Secret 3

21 2 3
                                    

Pag-uwi ko ng bahay, nakaabang na si Mama sa gate. Halatang galit. Pero nakahanda akong magpaliwanag. Habang naglalakad, nagdadasal ako na sana tanggapin yung dahilan ko.

Masyadong istrikto ang Mama ko. Only child kasi ako at kami lang dalawa sa bahay. Si Papa, abroad. Minsan, natututo akong magsinungaling dahil sa paulit-ulit kong dahilan. Eh totoo naman, kaso ayaw maniwala. Kaya gumagawa ako ng bagong dahilan. Tapos yung mga gawa-gawa kong dahilan, yun pa ang tinatanggap.

"Alas singko ang dismiss ng klase mo. 7:30 na. Bakit ngayon ka lang?"

"May pinagawa po kasi sa akin yung teacher ko. Kaya natagalan. Pasensya na po."

"May babae ka siguro noh?"

Literal na bumuka ang bibig ko.

"Mama naman. Kung makahinala parang ang gwapo ko. Tsaka wala po akong babae. Itsura kong ito? Wala pong tatanggap na babae sa mukha ko."

"Ha. Siguraduhin mo lang. Kebata bata mo pa. Saka na yang ligaw-ligaw na yan. Kapag tapos ka na."

Araw-araw ganito palagi si Mama. Bawal magpagabi. Wag maglalakwatsa, bahay at school lang. Wag masyadong magbabarkada. Mag-aral daw ng mabuti. At lalong huwag magjjowa. Tumulong sa mga gawaing bahay, etc etc. Ang daming pangaral.

Akala ko nga hanggang sa pagkain namin ng hapunan eh hahaba pa ang sermon sa akin ni Mama. Nung isang gabi kasi, nagkwento siya na yung anak nung isang kapitbahay namin, buntis. Kasing-edad ko lang. Paulit-ulit niya akong sinasabihan na mag-iingat daw ako at huwag gagaya sa kanila.

"Anak, dumadami yata ang mga pimples mo. Sa sobrang puyat siguro 'yan."

"Hindi po. Ganito po talaga siguro kapag nagbibinata."

"Hindi eh. Masyado kasing malalaki yung iba. Tulad niyang nasa noo mo. Halika, lapit ka at nang matiris ko."

"Ma naman, kumakain tayo. Kadiri ka naman."

Ang daldal ni Mama ngayon, pati tighiyawat ko napagdidiskitahan. Pero sa totoo lang, malala na din talaga kasi 'yung iba. Grabe talaga kasi, parang binomba. Siguro isa na din to sa mga dahilan kung bakit wala akong lakas ng loob na kausapin si Nicole at wala akong gaanong kaibigan. Naghihilamos naman ako gabi-gabi, naglolotion, at nagsasabon ng papaya soap para kahit papaano, kuminis naman ako. Kaso parang walang epekto.

Naghilamos ako pagkatapos kumain, nilagyan ng ointment ang mga tighiyawat at baka sakaling gumaling. Sana kuminis na ako.

************************************************************

Kinaumagahan, sinalubong ako ni Tanya. Akalain mo yun, naging close kami dahil lang sa diary ko na muntik na niyang ilaglag sa bintana.

First time kong malate. Sobrang nakakahiya. Sabi ni Tani nakakabadtrip daw ako. Wala daw siyang makopyahan ng assignment. Buti nga sa kanya.

Dumiretso ako ng library pagdating ng recess. Pumili ako ng pwesto at naidlip nang sandali.

"Huy Carlo, kumusta?"

"Ano ba Tanya, gusto kong magpahinga."

"Bawal matulog dito. Mag-usap muna tayo."

Matutulog na nga lang, may istorbo pa.

"Puyat ako. Please, give me a break."

"Give me a break ka d'yan. Bakit ka ba napuyat?"

"Bastaaaaa."

"Anung basta? Patingin nga ng diary mo."

Ginugulo niya ako dahil gusto niyang makita ang diary ko?

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon