Secret 15

8 2 0
                                    

"Akala mo naman kung sino, masyado namang pabebe. Ang kapal kapal talaga ng pagmumukha! At ikaw naman, bakit mo naman sinabi 'yon? Parang pinamimigay mo na ako sa gagong 'yun!"

Pag-alis ni Tani, 'yun kaagad ang nasabi ni Tanya. Grabe talaga ang galit niya. Pero kanina ang bait-bait kay Tani.

"Alam mo, nakikipagplastikan lang ako kay Tani kanina ah. Ang gusto niya kasing mangyari, magpapaawa effect siya sa'yo para bitawan mo talaga si Nicole at mawalan ka na ng lakas ng loob manligaw. Kaya hindi siya tumitigil. Bakit ba hindi mo 'yun maabsorb?"

"Sabi ko nga kasi sa'yo, ayokong makipagkumpitensya. Hindi ko pa talaga kasi kayang magfirst move."

"Bakit ba parang you sound so sure? Masyado kang kalmado. Hindi ka ba naaalarma na may lalaking umaaligid sa mahal mo? Carlo naman eh. Ilang taon mo pa bang itatago 'yang sikreto mo?"

"Ewan ko. Basta hindi ako nagmamadali. Tsaka okay lang talaga kung nanliligaw si Tani kasi lagi naman siyang basted."

"Well, may point ka rin naman. Pero mainit pa rin talaga ang dugo ko sa taong yon. Tara, ice cream tayo."

Pumunta kami sa malapit na 7 eleven para bumili ng ice cream. Paliwanag niya, ang mga babae raw, kapag nasa bad mood, naghahanap ng malamig na pagkain katulad ng ice cream o sundae. Nang makabili na kami, dumako kami sa katabing park at naupo sa isa sa mga benches.

"Tanya, d'yan ka lang."

May nakita akong wishing well. Ewan ko kung wishing well talaga basta balon. Pwede na siguro 'to. Kumuha ako ng isang barya at nagwish.

"Ano bang ginagawa mo?"

"Ah, nagwiwish."

"Anong wish mo?"

"Secret."

"Puros ka secret eh."

"Sabi nila, hindi raw matutupad ang wish mo kapag sinabi mo sa iba."

"Sus maniwala. Alam ko naman kung anong wish mo."

"Ano?"

"Na sana, si Nicole na ang para sa'yo."

"Paano mo naman nasabi na 'yan ang wish ko?"

"Tinatanong pa ba 'yan? Halata naman eh."

Oo, tama siya. Bawat wishing well na mapuntahan ko, iisa lang ang wish ko. Wala namang masama sa mga wishing well 'di ba. Maliban na lang doon sa mga sabi-sabi na 'be careful what you wish for.'

"Eh ikaw, ano naman yang sayo?"

"Secret."

"Eh ano ba yan?"

May hawak siyang santan na pinitas sa mga tanim sa park. Yung isang bulaklak, hindi ko alam kung ano ang pangalan pero apat din ang petals. Pumitas din siya ng rose at tinatanggalan ng petals.

"Inis na inis ka kay Tani na namimitas sa school garden tapos ikaw rin pala mahilig mamitas."

"Iba pa rin ako kay Tani noh. At least ako kapag namimitas, hindi nagpapahuli. Eh siya kasi nagpapahuli kay Kuyang gardener kaya napapagalitan."

Iniipon niya ang mga petals sa tabi niya at para siyang nagbibilang.

"Bukod sa flames at wishing well, isa rin 'to sa mga ways para malaman mo kung crush ka rin ng crush mo. Wala naman 'tong scientific explanations. Parang kasiyahan lang. Ganun. Pero ganito 'yan. Isipin mo 'yung taong gusto mo tapos bumunot ka ng isang petal, sabihin mo, she loves me. Sunod naman, she loves me not. Tapos sunod, she loves me, tapos she loves me not. Alternate lang hanggang maubos 'yung petals. Kapag wala na, kung ano 'yung last petal, 'yun daw ang status ninyo."

"Ang corny naman."

"Ganyan kaming mga girls. Ginagawa din 'yan ni Nicole nung bata pa kami. Tapos 'yung mga petals, hinahagis namin na parang confetti tapos magtatawanan kami."

Ah. Okay.

"Tara na. Gusto kong mag-amusement park."

At pumunta kami sa isang peryahan. Malapit na kasi ang fiesta sa kabilang barangay. Sa totoo lang, first time kong makakita ng karnabal. Sa TV ko lang nakikita ang mga ganitong lugar. Pero ngayon, para akong bata na nag-eenjoy sa ingay at makulay na mga tanawin.

"Huy tara na."

Pumasok kami at grabe, ganito pala talaga dito. May mga clowns na naglalakad-lakad at mga mascots na pwede sa mga photo opportunities. May mga rides na nakakatakot at parang hinahagis-hagis ang katawan mo. May mga baril-barilan, horror houses, train na paikot lang, ferris wheels at mga stalls na may games.

"Tara, ferris wheel tayo?"

At sumakay na nga kami. Pero bakit ganito, walang safety belt.

"Hindi kaya tayo mahulog nito?"

"Ano ka ba. Wala pang nahuhulog sa ferris wheel noh."

"Bakit walang seatbelts? Safe ba tayo rito?"

"Oo. Masyado ka namang matanong. Namumutla ka na ah. Huwag kang mag-alala, mag-eenjoy ka dito. Promise."

Nang umandar ang ferris wheel, kinabahan ako kasi 'yun nga, masyadong delikado kung titingin ako sa baba. Pero noong nasa tuktok na kami, kitang-kita ko ang mga matataas na buildings at para akong nagsisightseeing. Ang sarap sa pakiramdam ng malamig na hangin, nakakarelax na view at nakakaenjoy na first-time experience. Ilang beses lang kami nakakabalik ulit sa tuktok kaya sinisiguro ko na 360° view ang makikita ko. Pinapakiramdaman ko ang paligid na parang walang iniisip at walang problema. Mas masaya sana kung si Nicole ang katabi ko. Na parang nagdadate kami. Parang binabalikan ang mga masasayang alaala. 'Yung paghatid ko sa kanya, pag-attend sa birthday ni Mama, pagbati sa akin. Tapos mapapangiti na lang ako hanggang tuluyan nang matanggal ang aking stress. Kaso nga lang, pagkatapos ng ilang minuto, bumaba na raw kami. Nakakabitin naman.

Pumasok din kami sa horror house. Nakakatakot ang sound effects at mga dekorasyon. Pero mga props lang yun at mga tao lang naman ang nasa likod ng mga maskara kaya hindi naman ako gaanong natatakot.

"Huwag mo kong bibitawan ha. Natatakot ako."

"Ano ka ba naman Tanya, 'wag na kaya tayong pumasok kung natatakot ka na."

"Kaya nga tayo nagbayad di ba. Para takutin nila tayo."

Sa sobrang takot niya, nagkahiwalay kami. May nakita kasi siyang bampira at akala niya hinahabol siya kaya tumakbo siya papalayo. Madilim yung lugar kaya hindi ko siya mahanap. Nagkita nalang kami sa labas ng horror house. Galit na galit siya sa akin.

"Walangya ka! Hindi ba sinabi ko huwag mo kong bibitawan?! Bakit iniwan mo ko?! Leche ka! Halos mabaliw ako kakahanap sayo eh!"

"Eh ikaw, tumakbo ka, hindi kita nahabol."

Umuwi na rin kami kaagad pagkatapos ng konting pahinga. Hinatid ko siya sa sakayan ng jeep para naman ligtas siyang makauwi. Ako naman, sumakay na lang ng tricycle pauwi kasi madilim na. Baka nag-aabang na sa akin si Mama.

Pagdating ko ng bahay, nagbihis ako kaagad at binati si Mama. Papunta pa lang ako ng kusina nang tawagin niya ako.

"Anak, mag-usap nga tayo."

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon