Ako? Paano naman naging ako? Hindi nga kami close eh.
"Huh? Talaga po?"
"Oo. Tingnan mo. Akala ko nga gagawing souvenir na ng mga organizers yung mga entries nila eh. Ibinalik pa rin."
At binuksan niya ang drawer niya at inilabas ang isang malaki at makapal na photograph. Paano naman nangyari yun? Bakit ako ang napili niya?
"Kahit ako nagtaka rin ako. Ang alam ko, nagsuntukan kayo noon hindi ba. Tapos ngayon malalaman ko, best of friends pala kayo."
Binuksan ko ang photograph at bumungad sa akin ang picture ko na naglalakad. Hindi ko alam kung papunta ba ito ng school o pauwi. Siguro ito 'yung time na papunta ako sa school at iniisip ko 'yung pag-uusapan namin. Nakangiti ako sa larawan, saktong iniisip ko na sana mamatay na lang siya sa sindak.
"Alam mo ba na kinukunan ka ni Tani dito? Nag-usap ba kayo dito?"
"Hindi po."
Halos wala akong masabi. Nakakataba ng puso. Inaamin ko masama ang loob ko sa kanya dahil mang-aagaw siya ng lovelife. Pero yun pala, iba ang pagkakakilala niya sa akin. May nakasulat na caption sa ibaba ng larawan.
Si Carlo. Best friend ko. Pero hindi niya alam na best friend ang pagtingin ko sa kanya.
Sa sunod na pahina, may anim na larawan na nakadikit. Sa isang picture, kasama ko siya. Ito yung time na inagaw niya 'yung notebook ko para mangopya ng assignment. 'Yung sunod, 'yung nasa library kami na mag-uusap kami. Tapos may picture din, 'yung nagkabati kami sa Guidance Office, 'yung naghandshake at grouphug kami, at 'yung dalawa, nung kaming tatlo ni Tanya na umiiyak siya. Paano niya nakunan 'to?
"Inutusan niya si Chris. Yung larawan na nasa Guidance Office lang. 'Yung iba, nakatiming daw."
'Yung mga next pages, kami ni Tanya. Mas marami, mga sampung litrato. Pictures namin habang naggugupit ng props para sa play, dala-dala yung snacks nila, yung nagkilitian kami, yung nagsusulat ako sa board na may nakasulat sa likod ko, 'yung nakaupo kami ni Tanya sa bench, 'yung binigyan ko siya ng panyo, 'yung nag-iice cream kami sa park, at marami pang iba.
Lahat ng pictures na nandun, kasali na yung mga nauna niyang sinend sa akin sa envelope, naisubmit niya rin sa Photo Festival. Yung pagdila ko sa picture nila ni Nicole nung Teatro Filipino, nandun rin. Walangya. Ang pangit ko pa naman doon. Pero may isang caption na nakaagaw pansin sa akin.
Naniniwala ako na ang isang tunay na kaibigan ay hindi basta-basta mapupulot, pero mas naniniwala ako na ang isang tunay na kaibigan, ay nahuhubog dahil sa mga masasayang alaala at pagsubok na kapwa niyong pinagdaanan. Para silang mga tanim na kailangan mong buhusan ng pagmamahal at pag-aalaga upang mabuhay. Upang hindi malanta. Mamatay. At mawala.
Grabe. Nakakatouch. Para akong nanonood ng isang teleserye. Akalain mo yun, may itinatago palang kadramahan sa katawan si Tani. Kung alam lang ni Tanya 'to, siguro babawiin na niya yung mga masasamang nasabi iya kay Tani.
************************************************************
Magpapasko na. Wala pa rin akong lovelife. Ang lamig ng pasko ko. Halos walang bumubuhay sa puso ko kasi halos laging magkausap si Nicole at Tani. Inaalikabok na rin yung 'scrapbook of feelings' ko dahil wala naman akong maisulat. Medyo namamanhid na rin ako sa mga nakikita ko. Na araw-araw sila magkausap, hinahatid pauwi, at nagkakadevelopan. Hay. Ako'y natitigang na."Tayo na lang kaya?"
"Hindi kita type. Ang pangit mo."
"Bakit, pangit ka rin naman ah. Pangit ako. Pangit ka rin. Match tayo."
"Oo. Match tayo. Mabilis matitigil ang apoy."
Oo na, may pinaghuhugutan na ako. Natuto na akong maging bitter. Nasa library kami ni Tanya. Nagrreview kasi may quiz daw kami.
"Grabe ka. Ang sama mo talaga sakin. Hindi naman kita inaano ah."
"Wala lang. Ang boring na talaga. Inaamag na ang puso ko."
"Ako din naman ah. Sabi mo nga di ba, kung sayo si Nicole, sayo talaga siya. Baka hindi lang ngayon noh. Patience is a virtue."
Parang hindi naman talaga pasensya ang kailangan ko eh. Lakas ng loob, strong will at determinasyon. Kasi wala naman talagang bagay sa mundo na madaling makuha. Katulad ng hindi ka yayaman kung hindi ka magsisikap. Hindi ka makakapasa kapag hindi ka nag-aral. Hindi ka magiging lotto prize winner kung hindi ka tataya.
At lalong hindi ko makukuha si Nicole kung hanggang tingin lang ako.
Malapit na ang Christmas Party namin kaya may exchange gifts daw kami. Nagbunutan na sa klase at si Grace ang nabunot ko. Hindi ko alam kung ano ibibigay ko sa kanya. Medyo boyish siya at well, okay lang. Bibigyan ko ba siya ng libro? Hindi naman 'yun mahilig magbasa. O kaya headbands? Baka itapon niya lang. O kaya dress? Baka ipamigay niya lang.
"Picture frame na lang. Buti pa yon, mura lang."
"Grabe ka naman Ma. Sabihin nun hindi ko pinag-isipan."
"Sabihin mo wala kang maisip. Kaya ganun."
Hindi ako papayag na picture frame lang. Parang may sama ako ng loob sa pinagbigyan kung ganun. Dapat 'yung medyo okay din at matatawag talagang regalo. At dahil wala talaga akong maisip, si Mama nalang pinabili ko. Basta huwag picture frame.
"Uy Carlo, halika, may ibibigay ako sayo."
May kinuha siyang damit mula sa box na dala niya pagkagaling ng palengke. Isang polo shirt na may makulay na graffiti design. Wow. At may knee length shorts din at Vans na rubber shoes. Kumpleto. Ang ganda ng mga binili niya.
"Isuot mo yan sa party niyo. Bagay sayo."
Binigay na niya rin sa akin yung ireregalo ko kay Grace. Tinanong ko siya kung ano laman nun para masabing ako talaga ang bumili. Bukas na ang party. Naghanda na ako at maagang natulog. Lunch ang usapan para maaga ang uwian namin. Gusto ko kasi, hindi ako stressed pagdating sa school.
The next day, masaya ang lahat. Sa classroom lang ang party namin. Nagsabit kami ng mga Christmas decorations sa classroom at naglagay ng mga banderitas. Inayos namin ang mga upuan at ang mga regalo. Halos on-time ang lahat sa usapan na 11am dahil excited na rin para sa inaabangang exchange gift at parlor games.
Nagsimula ang programa sa isang simpleng prayer at opening remarks ni Ma'am. At pagkatapos, nagbigay ng mga parlor games si Ma'am. Nakakatawa yung mga games niya. Siyempre, hindi na mawawala ang walang kamatayang hep hep hooray. Pero may twist. Buong klase ang maglalaro. Hahaha. Kaya walang nakaligtas sa amin. Kahit yung trip to Jerusalem, the boat is sinking at paper dance. Grabe yung tawa namin sa paper dance dahil meron talagang malaking papel si Ma'am na pinagdikit-dikit niya para magkasya ang 50 na estudyante. Unti-unting nadisqualify ang mga estudyanteng hindi na nagkasya sa lumiliit na papel, kabilang na si Tanya at si Tani.
Dalawa na lang kaming natitira. Lahat na nagccheer sa amin. Isa lang ang bibigyan ng regalo ni Ma'am kaya maglalaban kami. Halos maglupasay na si Tanya kakatawa.
Paano, kami nalang ni Nicole ang natitira.
Nagsisigawan na ang lahat. Tinupi na ni Ma'am 'yung napakalaking diyaryo at pakiramdam ko, hindi magkakasya ang dalawang paa namin doon. Isa lang talaga, at dapat pointed pa. Magbabalanse pa.
"Go Carloooooo! Kaya mo yan!"
'Yung mga babae naman, nagccheer kay Nicole. Girl power daw.
Nang tumigil ang music, alam ko na ang gagawin ko. Ako yung naunang makatapak sa papel at saktong binuhat ko si Nicole na pangbridal style. Pero hindi pa nagtatapos doon yung nangyari.
Sa sobrang close namin...
Biglang nagkadikit 'yung mga labi namin...
