Secret 20

3 0 0
                                    

Parang gusto kong magbreakdown. Ako ang naunang nagkagusto kay Nicole, ako ang naunang nainlove, ako ang mas nakikita niya kasi ako ang mas malapit, ako ang naunang manligaw kay Nanay Lisa at Carina, pero nilampasan ako ni Tani? Hala. Hindi pwede 'to!

"Hindi ko alam. Hindi na rin naman kasi kami nakakapag-usap ni Nicole eh. Paano, si Tani ang lagi niyang kasama."

"Oo kasi nagtututor. Ikaw busy ka rin magtutor kay Chris. Parehas kayong busy."

"Hindi. Hindi naman sa ganun. Matagal ko nang gustong makipag-ayos kaso walang pagkakataon."

"Bakit, nag-away kayo?"

Ano bang nangyari? Para akong bumisita sa kabilang planeta at hindi ko na alam kung ano nangyayari.

"Hmm. Nagkalabuan. Kasi nalaman niya na madalas akong pumupunta sa bahay n'yo tapos sa kanila, minsan lang. Nagtatampo siya, ganun, kasi bagong salpak ka lang daw sa buhay ko, kinakalimutan ko na raw siya."

Ha?

"Ganun ba. Nga pala, paano kayo nagkakilala ni Nicole? Kasi di ba transferee ka, pagpasok mo, friends na agad kayo."

"Ah oo. Dahil sa chicharon."

"Huh?"

"Kakalipat lang kasi namin ng bahay tapos wala pa akong friends. Gabi nun, nakatambay ako sa terrace namin. Tapos dumaan siya, naglalako ng balot at chicharon. Bumili ako sa kanya kasi mahilig ako sa chicharon tapos magmula noon, lagi ko siyang binibilhan. Naging close kami. Tapos imbis na sa isang private school ako ieenroll ni Mommy, sabi ko, sa public nalang para magkaklase kami. The end."

Ang cool ah. Chicharon na nauwi sa friendship.

"Pero Tanya, paano na 'to. Parang nauunahan na ako ni Tani eh."

"Yan na nga ba sinasabi ko eh. Sinabi na kasing pumorma ka na eh. Naunahan ka na."

"Ano na ba gagawin ko?"

"Hindi ko alam. May problema rin ako. Dapat magbati na kami ni Nicole para makachismis na ako sayo."

Peste naman oh. Akala ko matutulungan ako ni Tanya eh. Susunduin ko na lang nga si Carina. Baka sakaling maging masaya naman ako sa makulit na batang yon.

Nakita ko si Carina na naghihintay sa bench. Dismiss na rin sila.

"Halika na Carina, uwi na tayo."

"Ay. Sabi po kasi sa akin ni Kuya Tani, siya raw po ang magsusundo sa akin."

Hala. Inuubusan na talaga ako ni Tani ng pagkakataon.

"Hindi raw makakarating si Kuya Tani. May gagawin pa raw kasi siya."

At sumama na nga sa akin si Carina. Alam ko mali ang ginawa ko pero kanina pa naghihintay 'yung bata sa labas.

"Carlo?"

May tumawag sa akin mula sa likod. Si Nicole. At kasama si Tani.

"Ate! Sinundo po ako ni Kuya Carlo. Ang tagal niyo po kasi. Kuya Tani, maglalaro po ba ulit tayo?"

"Oo naman. Binilhan din kita ng Barbie doll oh."

At may inilabas siyang box na may laman na Elsa ng Frozen. Para akong binuhusan ng tubig sa nakita ko. Nagpaalam na lang ako at nagdahilan na may gagawin pa ako sa bahay kaya tumakbo ako pauwi para hindi ko na sila marinig pa.

Umuwi ako ng bahay na bagsak ang kalooban. At aba, naunahan ako ni Tanya sa bahay. Pinapakain siya ni Mama nung....hala, yung ice cream na pinapalamig ko!

"Ma, ano ka ba, ibebenta ko yan. Sana naman kumuha ka na lang ng ibang pagkain sa ref. Baka magkasakit na naman si Tanya niyan eh."

"Ang kuripot naman nito. Isang scoop pa lang nabibigay ko kay Tanya."

"Hay okay na yan. Malulugi ako nito eh. Doon ka muna sa labas Ma, may pag-uusapan kami ni Tanya."

Lumabas rin si Mama ng kusina at kumuha naman ako ng pizza at pinainit sa oven. Bumili kasi si Mama kagabi.

"Okay ka lang ba? Alam ko, masakit sa puso. Sinundan kita kanina kaya inunahan kita dito. Sige na. Umiyak ka na. Papanoorin kita."

Hindi ako iiyak. Bwisit.

"Pinagsabihan na kita. Mas masakit 'yung manghinayang sa mga bagay na hindi nagawa. Kitams? Lugi ka."

"Huli na ba ako? Baka may pagkakataon pa oh."

"Carlo, araw-araw kang may pagkakataon. 'Yang nasa puso mo, isabuhay mo. Labanan mo kasi 'yang takot mo. Akala ko ba, aamin ka lang sa kanya? Bakit parang ngayon may takot kang baka mabasted ka?"

Kasi...ano...may kalaban ako. Pag nabasted ako, ibig sabihin, si Tani ang gusto niya. Kung pipili siya sa amin ni Tani, wala akong laban. Sino ba naman ako? Kaklase niya lang, kapitbahay. Wala na.

Ewan ko. Bahala na. Kung sila na talaga, magpakasawa sila sa bawat isa. Pero mananatili pa rin akong kaibigan ni Nanay Lisa, kalaro at tagasundo ni Carina, at kapitbahay kung sakaling may kailangan sila.

************************************************************
"Hi Nicole. May tanong ako."

"Oh ano?"

"Sinong bibisitahin mo sa November 1?"

"Si Papa."

"Ah. Ako wala na ring Daddy. May iba na siya."

"Daddy mo pa rin 'yun."

"Hmm. Hindi na. Lahat ng Daddy inuuna ang mga anak bago ang sarili. Iniwan niya kami."

"Iniwan din naman kami ng Papa ko ah."

"Oo pero sa amin, hindi pa siya patay, iniwan na niya kami."

Grabe na naman ang hugot ni Tani. Sa ngayon, hanggang pakikinig na lang ako sa pag-uusap nila. Nagkabati na rin si Nicole at Tanya. Sabi sa akin ni Tanya, nanliligaw pa rin si Tani kay Nicole. Pero hindi na masyadong nambabara si Nicole kay Tani. Kasi raw, tumaas na ang grades ni Nicole sa pagtututor ni Tani sa kanya. Siyempre, sa lahat ng pagsasakripisyo ni Tani para maturuan siya, 'yun na ang pwedeng maibigay niyang 'thank you' kay Tani. Pero hanggang friends pa rin pala talaga. Naging OA lang ako nitong mga huling araw. Nagsayang pa ako ng sama ng loob.

Dismiss na nang ipatawag ako ni Ma'am sa faculty room. Maggupit daw ako ng mga visual aids na ididikit sa classroom. Tapos tanggalan ko raw siya ng uban. Tapos maya maya, nagpahilot siya sa noo. Grrr.

"Carlo, nakita mo na?"

"Ang alin po Ma'am?"

"Yung sinubmit ni Tani sa Photo Festival noong isang buwan."

"Ay hindi pa po. Bakit po Ma'am?"

"Hindi ba siya nagsasabi sainyo? Nanalo na naman siya. First place. Tripod at bagong camera ang premyo sa kanya."

"Ay talaga po? Magaling po talaga si Tani."

"Sabi niya nga sa akin, baka hindi raw siya manalo. Pero sa kanya pa rin ang boto ng mga judges. Isang photo album ang pinagawa sa kanila. At ang topic nila, friendship. Dapat may 35 photos sila doon."

"Natapos niya po ba?"

"Oo, at sa lahat ng mga pinasang entry, sa kanya ang pinakanaiiba. Sa ibang mga kalahok, iba't ibang tao na naglalarawan ng pagkakaibigan ang kinuha nila. Pero 'yung sa kanya, ibang klase."

"Bakit, ano po ba yung kanya?"

"Ikaw. Ikaw ang laman ng bawat litrato."

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon