang pakay niya. Masyadong pormal din ang suot niya. Nakasuot siya ng pulang polo at pantalon.

"Oh bakit?"

"Bilis. Magbihis ka. May pupuntahan tayo."

Pinatuloy ko muna siya sa bahay at pinaupo dahil balisang-balisa siya. Sinabihan ko siyang kumalma pero pabalik-balik siya sa upuan niya at hindi matahimik. Ano bang okasyon? Bakit ba hindi siya mapakali?

"Carlo, dalian mo ha."

"Teka ha, ano bang isusuot ko?"

"Basta disente, parang ganito. Basta bilisan mo."

"Okay okay."

Nahahawa na ako sa pagpanic niya. Naku naman. Nagsuot nalang ako ng puting polo at pantalon. Hindi ko alam kung bagay o baduy ang suot ko, basta mukhang disente naman akong tingnan, okay na siguro 'to. Dali-dali naman kaming umalis ni Tani. Sumakay kami ng tricycle, sa bus na 30mins ang biyahe, jeep na 15mins ang byahe, tricycle ulit, at sumakay ng pedicab. Kanina ko pa ginugulo si Tani kung anong ginagawa namin dito pero hindi niya pa rin ako sinasagot. Kinakabahan na rin ako kasi baka dumating na si Mama at maabutan niyang wala ako sa bahay. Madilim na rin eh.

Bumaba kami sa isang Italian Restaurant. Astig. May piano at violin sa stage. Mukhang mga foreigner ang mga waiters na nag-aabang ng mga customers. Ang ganda. Pero hindi pa ako tapos mamangha sa buong paligid nang mahinang itulak ako ni Tani papunta sa kusina. Pinagtitinginan kami ng mga crew na busy sa pagluluto.

"Woah woah woah. Tani naman eh. Nabasa mo ba 'yung sign na bawal tayo dito?"

"Huwag kang mag-alala, kilala na ako rito. Si Ninang ang may-ari ng restaurant na 'to."

"Oh anong ginagawa natin dito?"

May kinuha siyang chef hat sa isang drawer. Ilinagay niya 'yon sa ulo ko.

"Isipin mo nalang na, exam n'yo na ito sa culinary school mo. Kase finally, pumayag na si Nicole na magdate kami. Yey! First dinner date namin to."

"Oh. Congrats."

"At pwede bang, ikaw ang magluto para sa amin? Please?"

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon