Secret 16

7 2 0
                                    

Hala. Mukhang seryoso si Mama. Bakit kaya?

"Dito ka sa tabi ko."

"Bakit po?"

Naupo ako sa katabing sofa. Ano kayang pag-uusapan namin?

"Saan ka galing?"

"Sa school po. Tapos nagperya po."

Okay. Alam kong papagalitan ako. Pero okay lang, maganda naman ang experience ko. Hindi bale nang mapagalitan, nag-enjoy naman ako.

"Sinong kasama mo?"

"Si Tanya po."

"Kayo lang?"

"Ahm. Opo."

Pakiramdam ko nasa hot seat ako. Malambot ang sofa pero ramdam ko ang init at ang bigat ng inuupuan ko. Gusto ko nang matapos itong interrogation ni Mama kasi bukod sa magluluto pa ako, baka kung ano pa ang sabihin sa akin.

"'Yung Tanya, yung pumupunta dito?"

"Opo."

"Napapadalas ata ang pagdalaw niya ah."

"Best friend po ni Nicole."

"Eh bakit lagi siyang nandito?"

Teka, ewan ko. Tagakain ng mga tira sa ref? Tagatikim ng luto ko?

"Jowa mo 'yon?"

"Hindi po."

"Talaga?"

"Opo."

"Mabuti naman."

"Bakit po?"

"Kasi kung oo, wala naman. Oh siya, sige na. Magluto ka na. Gutom na ako."

Jusko. Akala ko kung ano na. 'Yun lang naman pala. Kinabahan ako. Nakahinga na ako ng maluwag kaya dumiretso na ako sa kusina. Maghahanda na ako. Ano kayang masarap iulam?

"Ay anak, kanina pala, hinahanap ka ni Nanay Lisa."

"Bakit daw po?"

"Hindi ko alam. Bukas kausapin mo. Baka importante."

************************************************************
Kinaumagahan, pumunta ako sa karinderya nila. Kakabukas pa lang nila at busy sila sa pag-aayos. Nakita ako ni Carina na niyakap ako kaagad.

Four years old palang si Carina pero marunong na siyang magbasa at magbilang. Hindi pa siya nag-aaral niyan. Kaya kapag may mga costumer, tumutulong siya kay Nanay Lisa, minsan naman, nagsserve sa mga kumakain at ineentertain niya din. Ang mga regular na tagakain dito, aliw na aliw sa kanya.

"Nanay, andito po si Kuya Carlo."

Kinarga ko siya at kiniss sa cheeks.

"Nasaan si Ate Nicole?"

"Pumunta kay Tatay."

Ay oo nga pala, linggo ngayon. Nakasanayan na talaga ni Nicole na dalawin ang puntod ng Tatay niya.

Lumabas si Nanay Lisa. Nakabihis siya at may dalang gamit. Siguro may pupuntahan siya.

"Carlo, may bibilhin lang ako sa palengke. Isasama ko si Carina. Pag-uwi ni Nicole, tulungan mo siya dito sa karinderya ha. Medyo marami ngayong makikikain. May sabong kasi ngayon."

Hahawakan na sana ni Nanay Lisa si Carina pero ayaw niyang umalis sa kinauupuan niya.

"Ayaw. Kay Kuya Carlo na lang po ako."

"Oh sige. Carlo, bantayan mo na rin si Carina. Medyo makulit 'yan."

Hindi nagtagal, dumating na si Nicole. Sinalubong siya kaagad ni Carina at humingi ng pasalubong. Kiniss din ni Nicole ang pisngi niya, doon mismo sa pisngi na nahalikan ko. Indirect kiss na naman.

"Hoy Carina, ano ginagawa niya rito?"

Pwede bang umakyat ng ligaw? Hehe.

"Sabi ni Nanay, siya daw magbabantay sa akin."

"Oy Carina, naligo ka na ba? Parang hindi pa ata ah. Maligo ka nang mag-isa."

Kiniliti niya si Carina hanggang sa mapahiga ito sa lamesa kakatawa. Ang sweet talaga nilang magkapatid. Nakakainggit tuloy. Tapos dumako siya sa kusina.

"Kailangan ko nang magluto. Mamaya marami na namang kakain."

Haaay, mapapagod na naman ang mahal ko. Kung araw-araw niyang ginagawa 'to, kasabay ng pagpasok sa school, maaga pa lang pagod na siya. Kahit ako inaamin kong hindi ko kaya ang ganun kasi bukod sa hindi ako sanay, medyo tamad rin ako.

"Ako...ahm...ako na lang magluluto."

"Sigurado ka? Tutulungan na lang kita."

"Sige. Ikaw bahala. Mas okay nga eh."

"Mas okay?"

Oo kasi magkakapogi points na naman ako.

"Para makatapos agad. Ganun."

Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. Parang gustong lumabas sa katawan ko. Kapag malapit siya sa akin, pakiramdam ko, naririnig niya ang bawat pintig. Pakiramdam ko umiinit na naman ang pisngi ko.

"Carlo, nakasulat dito ang mga lulutuin natin. Sa ngayon, maghahanda muna tayo."

Nakadikit sa isang poste ang iba't ibang ulam na para sa isang buong linggo. At dahil linggo ngayon, magluluto kami ng walong dishes. May tatlo silang malalaking kalan kaya kahit sabay sabay naming lutuin ang mga ulam, madali kaming makakatapos. Masasabi kong isang magandang training ground to para sa akin kung gusto kong maging kusinero. Mabilis ang pagkilos, sigurado ang bawat timpla at hindi basta-basta ang paghain. At ang pinakadabest sa lahat, may katabi akong inspirasyon.

Pagkakataon na naman 'to. Kailangan kong magsimula ng conversation. Pero mas madali ngayon kasi may naisip kaagad ako. Si Nicole kasi 'yung klase ng babae na magsasalita lang kapag kinakausap. Hindi madaldal. Sabi ko nga, masyadong mahiyain.

"Ready ka na ba bukas?"

"Ha?"

Ay. Binigla ko naman ata siya. Hindi niya ako narinig ng maayos.

"Ay 'yung sa play ba? Hmm. Medyo."

Okay. So far so good. Pero hindi niya man lamang ba ako tatanungin kung ready din ba ako para bukas?

"Nanliligaw ka ba kay Tanya?"

Ako naman ang nagulat. Bakit ganun, magkasama lang naman kami ni Tanya ah. Wala namang something sa amin.

"Uy hindi ah. Bakit mo natanong?"

"Wala lang."

Masyado ba kaming close ni Tanya na parang nagmumukha na kaming magjowa? Si Tanya naman kasi masyadong clingy eh. Iba na tuloy ang iniisip ng mga tao sa amin. Baka mahirapan akong magpapansin nito kay Nicole kasi baka isipin niya si Tanya ang gusto ko.

Hindi nagtagal, nakatapos na kami. Inayos na namin sa counter ang mga bagong lutong ulam at tumanggap ng mga order. Ako naman ang naghuhugas ng mga pinagkainan at si Nicole at Carina ang nag-aasikaso sa mga customers. Maghapon ganun ang ginawa namin. Nakakapagod. Halos maghapon akong nakatayo. At si Nicole, parang wala lang. Hindi pa siya pagod sa lagay na 'yon?

"Carina, saan pupunta si Ate Nicole mo?"

"May kukunin daw po siya sa tindahan."

Pagbalik niya, may dala na siyang dalawang malaking basket na puno ng chicharon at balot. Ay oo, magtitinda pa pala siya mamayang gabi. Inaayos na niya ang mga kailangan niya nang dumating na si Nanay Lisa.

"Oh kumusta kayo?"

Halos tumakbo si Carina para salubungin si Nanay Lisa. Tumigil ang isang tricycle na may kargang cases ng softdrinks at mga malalaking karton na maaaring paglagyan ng mga gagamitin nila pagluto. Isa-isa naming binaba at inayos ang mga yon at dinala sa loob.

"Salamat Carlo. Okay ka lang ba?"

"Nakakapagod po pero okay lang."

Gusto ko nang umuwi kasi medyo madilim na. Gusto ko nang magpahinga kasi pagod na pagod na ako. Baka kasi pagdating ko, makatulog kaagad ako. At kapag pagod ako, mahaba-haba ang tulog ko. Baka malate ako bukas.

"Nay Lisa, mauna na po ako."

"Ay teka lang anak, may kailangan akong itanong."

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon