Parang ayaw kong pumasok. Kinakabahan ako. Ano kayang pag-uusapan namin ni Tani?
Baka naman bubugbugin ako kasi alam niyang may gusto ako sa gusto niya...
Tapos isasalvage ako hanggang sa umamin ako...
Tapos kapag nagdeny ako, pupugutan ako ng ulo...
Tapos ilalagay sa ref namin para takutin si Mama...
Tapos itatapon ang katawan ko sa katabing sementeryo...
Tapos kakainin ng mga askal at mga pusang gala ang mga laman loob ko...
Tapos dahil dun, makakapanligaw na si Tani nang matiwasay...
Tapos siya na ang uupo sa upuan ko katabi si Nicole...
Tapos sasagutin na siya ni Nicole...
Tapos magpapakasal sila...
Tapos naghoneymoon...
Pero hindi natuloy ang honeymoon nila, kasi minulto ko si Tani...
Pinatay ko siya sa sindak...
At matatahimik na ang kaluluwa ko habang nasusunog siya sa impyerno!
"BWAHAHAHAHAHAHA!"
Kalokohan. Hindi naman ata mangyayari ang nasa isip ko. Hanggang tukso lang naman siya eh. Pero pagdating sa suntukan, wala. Weak. Palibhasa gwapo, ayaw na nadudungisan ang mukha.
"Hoy Carlo, ayos ka lang?"
Ay ano ba. Nasa gate na pala ako ng school. Bakit ba ang epal ni Tanya?
"Oo naman. Ayos lang ako."
"Para ka talagang baliw. Pero huy, penge nga ako ng number mo."
"Number? Wala akong cellphone."
"My goodness! 21st century na wala ka pa ring cellphone? Ang ganda ng bahay niyo, ang yaman yaman niyo, wala kang cellphone?! Niloloko mo ba ako?"
"Wala talaga. Promise. Hindi ko feel magcellphone. Nakakatamad magtext."
Sino naman kasing magtitext sa akin? Wala naman akong masyadong kaibigan. Kung emergency man na may naghahanap sa akin, nasa bahay lang ako palagi. Hindi ako naglalakwatsa kaya imposibleng mawala ako. Kaya hindi ko na kailangan ang cellphone.
"Ewan ko sayo. Nga pala, anong sabi sayo ni Tani?"
Binuksan ko yung 'scrapbook' ko at pinakita kay Tanya. Idinikit ko na kasi dun yung mga pictures at naglagay ng konting caption.
"Tanyaaa, bakit kaya kakausapin ako ni Tani?.May ideya ka ba kung ano?"
"Ewan ko."
"Tanya naman. Di ba close kayo? May sinabi ba siya sayo?"
"Ang sabi niya ibigay ko daw sayo. Huwag ko raw buksan. 'Yun lang. Pero wow ha, isa lang ibig sabihin ng mga pictures na to. Alam niyang may gusto ka kay Nicole."
"Eh ano naman kung alam niya?"
"Basta alam kong parehas kayong may gusto sa iisang babae. Pero hindi ko talaga alam kung bakit kailangan niyo pang mag-usap."
************************************************************
Ayoko ng ganito.Hindi ako matahimik. Pabalik-balik ako ng CR sa sobrang kaba. Ayaw na ayaw ko talagang may nakakaalam ng sikreto ko. Yung kay Tanya nga eh, halos takot na takot ako, ito pa kayang kay Tani. Kinakabahan ako dahil parehas kaming may gusto sa iisang babae. Sigurado ako, marami din nagkakainteres kay Nicole bukod sa akin, pero bakit ako lang ang kakausapin niya? Siguro ba dahil ang pinagkaiba ko lang sa kanila ay mas seryoso ang pakiramdam ko kaysa sa iba? Ay ewan ko ba.
Kahit hindi ko sinasabi sa lahat na type ko si Nicole, may nakapansin pa rin sa akin. Siguro dahil arehas kaming lalaki kaya malamang, mapapansin niya.
Inutusan muna ako ni Ma'am na magcheck ng mga papel. Tapos nirecord ko na rin pagkatapos kong iarrange according to scores. Basang-basa ng pawis yung kamay ko. Nakailang tanong din sa akin si Ma'am kung okay lang daw ba ako. Ewan ko. Siguro magiging okay ako kapag tapos na ang pag-uusap namin.
Dito muna ako sa library. Magpapalamig. Magbabasa. Magpapahinga. Pakagaling ko ng canteen para bumili ng pagkain, dito na ako nagpunta. Hindi ko talaga kasi alam kung ano ang pag-uusapan namin.
"Oh. Nandito ka na pala. Mabuti naman."
Masyado siyang seryoso. Mas lalo akong kinabahan.
"Bakit ba? Ano bang gusto mong pag-usapan?"
Umupo siya sa harap ko. Tumingin siya sa akin ng diretso.
"Alam mo namang gusto ko si Nicole di ba. Bakit ba pumapapel ka?"
Hala. Wala naman akong ginagawa ah.
"Tapos pinanglinis mo ako ng kubeta! Nang dahil sayo, narumihan ang mga kamay ko, naging janitor ako, nawalan ako ng oras sa mga barkada ko, napagod ako ng sobra-sobra at walangya, nasira ang mukha ko nang dahil sayo!"
"Kasi ang kapal ng mukha mo! Sinuntok kita para matauhan ka sa mga pinaggagawa mong kalokohan!"
Matalim na ang tingin niya sa akin. Ako naman nakahanda nang manuntok. Gusto niya ata ng gulo eh. Pwes pwede ko naman siyang pagbigyan.
Napapansin na ata ni Miss Librarian na umiinit na ang pag-uusap namin. Nakasalubong ang dalawang kilay niya at nagwwarning na siya sa amin.
"Joke lang naman. Peace na tayo."
Walangya. Ang lakas mantrip. Isa pang joke susuntukin ko na talaga siya.
"Woah woah. Baka masuntok mo na naman ako. Hindi na ako magbibiro. Promise."
"Ano ba talagang sasabihin mo?"
"Ginagawa ko talaga lahat para magustuhan ako ni Nicole."
So?
"Pero wala eh. Parang lahat ng ginagawa ko basura. Hindi ko makuha ang loob niya."
Siguro kailangan niyang maglabas ng hinanakit. Siguro naghahanap lang 'to ng kausap.
"Baka naman kasi ano, wala pa sa isip niya ang magboyfriend. Maghintay ka ng tiyempo. Baka sakaling tanggapin niya."
"Eh ikaw, anong tingin mo sa kanya?"
"Ano bang ibig mong sabihin?"
"Gusto mo ba siya?"
Hala.
"Ah hindi ah."
"Anong hindi?"
"Hindi kaya. Baka OA ka lang."
"Ganun ba. Akala ko kasi ikaw ang gusto niya kaya hindi ako mapansin ni Nicole. Hmm buti naman."
Ha? Sana nga eh no. Pakiramdam ko namumula ako.
"Ano ka ba naman. Hindi nga kami close eh. Eh di subukan mong gumawa ulit ng paraan."
Pero sa totoo lang, self-inflicting yung sinabi ko. Wew.
"Kapag napasagot ko si Nicole, masaya na ako. Kinukwento ko siya kay Daddy na sana balang araw maipakilala ko siya na girlfriend ko. Pero hindi ako tutulad kay Daddy, mamahalin ko si Nicole hangga't kaya ko."
Okay. Eh di ikaw na.
"Pero ano na ba talaga? Bakit mo ba talaga ako gustong makausap?"
"Bukod sa gusto kong malaman kung close kayo, ngayon pa lang sinasabi ko sayo, akin lang siya. Huwag kang manliligaw. Ako lang."
Ano bang karapatan niya para pagbawalan ako? Wala naman siyang pinanghahawakan ah.
"Bahala ka. Hindi naman ako nakikikumpitensya eh."
"Talaga lang. Usapan natin yan ah. Deal?"
"Okay sige."