Secret 4

18 2 0
                                    

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nakiusap na nga ako kay Ma'am na palitan nalang ako, hindi pa rin siya pumayag. Parang wala na talaga akong choice. Hayss.

Sabi ni Ma'am, maghanda raw kami ng tatlong putahe. Appetizer, main dish at dessert. Filipino cuisine dapat. Wag na daw kami magproblema sa mga ingredients at equipments dahil sila na lang daw magbibigay. Hindi rin kami magtatrabaho bilang isang team ni Nicole. Ibig sabihin, ako ang magluluto ng tatlong putahe nang mag-isa at sa harap pa ng maraming tao.

"Hoy. Anong itsura yan? May problema?"

"Ma, paano ba magluto?"

"Bakit, para saan ba yan?"

"Ahm. Pinili ako ng klase na maging representative sa Campus Master Chef. Eh hindi ako marunong magluto."

"Hindi ka naman pala marunong. Bakit ikaw ang pinili?"

"Ewan ko."

"Eh 'di mag-internet ka. Uso ang google anak. Marami sa youtube."

"Oo pero dagdagan mo ang allowance ko para may pang-internet ako sa labas."

"Joke lang. Hindi pwede. May pinag-iipunan ako."

Hay.

"Maaaa, sige na. Ano bang pwede kong gawin? Ayaw kong mapahiya."

"Kausapin mo Tatay mo. Baka nakakalimutan mong cook siya ng hotel. Doon ka magpaturo."

Siyanga ano? Automatic akong napangiti. Nakalimutan kong paganahin ang utak ko. Tumakbo ako papunta sa malapit na computer shop at nagskype.

Kahit malayo si Papa, lagi siyang gumagawa ng oras para sa amin. Isang beses lang sa kada tatlong taon siya umuwi at isang linggo lang ang tinatagal niya kapag nandito siya kaya lagi namin siyang tinatawagan.

"Papa!"

"Oh anak, grabe ang ngiti ah. Nakasakay ako sa bus ngayon papuntang trabaho. Tinawagan ako ni Mama mo kanina, sabi niya may kailangan ka raw. Kumusta ka?"

"Okay lang naman po. Masaya naman."

Half-truth 'yon. Mas masaya sana kung pwede ako mag-girlfriend.

"Magtatapos ka na ah. Napag-isip-isip mo na ba kung anung kurso mo pagcollege?"

Hindi ko pa yan naiisip. Iba kasi ang laman ng isip ko eh.

"Hindi pa po. Pero Pa, turuan mo ko magluto."

"Aba. May susunod sa yapak ko ah. Sige anak."

May tatlong linggo pa akong pwedeng paghandaan para sa contest. Binilin sa akin ni Papa 'yung mga naiwan niyang cook books sa bahay at nagbigay ng kaunting tips sa pagluluto. Pinag-aaralan kong maigi ang tamang paggamit ng kutsilyo, pagpili ng mga magagandang klase ng gulay, karne at prutas, pagtimpla ng mga seasonings at marami pang iba. Nagreresearch ako ng mga cookbooks sa library tuwing libre ang oras ko sa school, tumatambay ako sa palengke upang pagmasdan kung paano magkiskis ng isda at humiwa ng karne ang mga tindero. Nanonood din ako ng mga cooking shows sa tv at minsan, ako na ang nagluluto ng hapunan sa bahay kapag maaga akong nakakauwi.

Kahit mahirap, natututo naman ako. Sa bawat araw ng paghahanda, bumabawas ang kaba na nararamdaman ko. Basta ayaw ko lang mapahiya pa. Dumarami na ang mga sugat, paso, at tilamsik ng mantika sa balat ko, pero nagpapractice pa rin ako.

Busy din ang buong klase sa paghahanda para sa booth namin. Balita ko, Shake-Our-Booth daw ang sa amin para daw tunog-kakaiba. Kalokohan ni Tani. Magbebenta raw kami ng iba't ibang fruit shake at pearl coolers. Sabi nga ng iba, tag-ulan na, bakit daw shake pa. Katwiran naman ni Tani, eh di kayo na mag-isip. Wala naman nang nagsuggest pang iba kaya tuloy na ang naisip niya.

'Yung mga babae naman, sila naman ang nag-aasikaso ng mascot namin. Si Tanya ang lider. 15 lang ang mga babae sa 50 students na nasa klase namin kaya tulong-tulong sila sa pagpaplano at pagpipinta. Isang life-sized na superhero ang natapos nila nang makita kong pinagbubuhat ng mga kaklase ko patungo sa hallway na magsisilbing sentro ng atraksyon sa mga dadalong bisita. Sa lahat ng mga nakita kong mascot doon, pakiramdam ko, mananalo kami. Ang galing kasi ng pagkakagawa. Isang magandang diwata na ubas ang korona, balimbing na mga hikaw, damit na gawa sa anahaw leaves, nakayapak at may hawak na mga bulaklak.

Sabi sa amin ni Ma'am, ang section daw na may pinakamaraming nahakot na awards sa mga contests ay tatanghaling overall champion. Sana, kami 'yon.

"Huy Carlo. Iniiwasan mo ba ako?"

Hinihingal pa siya. May mga bakas pa siya ng pintura sa mukha at pawis na pawis. Hinabol niya ata ako.

"Ang drama mo. May pupuntahan pa ako."

"Galit ka ba sa akin? Sorry na. Sasabihan ko na talaga si Ma'am na alisin ka na sa listahan. Matagal na kitang gustong makausap kaso hindi kita mahagilap eh."

Kung alam niya lang na masyado lang akong nag-eenjoy sa paghahanda ko para sa big day. Hehe.

"Huwag na. Huli na ang lahat. Bukas na ang contest. Bahala na kung anong mangyari bukas. Nakakahiya naman kung walang representative sa section natin. Kaya ako na. Ako nalang. Alis na ako."

"Pero Carlo--"

Sa loob-loob ko, tumatawa ako. Siguro napeke ko siya na hindi pa rin ako makamove on sa ginawa niya. Hehe.

Pumunta ako sa kainan nila Nicole. Hindi na kasi pumapasok si Nicole. Ayokong magtanong kay Tanya kasi papanindigan kong iniiwasan ko raw siya. Pasimple akong bibili ng ulam at kukumustahin si Nanay Lisa. Medyo matagal-tagal na din mula nang bumisita ako sa kanila. Naabutan ko siyang nagbibilang ng benta.

"Nay Lisa, kumusta ho?"

"Aba, hindi kami masyadong maayos ngayon. Matumal ang benta nitong mga nakaraang araw. Medyo namomroblema rin kami ngayon."

"Bakit po?"

"Nasa ospital ang bunso ko. Dinapuan ng dengue. Doble kayod kami sa trabaho ni Nicole para may maipambayad sa ospital. Naglalako na rin ng ulam si Nicole sa mga opisina sa bayan para madagdagan ang kita namin kahit papaano."

Nakakalungkot naman. Kaya pala. Naalala ko, noong namatay ang tatay niya, mahigit isang buwan siyang absent. Nakita ko siyang naghihintay sa labas ng City Hall at may dalang mga papeles. Sabi ng Nanay, nakiusap daw siya noon kay Mayor na tulungan silang makabangon. Binigyan sila ni Mayor ng kapital upang makapagnegosyo. At itong kainan na ang bumubuhay sa kanila.

"Sige po. Ikumusta nyo nalang po ako kay Carina, sana po gumaling siya agad."

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon