Secret 12

10 2 0
                                        

"Ano?! Pumayag ka na lang basta-basta?! Tanga ka ba?!"

Kakakwento ko lang kay Tanya kung ano pinag-usapan namin ni Tani pero hindi ko inaasahan na sisigawan niya ako at magagalit siya.

"Ano ka ba naman, gumagawa na nga tayo ng paraan para mapaglapit kayo at matanggal yang hiya mo tapos makikipagdeal ka na lang basta-basta sa gunggong na yon? Eh di nasira plano natin? Bawiin mo nga 'yon!"

"Ayoko nga. Basta usapang lalaki, walang bawian."

"Nakakainis ka naman. Mas gusto kong magkatuluyan kayo ni Nicole. Kesa naman dun sa taong yon, ambisyoso na nga, madaya pa. Hindi siya tunay na lalaki!"

"Ano ka ba. Bakit mas apektado ka pa? Hindi naman ikaw ang liligawan eh."

Hayaan ko na lang siya. Kung para talaga sa akin si Nicole, kahit may kumontra sa akin, sa akin pa rin siya magkakagusto.

"Gusto niya lahat nalang sa kanya. Ang spoiled. Ang yabang, kala mo naman kung sino. Tapos kung makapagbawal sayo parang naccontrol niya lahat ng tao. Parang sinabi na rin niyang walang karapatan magmahal ang ibang tao sa gusto niya. Hindi siya marunong lumaban ng patas!"

"Grabe ka naman magalit."

"EH KESA NAMAN MATUWA AKONG PINAMIMIGAY MO ANG BEST FRIEND KO!"

Galit na galit talaga siya. Kakatapos lang ng klase namin at bumisita na naman siya sa bahay para pag-usapan namin yung tungkol kay Tani. Pinakain ko siya ng cake na tira pa nung birthday ni Mama. Kung makasigaw din siya, akala niya naman bahay niya 'to.

"Hindi naman sa ganun. Umamin kasi sa akin si Tani na halos hindi siya pinapansin ni Nicole. Parang rejected. Ganun."

Bigla siyang tumigil sa pagkain. Tumingin siya sa akin at nagliwanag ang mukha. Ano na naman ba nasa isip ng babaeng to?

"Ahh. Okay. Buti naman."

"Ano ba Tanya, hinaan mo boses mo."

"Pero Carlo, sinabi niya 'yon?"

"Oo. Sana nga mapagod na siya nang matigil na eh."

"Tanga din si Tani ano? Paulit-ulit na ngang nirereject, hindi pa rin tumitigil. Ang swerte naman ni Nicole, kay gwapong lalaki, tinatabi niya lang. May dalawang bagay lang kung bakit siya tinatanggihan. It's either ayaw pa talaga magboyfriend ni Nicole o may gusto siya at hinihintay niya."

"Pero alin ba sa dalawang yun?"

"Ewan ko. 'Yan ang dapat nating malaman. Kung ayaw talaga, maghanap tayo ng tiyempo, pero kung may gusto talaga siya at hindi ikaw yun, mas mahirap."

Ang hirap basahin ni Nicole. Mahirap din ligawan. Kung si Tani nga na mayaman, matalino at may itsura hindi niya pinapansin, ako pa kaya? Nakakawalang gana tuloy manligaw. Kung malakas lang sana ang loob ko, maghahanap na lang ako ng iba para magkagirlfriend agad. Kahit lima pang sabay sabay. Kaso nga lang, di naman ako kagwapuhan at isa lang talaga gusto ko kaya magtitiyaga ako. Sabagay, ang isang napakagandang babae, pinaghihirapan.

"Pero Tanya, ang gusto ko lang naman, makapag-amin ako sa nararamdaman ko. Okay lang naman kung hindi niya ako gusto. Tanggap ko naman 'yun eh."

"Kahit naman aamin ka lang, kailangan pa rin nating gumawa ng move di ba. Ginagamit mo pa rin ba yung mga pampakinis?"

"Ahm. Oo."

"Hindi ka naman talaga kasi pangit eh. Siguro kaya ka inaasar ni Tani para mahugot pababa yung self-esteem mo. Ginagamit niya ang kahinaan mo para siya lang ang gwapo. Leche niya. Madugas talaga. Dahil sa mga nalaman ko, parang mas natuwa pa akong binugbog mo siya."

************************************************************
Hindi naman sa makapal ang mukha ako pero napapansin kong kumikinis talaga ako. Wala pang umaangat na pimples nitong mga nakaraang araw at hindi na masyadong mamantika ang mukha ko. Pumuputi rin ng kahit konti ang balat ko. Matagal pa bago talaga tuluyan na kuminis ang mukha ko, marami pa akong araw na bibilangin at mga pampakinis na uubusin para tuluyan na ngang maging maayos ang itsura ko.

"Ma, nakita mo salamin ko?"

"Aba hindi anak. Bakit?"

"Hindi ko kasi mahanap eh."

"Naku naman, saan mo ba huling nakita?"

"Sa kusina po."

"Eh di doon ka maghanap. Bakit ba sa akin ka naghahanap?"

Nagtatanong lang naman ako. Bakit ang sama ng sagot? Hay.

Nakakainis lang ah. Suot ko pa yun pag-uwi ko ng bahay kaya sigurado akong hindi ko 'yon naiwan kung saan. May quiz pa naman kami bukas paano ba ako nito makakapagreview?

Nakaluto na ako ng hapunan, nakapaghugas na ng mga plato at nakahilamos na pero hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga mahanap. Wala sa banyo. Wala sa higaan. Wala rin sa kusina o sa sala.

"Ma! Hindi ko talaga mahanap! Tulungan mo naman ako oh!"

"Bahala ka d'yan. Matutulog na ako."

Gusto ko nang magwala. Halos itapon ko na ang mga gamit sa bahay kakahalughog. Bagsak dito, bagsak doon ang ginagawa ko.

"Ano ba Carlo? Natutulog na ako, pwede ba ipagpabukas mo na lang yan?"

"Hindi po pwede. May quiz kami bukas, kailangan ko mag-aral."

Tiningnan ko rin ang ilalim ng kama ko, dining table, labahan, TV, at sa mga lugar na pwede kong mapaglagyan ng salamin pero wala talaga akong maalala. Alas dose na, medyo antok na rin ako pero hindi ako pwedeng matulog nang hindi ko nahahanap ang salamin ko at hindi pa nakakapagreview. Halos maubusan na ako ng lakas kakahanap at pawis na pawis na rin ako kaya parang gusto ko ulit kumain.

Pagbukas ko ng ref para kumuha ng tubig, may nasagi ang kamay ko. Nang tingnan ko ulit, sigurado na akong ito nga yung salamin ko. Sinubukan kong hugutin pero frozen na. Walangya. Paano napunta 'to dito sa kasuluk-sulukan ng freezer?

Ingat na ingat ako sa pagtanggal ng yelo. Nadefroze ko na rin ang ref para madaling matunaw ang yelo. Mabusisi ang bawat pagtusok ko kasi baka magkamali ako at mabasag nang tuluyan ang salamin ko.

Buti na lang, matapos ang ilang oras ng paghihintay, natanggal ko na 'yung salamin. Hinugasan ko muna, pinunasan at isinuot nang muli at nagreview na. Peste talaga. Napuyat pa ako dahil lang dito. Pero alam ko na kung sino nagtago nitong salamin ko. Lagot siya sa akin.

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon