Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school. Naglakad lakad muna ako sa hallway at napansin ko ang maraming kalat sa grounds. Siguro dito naganap yung Victory Party kagabi.
Binati ako nung guard na kakarating pa lang. Sabi niya ang aga ko raw. Baka raw late dumating ang mga estudyante kasi puyat at pagod sa maghapong activities kahapon. Maya maya dumating na rin yung librarian at binuksan ang library kaya tumambay muna ako. Hindi ko namalayan na nakatulog ako at humahangos ako papuntang classroom kasi baka dumating na si Ma'am.
"Oh Mr. Santiago, our newest Campus Master Chef, is here."
Ha? Ano daw?
Binati ako ng mga kaklase ko at inabot sa akin ni Ma'am yung trophy at mga prizes. Nagkaroon ng mini-awarding sa klase at kumuha ng class picture si Tani gamit ang dala niyang DSLR.
"Bakit wala ka kahapon nung closing? Sayang. Hinahanap ka sa akin ni Sir Principal. Gusto ka daw kasing makausap nung isang judge. Yung pastry chef."
Matagal bago sa akin nagsink-in yung balita. Ako nanalo? Weh?
"Bakit daw po Ma'am?"
"Hindi ko alam. Basta mamaya pumunta ka sa Principal's office."
Parang hindi ako makapaniwala. Ang ginawa ko lang naman eh sana wag akong mapahiya pero ako pa tuloy yung nanalo. Nakita ko si Nicole, nakangiti, parang masaya din para sa akin. Nabalitaan ko rin na nanalo yung Nutrition Mascot namin kaya kami ang overall champion. Masaya ang lahat dahil exempted kami sa TLE exam, katulad ng ipinangako ni Ma'am sa amin.
"Sayang naman Carlo, wala ka kagabi. Ang saya ng Victory Night. May sayawan sa buong grounds at pati sila Ma'am nakisaya din sa amin. Ang problema nga lang para kaming mga kambing kagabi. Biruin mo, puros gulay yung ulam namin sa hapunan na boodle fight. Eeew. Hindi pa naman ako kumakain noon."
Todo kwento si Tanya sa akin habang naghihintay kay Ma'am. Maingay ang buong klase. Yung iba nagdadaldalan, naghahabulan, nagssoundtrip, at nagkakalat. Magulo ang mga upuan, yung mga pasaway naman nagdadrawing sa board at nagpapashoot ng mga maliliit na chalks sa lalagyan nito at yung iba nagbabatuhan ng papel. Naturingan pa naman na first section, ang gugulo naman.
"Tsaka kagabi, tinawagan daw ni Ma'am si Mama mo na sabihan ka raw na nanalo ka. Akala ko nga alam mo na eh. Pero halata naman sa itsura mo na hindi ka nasabihan at nabigla ka pa kanina eh."
Ha? Alam ni Mama? Kaya pala nagJollibee kami kagabi. Para akong bata na nakaperfect lang ng exam, may happy meal na.
"Wala naman kasi si Nicole eh. Wala akong tititigan."
"Grabe ka naman. Puros ka na lang Nicole."
"Crush ko eh. Alangan naman na si Tani ang lagi kong topic di ba."
Nakita ko si Nicole na nakaupo sa isang sulok. First time kong makita siyang ganun na parang maiiyak at tulala. Okay lang ba siya?
"Uy Tanya, anung problema ni Nicole?"
"Nanghihinayang daw siya. Sayang daw hindi siya nanalo. Pambayad daw sana sa ospital yung mapapanalunan niya. Pahihiramin ko sana siya ng pera pero ayaw niya. Nakakahiya daw kasi hindi niya pa nga daw nababayaran yung iba. Eh sabi ko naman kahit hindi na niya bayaran. Sabi ko kalimutan na niya 'yung mga utang niya kasi gusto ko lang naman makatulong pero ayaw niya talaga."
At napansin ko ang pagpahid niya ng luha gamit ang mga kamay niya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak. Gusto ko siyang yakapin pero di ko kaya. Hanggang tingin lang ata ako.
"Icomfort mo yang best friend mo. Yakapin mo siya para sa akin."
************************************************************
Bago umuwi, dumaan muna ako sa Principal's Office. Bakit kaya ako gustong kausapin ni Sir?
