This is it.
The BIG day.
Doomsday na."Miss Avila and Mr. Santiago, please come with me to the contest proper."
Sinamahan kami ni Ma'am papunta sa Homeroom Building. Dito kadalasan nagaganap ang mga activities sa TLE. Sa Large Kitchen kami dinala ni Ma'am, kung saan lahat kami may kanya-kanyang counter na paglulutuan.
Every year, ang Campus Master Chef ang pinakahighlight na activity tuwing Nutrition Month. Dinudumog ito ng mga outsiders, lalo na ng mga chef. Pinaghahandaan kasi ito ng mga estudyante kaya magaganda ang kalalabasan. Kaya kinakabahan na ako, at baka mapahiya ako.
Punung-puno ng mga estudyante at mga outsiders ang balcony ng Large Kitchen. Naghihiyawan sila at nagccheer sa mga kasali dahilan para mas lalo akong kabahan. 15 sections kami sa batch namin kaya 30 kaming lahat na maglalaban laban. Tatlong oras kaming magluluto, tig-iisang oras bawat putahe. Magkatabi kami ni Nicole, pero kahit ngumuso lang ng "good luck" hindi ko magawa. Kinakabahan din kasi ako.
"These 30 students will cook three dishes for us today. They will be judged according to these criteria: 50% presentation and plating and 50% originality and food quality. There will only be one winner who will receive a cash prize of 5,000, a 4-years college scholarship in a culinary school and a trophy."
Grabe. Kaya pala gustong sumali ni Nicole. Dapat siya ang manalo.
"LET THE COOKING BEGIN!"
Appetizer muna kasi yun ang unang isserve. Alam na alam ko na gagawin ko. Kabisado ko na ang timpla nito dahil sa pagpractice ko sa bahay. Sabi nga ni Mama, pwede na daw. Pero wala naman siyang sinabi kung masarap o matabang o may sobra ba. Nakakainis lang. Sa ngayon, dito muna ako magcconcentrate sa niluluto ko.
Tinitingnan ko ang bawat kilos ni Nicole, baka mapaso siya o kung ano. Pero imposible, magaling siya magluto. Ang ganda niya pa rin kahit stressed na siya sa kabila ng mga problema. Sabi ni Papa, ang pagluluto, sinasamahan ng konting pagmamahal. Alam ko, masarap ang maluluto niya ngayon, kasi ginagawa niya ito para sa pamilya niya at para sa sarili niya.
Mabilis na lumipas ang tatlong oras. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Basang-basa ng pawis ang noo at likod ko. Malakas ang kapit ko sa apron ko nang dumako na sa counter ko ang tatlong judges. Yung isang judge ay ang principal ng school at yung dalawang kasama niya, sabi daw, ay pastry chef at isang may-ari ng three-star na restaurant. Mukha silang bigatin. Basta hindi lang ako mapahiya, okay na ako.
Ako ang nasa counter 24, si Nicole naman, nasa counter 25. Sabi sa amin, iaannounce ang champion mamayang 5pm na closing program. Sa oras din na yun iaannounce 'yung ibang winners sa mascot at booth. Nauna nang natapos yung program ng mga elementary. Kami kasi, after ng closing program, may Victory Night pa.
Buong araw na walang pasok. Puros activities lang. Pinuntahan ko yung booth namin sa grounds. Napansin ko kaagad yung karatulang "Shake-our-booth" ng klase namin. Hahaha. Pero hindi ko inakalang bebenta ang sinuggest ni Tani. Pano, saktong mainit ang panahon. Hahaha. Kaya tulong-tulong ang buong klase sa pag-accommodate ng mga customers na nakapila.
Teka, nasaan na ba si crush?
Hinanap ko siya sa buong paligid. Baka sakaling tumatambay sa mga booth. Makulay at masaya ang buong school grounds dahil sa mga booths na ginawa ng mga estudyante. Nakatawag pansin sa akin ang isang PUTObooth kung saan nagbbenta sila ng iba't ibang klase ng puto na nilagyan ng mga designs tulad ng mukha ng baboy, panda at marami pang iba. May magandang concept din yung haBOOTH mo ang mundo dahil nagbebenta sila ng iba't ibang klase ng desserts mula sa ibang bansa. May nakita din akong Patata Banana booth na nagtitinda ng banana split at fries, Hot Chew booth na nagtitinda ng sili ice cream, Bicol Express at laing, at marami pang iba.
Wala. Umuwi na ata. Sarado man kasi ang library. Dun sana ako tatambay. Uuwi na sana ako nang makita ko si Tanya at si Tani na magkasama at umiinom ng shake.
"Tanya, saan si Nicole?"
"Ah. Umuwi na."
"Umuwi na agad?"
Binigyan ako ni Tani ng isang malaking baso ng shake. Pagtikim ko, hmm, melon.
"Oo panget. Magpapahospital daw. Bakit mo natanong?"
Ay oo nga pala, si Carina nasa hospital. Baka siya naman ang magbabantay. Si Tani lang talaga ang hindi ako kayang tawagin sa pangalan ko. Okay lang. Sanay naman ako. Hahaha.
"Kasi awarding na mamaya 'di ba. Hindi ba siya manonood? Baka siya ang manalo."
"Si Tanya nalang daw kukuha para sa kanya kung sakali."
"Nga pala, sinong nagtimpla nitong shake? Masarap ah."
"Si Nicole. Yan 'yung sariling timpla at iniinom niya kanina kaso hindi niya naubos kasi nagmamadali siyang umalis. Sayo na 'yan kasi sayang naman kung hindi mauubos. Sandali, may costumer."
At umalis na nga si Tani papunta sa booth. Kami nalang ni Tanya ang magkasama. Nakangiti ako na parang ewan. Bigla kasing sumarap 'yung lasa ng shake.
"Bakit hindi mo sa akin sinabi?"
"Malay ko. Hindi kasi kita nakita kanina."
"Hindi. Bakit hindi mo sa akin sinabi na nasa ospital si Carina?"
"Hindi ka naman nagtatanong eh. Tsaka iniiwasan mo ko di ba."
"Grabe ka naman. Ang mean mo ata sa akin ngayon."
Ano na naman bang kadramahan nito ni Tanya? Ganito ba talaga ang mga babae. Kahapon gusto akong makausap. Ngayon naman, parang ayaw sa akin. Ang gulo.
"Bahala ka na nga diyan. Hindi kita trip kausap ngayon. Alis."
At binugaw niya pa ako paalis. Grabe lang. Uuwi nalang talaga ako. Napagod na nga ako magdala ng klase namin kanina sa contest, ayaw pa akong kausapin.
************************************************************
"Oh, bakit umuwi ka na? Tapos na?"Kapag late akong nakakauwi, nagagalit. Pag maaga naman, may nasasabi pa rin. Hayy. Mas mahirap silang intindihin kesa sa crossword puzzle.
"Gusto ko pong matulog muna."
Hinayaan na lang muna ako ni Mama at hindi na siya nagtanong pa. Umakyat na ako sa kwarto at natulog na. Mga bandang 7pm na akong nagising at bumaba na ako para magluto.
"Good morning Ma. Magluluto na ako."
"Good morning ka d'yan. Wag ka nang magluto. Sa labas tayo kakain."
Ha. Anung meron?
"Parang nagugutom ako ng pagkain sa labas. Napupurga na kasi ako sa mga luto mo eh. Gusto kong kumain ng masarap."
Kinapa ko noo ni Mama. Bihira lang kasi siyang magyaya na kumain sa labas.
"Ma, anung nakain mo? Nagpadala ba ng pera si Papa para sa pangkain natin sa labas?"
"Wala pa akong kinakain. Tsaka hindi pa nagpapadala Tatay mo. Wag ka ngang madaming tanong. Tara na."
Pumunta kami ni Mama sa Jollibee at nag-order ng mga heavy meals kasi gutom na din ako. Nagtataka pa rin ako kung bakit kami ngayon kumakain sa labas. Hindi ko naman birthday. At lalong hindi niya naman birthday. Ano ba talagang meron?
"Nga pala Ma, tumawag sayo si Papa?"
"Oo, kanina. Hinahanap ka. Sabi ko tulog, napagod ata."
"May sinabi po ba siya sayo?"
"Wala naman. Bakit, may dapat ba akong malaman?"
"Wala po."
Pagkauwi namin, kinuha ko yung straw na ininuman ko kanina ng shake at idinikit sa 'scrapbook' ko. Isinulat ko na sobrang saya ko ngayong araw na to. Bukod sa nagkaroon ako ng mahabang pagkakataon para matitigan ang maamo niyang mukha, nagkaroon pa ako ng first indirect kiss galing sa straw ng shake niya kanina. Pigil akong nagtitili sa kwarto at baka marinig ako ni Mama. Kinikilig ako. Talon ako ng talon sa kama sa sobrang kilig. Kelan kaya yung totohanan kong first kiss sa kanya?
