Secret 14

9 2 0
                                    

Ehem. Totoo ba ito? Ehehehe.

Gusto. Niya. Sumabay. Sa. Akin. Pauwi.

Buti na lang malaki ang payong ko. Sige. Sisiguraduhin kong hindi siya mababasa.

"Ah sige. Tara."

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko, parang kamatis na ang mukha ko sa sobrang pagpipigil sa kilig. Pasimple akong nakangiti na pilit ko namang tinatago. Masyado na siyang malapit sa akin kasi baka mabasa siya. Lumalakas pa naman ang hangin. Parang gusto ko siyang yakapin para hindi siya mabasa at lamigin.

Tahimik at maingat naming binabagtas ang daan pauwi. Gusto kong magsalita, magkwento o kaya mag 'ehem' man lamang. Pero tuyo ang lalamunan ko at hindi ko alam ang sasabihin ko. Nahihiya ako. Natotorpe. Naiinis sa sarili kasi heto na naman, sinasayang ang pagkakataon.

Halos sabay ang bawat paghakbang namin. Baka kasi kapwa kami madulas. Hawak-hawak ko ang payong at nakahawak siya sa braso ko.

Kaso bigla niyang natapakan ang sintas ng sapatos ko dahilan para mapatid ako.

"Ay sorry, sorry ha. Sandali ako na magsisintas."

Teka, teka, huwag. Mababasa ka. Tsaka huwag kang luluhod sa harapan ko. Baka mamatay ako sa kilig.

"Huwag na. Sa bahay ko na lang aayusin. Tutal uuwi na din naman ako."

Hindi na siya nagsalita. Tinuloy na lang namin ang paglalakad. Pero ano ba yon? Sign na ba yun? Pero sa hinaba-haba ng nilakad namin, 'yun lang? 'Yun lang ang pag-uusap namin?

"Salamat Carlo. Ingat ka."

Inihatid ko muna siya sa bahay nila hanggang sa pinto. The end. Teka, walang kiss? Walang I love you? Pakahatid ko sa kanya yun lang? Kung alam niya lang na parang matutunaw na ako sa sobrang kilig.

Nakauwi naman ako ng maayos at hindi naman nagreklamo si Mama kung bakit ginabi na ako. May dinikit kasi ako sa ref na letter na pinirmahan ni Sir Filipino na nagsasabing mula Lunes hanggang Sabado, nagpapractice kami kaya may dahilan upang hindi na mag-alala ang mga magulang kung late nakakauwi. Ganun.

Pero ang saya sa pakiramdam. Naihatid ko siya pauwi. May ilalagay na naman ako sa scrapbook ko. Tumalon talon ako sa kama, sumasayaw habang nagluluto, nakangiti habang tulog at nagtitili mag-isa.

Sana maulit pa. Kahit araw-araw ang ulan tapos lagi siyang walang payong.

************************************************************
Puros practice ang mga sumunod na araw. Medyo namanhid na rin ako sa mga kalokohan ni Tani kay Nicole kasi lagi kong naaalala yung pag-uwi namin na magkasabay. Sa ngayon, katulong ko si Tanya sa paggupit. Mamaya magsisimula na kaming magpintura ng mga costumes at props. 'Yung isa kong kaklase ang naatasan bumili ng pintura, mga ekstrang cardboard, at marami pang iba.

"Sandali lang, Tani, wala namang nakalagay sa script na yayakapin mo siya ah."

Nakita kong akmang yayakapin ni Tani si Nicole sa eksena daw nila. Pinigilan naman siya kaagad ni Grace.

"Ha. Wala ba. Ilagay mo nalang na niyakap ko daw si Laura."

"Hindi nga pwede 'di ba. Ang kulit mo eh. Hindi nga 'yan kasali sa kwento eh. Tigas naman ng ulo nito. Gusto mo bang palitan?"

At nagtilian ang mga kaklase ko. For sure masaya na naman si Tani, habang ako dito, nagdurusa. Pero okay lang, mas masaya pa rin yung sa akin. Hehehe.

"Nakangiti ka na naman mag-isa. Kumusta paghatid mo kay labidabs mo?"

Halos araw-araw niya rin 'yan tinatanong para daw lagi kong maalala at maiwasan ang palagiang pagselos.

"Okay naman. Masaya nga eh."

"Ikaw na. Dumiskarte ka na kaya. Siya na ang lumalapit sayo eh."

"Ayoko nga. Ayoko pa talaga. Mas masaya ang ganito kesa naman sa kami na 'di ba. Hindi ako aasa sa wala. Iwas sakit sa puso. Okay na'ko sa mga nakaw na sandali lang kasi nakakataba na ng puso. Ang sarap kaya balik-balikan."

"Suuuus. Pagsasawaan mo rin 'yan. Pagdating ng panahon gugustuhin mo na sana mas mahigit pa d'yan ang gusto mong mangyari."

Nagtinginan sa amin ang buong klase. Sakto pa namang kinalabit ni Tanya ang tagiliran ko kaya bigla akong nakiliti. Kami naman ang tinilian ng lahat.

"Oooy, 'yung dalawa, mukhang nagkakamabutihan na!"

Heto na naman ang mga malisyoso naming kaklase.

Nakatapos na kaming magpintura at inutusan kami ni Grace na bumili ng snacks para sa lahat. Magtatake out nalang kami ng burgers at coke sa Mcdo para madali lang. Habang kumakain, nagbigay ng konting announcements si Grace tungkol sa mga susunod na plano. Tatlong araw na lang ang nalalabi bago ang event. Ang mga first years at second years daw, bukas na. Tapos yung third years at kami, sa susunod pang araw. Magkakaroon daw ng dress rehearsals sa sunod na practice kaya tinanong kami kung okay na daw ba ang lahat ng mga susuotin at mga props at sa little theater daw kami magkikita-kita. 'Yung ibang cast naman daw, imemorize na ang mga blockings at mga linya. Huwag daw magpapahiya. Pagkatapos, nagsiuwian na ang lahat.

"Ahm. Nicole, para sayo."

Pumuporma na naman si Tani. May dala siyang gumamela na pinitas niya na naman sa school garden. Sabado ngayon kaya wala yung gardener. Makikiusyoso nga. Nagtago kami sa mga bushes para hindi kami makita.

"Bakit mo na naman ba ako binibigyan ng bulaklak? Sinabi ko na sa'yong hindi pa ako patay eh."

"Oo, hindi ka nga patay. Pero Nicole, patay na patay ako sayo. Pwede ba, tanggapin mo na?"

Bigla kaming napahalakhak ni Tanya. Grabe. Ang dami naming tawa eh. Sa banat ni Tani, kahit ako hindi ko alam kung kikiligin o makokornihan ako.

Napatingin silang dalawa sa amin at iniwan na naman siya ni Nicole. Kawawa naman talaga si Tani. Ilang buwan na rin niyang sinusuyo si Nicole pero hindi pa rin siya umuoo.

"Ano ka ba naman Tani, hindi mo ba talaga kayang tanggapin na ayaw niya talaga sa'yo?"

"Nagtry lang naman ako ng bagong strategy sa panliligaw. Hindi tumalab."

Hanggang ngayon hirap pa rin akong pigilan ang tawa ko. Hindi ko kasi kaya 'yung ganun eh. Napaupo na lang siya sa bench at nagbuntung-hininga.

"Ay sorry. Huwag ka ngang magdrama d'yan. Hoy, tumigil ka ah. Nakakahiya baka may makakita sa'yo."

Pinapatahan na siya ni Tanya. Ako hindi ko alam gagawin ko. Paano ba magcomfort? Tuluy-tuloy na din ang pagtulo ng luha niya. Buti nga at halos lahat na nakauwi eh. Baka marami pang makakita sa kanya.

Niyakap siya ni Tanya. Ako naman, parang tanga lang na nakatingin. Ano bang soothing words ang pwede kong sabihin sa isang taong brokenhearted? Sasabihin ko bang, 'pare, huwag kang bibigay, may bukas pa', o kaya, 'marami pang iba d'yan, sa iba ka na lang'. Hay ewan. Parang mas gusto ko pa ngang brokenhearted siya eh. Si Nicole kaya ang pinaglalabanan namin dito.

"Andiyan naman kasi si Tanya eh. Bakit ba kasi gusto mo lahat na lang sayo?"

Nabigla ako sa nasabi ko. Pero parang tama naman ako. Kung sino pa kasi 'yung nandiyan, tinatabi lang. Nasa friendzone. Mayaman din siya, matalino, gwapo, maraming barkada, sikat pero may gusto pang makuha. Palibhasa hindi niya naman kasi hiningi ang mga 'yon. Kusa nang dumating sa kanya. Kaya ngayon, yung mga biyayang nasa kanya, wala nang dating sa kanya. Nakasalalay na 'yung kaligayahan  niya sa pagtanggap ni Nicole. Sa taong gusto ko din.

"Para matuto akong magsakripisyo. Hindi ba, kapag nagmamahal, nagsasakripisyo?"

"Pero hindi naman laging pantay ang meaning ng love sa sacrifice. Minsan may sacrifice pero hindi all the time. Icheer up mo naman sarili mo. Magpakasaya ka. Huwag kang magdepend sa ibang tao para maging masaya. Halos buong araw Nicole ka ng Nicole. Magpamiss ka din kasi."

At tumingin din sa akin si Tanya. Ako ba ang pinapangaralan mo o si Tani? 'Wag mo kong idamay.

Pinauwi na namin si Tani at nangako naman siya na hindi na siya magtatampo. Para siyang bata na iniiyakan ang kendi na hindi niya nakuha.

"Huwag ka munang umuwi. May sasabihin ako."

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon