Secret 10

11 2 0
                                        

Pagdating ng bahay, isinantabi ko muna yung envelope. Saka na 'yon. May kailangan akong gawin. 35 years old na si Mama kaya dapat bongga ang birthday niya. Nakabili na rin ako ng mga kakailanganin ko para sa surprise birthday party ko para sa kanya. Sana, maging maganda ang kalalabasan.

Nagawa ko na ang pinakaunang hakbang, ang magpagawa at magpadala ng mga invitation sa mga kapitbahay at kamag-anak namin. Lahat sila nagsabing makakadalo kaya sinabihan ko sila na maging tahimik lang muna para hindi masira ang surprise.

Ikalawa, bumili na ako ng mga ingredients para sa mga lulutuin ko. Mga ordinaryong handa lamang ang lulutuin ko katulad ng fried chicken, spaghetti, barbeque at magbabake rin ako ng cake. Naghanda rin ako ng graham balls, refrigerated cake, homemade cookies at mango pudding. Natapos ko na 'yung limang dessert. Lahat na nakatambay sa ref. Bukas ready na 'yon.

At ikatlo, gumawa ako ng malaking birthday banner. Mahilig si Mama sa butterflies kaya overdecorated ng iba't ibang klase ng paru-paro ang banner. Ipapadikit ko nalang sa mga bisita pagdating.

"Carlo, siguro kakain nalang tayo sa labas bukas. Sabi kasi ng magaling mong ama, hindi raw siya makakapadala kasi wala pa raw siyang pera. Eh wala pa siyang pinapadala mahigit dalawang buwan na tapos sasabihin niya sa akin walang pera? Sa tingin mo Carlo, niloloko na kaya ako ng Tatay mo?"

Kung alam niya lang, kinuha ko na kay Papa yung padala. Kasabwat ko siya sa surprise eh. Siguraduhin ko lang daw na hindi palpak ang kalokohan ko.

"Baka matulad tayo kila Tani. Huwag naman sana."

Kasali sa mga plano ko ang movie marathon. Pagkatapos namin kumain ng hapunan, manonood kami ng mga horror movies  na hindi niya pa napapanood. Nanghiram ako ng mga dvd sa mga kaklase ko. Naglatag ako ng kutson sa living room para mas kumportable kami. Gusto niya daw mapanood ang The Conjuring, Annabelle, Chucky, The Grudge at marami pang iba. Sabay kaming manonood para hindi niya mahalata na may pinagkakaabalahan ako.

Mahilig siya sa horror kahit sobrang takot na takot na siya sa nakikita niya. Kapag nakakatakot 'yung eksena, nagtatago siya sa kumot. Kapag nagugulat siya, natatapon niya 'yung kinakain naming popcorn. Sobrang lakas din ng sigaw niya kapag natatakot na siya. Nakakabingi na nga. Sumasabay pa siya sa tahol ng mga aso ng mga kapitbahay namin.

************************************************************
Maaga pa lang, ginising na ako ni Mama.

"Hoy, bangon na. Maglalakwatsa tayo."

"Ma, 6am pa lang. Matulog ka na muna."

"Ano? May pupuntahan tayo. Dalian mo."

Gusto ko pang matulog. Paano, hindi ako nakatulog kagabi sa katitili niya. Nakakainis.

"Saan ba tayo pupunta?"

"May libreng paZumba sa harap ng mall. Dali!"

Feel ata ni Mama magjogging ngayon kaya nagsuot siya ng mga pangworkout na outfit. Ako naman, nagsuot lang ako ng simpleng shorts at polo shirt. Wala akong maisip na pwedeng isuot eh. Baduy talaga ako. Pero bago kami umalis, nag iwan ako ng note sa ref.

Pumunta muna kami sa harap ng SM at sumali sa mga sumasayaw ng zumba. Nakakapagod pero enjoy. Punung-puno ng energy ang mga kasamahan namin. May mga nakilala rin si Mama na mga agong kaibigan at nabigyan pa siya ng special mention nung fitness instructor na birthday girl kaya halos lahat sila bumati kay Mama. Pagkatapos ng exercise namin, tumambay muna kami sa Wildlife, isang zoo at dun na rin kami naglunch. May ilog din doon kung saan nagbangka kami ni Mama habang namimingwit. Nagrenta din kami ng bisikleta para malayang makalibot sa buong zoo at pinanood ang mga hayop. Naghorseback riding din kami at kinahapunan, nag-arcades kami sa mall, sumakay sa mga rides at nag-uwi ng iba't ibang prizes.

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon