Secret 7

7 2 0
                                    

"Pa! Ako nanalo oh, tingnan mo tong trophy ko, ang ganda!"

Oo na, ako na ang mayabang. Paano kasi, dala dala ko itong trophy sa computer shop para pagskype ko, makita niya agad. Magpapasama sana ako kay Mama para hindi masyadong nakakahiya kaso pag uwi ko, wala siya. Nasa palengke siguro o nasa katabing bahay na naman nakikipagchismisan. Pero okay lang 'yun, basta maipakita ko kay Papa ang pinaghirapan ko.

"Aba. Sinasabi ko na nga ba, manang-mana ka talaga sa akin. Congrats anak. Proud ako sayo. Huwag kang tutulad sa Nanay mo ah, hindi marunong magluto."

Grabe. Nilait si Mama.

"Hoy Castor! Kahit papaano marunong akong magprito!"

Nabigla ako nang biglang sumigaw si Mama sa likod ko. Lumingon halos lahat ng tao sa amin. Nakakahiya naman. Nandito rin pala siya sa computer shop. Nagffacebook na naman siguro.

"Ma, kanina ka pa dito?"

Hindi na ako sinagot ni Mama. Pero nakipagsagutan siya kay Papa.

"Marunong nga magprito, sunog naman."

"At least nakakain pa rin."

Oo talaga. Kung hindi de lata ang ulam namin, minsan prito. Kapag hindi na makain ang niluto niya, bibili nalang kami sa labas. Pero okay lang, marunong din naman siya magluto ng noodles at magpakulo ng tubig. Nag-iinit din siya ng mga ready-to-eat meals kaya kahit paano, nakakakain pa rin kami. Pero ngayon, dahil marunong na ako, ako na ang magluluto para sa amin.

Okay lang naman ang pag-uusap naming buong pamilya kahit pa nagkapikunan sina Mama at Papa. Baka daw may babae si Papa kaya bihirang umuwi, o kaya si Mama baka may kinakasama raw dito kaya bantayan ko raw, at pati ako napangaralan din na mag-aral ng mabuti, tapusin ang high school, at marami pang iba.

"Nga pala anak, tatanggapin mo ba yung mag-aaral ka ba sa isang culinary school gamit ang scholarship mo?"

"Pag-iisipan ko pa po."

"Kunin mo na. Para magkasama na tayo dito."

"Paano po si Mama?"

"Ipepetisyon ko rin siya dito."

Parang gusto ko na ayaw ko. Magulo pa ang isipan ko. Masaya ang buhay ko dito, at ayoko na basta basta na lang ako aalis.

"Pero babalik pa rin po ba tayo dito?"

"Oo naman. Parang magbabakasyon lang dito. Matagal na bakasyon."

************************************************************
The idea of leaving hurts me so much.

Naisulat ko agad to sa 'scrapbook' ko. Nakakalungkot. Kapag tinanggap ko yung opportunity, may mga maiiwan ako. Si Tanya, si Nanay Lisa, si Nicole. Tatlong tao lang sila pero malaki na ang bahagi nila sa buhay ko kasi sila lang naman ang mga kaibigan ko. Kahit pa may facebook, instagram o e-mail, iba pa rin talaga yung nakakausap ko sila at nakikita. Maaari kasing may mga bagay pa rin silang hindi nasasabi o pinipiling itago na lang para hindi ako mag-alala. Katulad ni Nanay Lisa, na pilit pinapalakas ang loob kahit may problema. Kakakilala ko lang kay Tanya, tapos iiwan ko lang pala para sa mga pangarap ko at si Nicole, ang babaeng matagal ko nang hinahangaan pero ngayon ko lang nakaharap at nakausap.

Hindi biro ang apat na taon na hindi ko sila makikita. Maraming pwedeng magbago at mangyari. Pero ang kamalian sa iniisip ko, eh masyado pa ngang maaga, pinoproblema ko na agad.

"Mr. Santiago, please write this on the board. Class, please copy."

Heto na naman, tagasulat na naman ako sa board. At dahil maliit ako, kumuha ako ng upuan at nagsimulanh magsulat sa pinakataas na parte ng board para hindi masayang ang espasyo. Inabot na sa akin ni Ma'am yung librong pagkokopyahan ko. Math ang subject namin ngayon. Umalis muna si Ma'am sandali.

Tatlong pages ang pinapasulat sa akin ni Ma'am. Hindi pa ako bahagyang nakakatapos ng first sentence nang bigla akong tamaan ng eraser sa ulo, dahilan para mahulog ako sa kinatatayuan ko at matapon sa ulo ko ang makalat na chalkboard. Nabiktima na naman ako ng mga pasaway. Tsk tsk. Nagtawanan sila ng malakas. Grabe. Ito na ata ang pinakamasamang pagpapahiya na ginawa sa akin.

"May nakadikit sa likod mo oh! Basahin mo kaya."

At nag-apir pa sila sa isa't isa. May kapirasong papel nga at may nakasulat na, "hit me if you see me ugly".

Kilala ko ang handwriting, si Tani ang may kagagawan nito. Nagpagpag ako sa ulo ng mga chalkdust at sa sobrang galit ko, sinugod ko si Tani at sinuntok siya sa panga. Natigil ang tawanan ng mga kaklase ko at pilit kaming inaawat. Sinuntok ko siya nang paulit-ulit dahil sobrang nasaktan na ako. Di bale nang tawagin niya akong pangit, pero yung mandamay siya ng iba para lang masaktan ako ibang usapan na yon. Ano bang ginagawa ko sa kanya?

"Stop it! Santiago and Cruz, please come with me to the guidance office. Now!"

Nagdudugo ang ilong ni Tani. Dinala muna si Tani sa clinic para mabigyan ng karampatang lunas. Ako naman nauna nang dinala sa Guidance Office kasama si Ma'am at si Grace, ang class president namin para makapagsumbong.

Magkakarecord na ako ng disciplinary action. Lalo na at ako ang nagsimula ng gulo.

"Inutusan po ni Ma'am si Carlo na magsulat sa board bago siya umalis. Pagtayo po ni Carlo, may nakadikit nang papel sa likod niya. Yung isa po naming kaklase, si Chris, siya po ang bumato ng eraser kay Carlo tapos yung iba naman po nagtapon ng crumpled papers. Basta ang nakita ko po, sinugod ni Carlo si Tani at sinuntok. Yun lang po."

Mataray akong tiningnan ng guidance counselor.

"Totoo ba yun Santiago?"

Tumango na lang ako. Dumating na si Tani at may bakas pa ng dugo ang uniform niya. Binigay naman ni Grace kay Ma'am Guidance yung papel na naidikit sa likod ko.

"Sino ba ang nagdikit nito kay Santiago?"

"Hindi ko po alam Ma'am. Hindi naman po namin nakita kung sino."

"Cruz, ikaw ba ang may gawa nito?"

"Ha? Hindi po Ma'am. Wala naman nga pong nakakita sa akin na ako ang may gawa. Inosente ho ako. Di ba? Di ba?"

Maangas pa rin ang tingin ni Tani sa sarili. Kinampihan din siya ng mga barkada niyang nakikiusyoso sa amin. Sa ngayon, ako ang tinuturong bad guy dito.

"Ikaw Santiago, bakit mo sinuntok si Cruz?"

"Kasi po siya lang naman ang pwedeng gumawa nito. Matagal niya na po akong nilalait at binubully. Nagdilim po ang paningin ko dahil sobrang nakakainsulto ang ginawa niya."

"Santiago, hindi pa natin napapatunayan kung si Cruz nga ang nagsimula ng gulo. Pero yung ginawa mo, maaring makasama 'yun kay Cruz. Kung hindi kayo naawat kaagad, baka mabalian ng ilong o mafracture ang panga niya sa impact ng suntok mo, dapat--"

"Alam ko po na siya yun dahil kilala ko po ang sulat niya. Alam ko po na ako ang pinagmumukha niyong masama dahil ako yung hindi nagrabe sa suntukan namin kanina. Lagi na lang kayong concerned kay Tani, paano naman ho ako? Halos araw-araw tinatawag niya akong pinapahiya, pero hindi ako makapagsumbong dahil hindi niyo naman nakikita. Hindi kayo maniniwala. Ang sa akin lang po, naipon na yung sama ng loob ko kaya hindi na po ako nakapigil. Ako naman po sana intindihin niyo. Nasaktan din naman po ako."

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon