Secret 13

12 2 0
                                        

"Hoy babaeng mataba, bakit mo nilagay sa ref ang salamin ko?!"

"Kasi mas gwapo ka kapag walang salamin kaya tinago ko."

Bwisit na Tanya yan. Alam ko siya lang naman gagawa noon eh. Imbis na maupo muna sa sala, sa kusina siya kaagad magpupunta. Tapos pagkain agad ang hanap. Tapos 'yun pala may gagawin na kalokohan.

"Gwapo ka d'yan. Wala akong pakialam. Alam mo namang GC ako masyado. Napagod ako kakahanap. Hindi pa naman ako makapagreview kapag wala 'to!"

"Basta sanayin mo na ang sarili mo na wala kang salamin. Tatak yan ng pagiging nerd eh. Hindi naman bagay sayo ang nerd. Tsaka pagupit ka na. Parang gubat yang ulo mo eh."

"Ewan ko sa'yo. Hindi na kita papapasukin sa bahay."

"Uy joke lang. Promise, hindi ko na talaga itatago salamin mo. Hindi na rin ako magpapasaway sa bahay niyo."

Huh. Para may makain. Para akong may alaga na tagakain ng mga tira namin eh. Pero at least may matino na akong tagalasa ng mga niluto ko. Hindi tulad ni Mama na puros 'pwede na' ang sinasabi.

"Talaga?"

"Oo. Magpapakabait na ako."

Ang kulit niya. Parang si Tani eh. Speaking of the devil, biglang dumating ang loko, may dalang gumamela. Kaaga-aga, pumipitas ng bulaklak sa school garden. Napansin ko rin na medyo mapula ang kaliwang tenga niya.

"Nahuli na naman siguro ni kuyang gardener. Kinurot ata yung tenga. Hindi na natuto si Tani eh. Wala ba siyang pambili ng bulaklak?"

Late 'yun darating si Nicole tapos ang aga niyang nag-aabang. Pagdating ni Nicole, sigurado akong lanta na bulaklak niya. Hahaha. At tama nga ako, late dumating si Nicole at hindi na niya naibigay. Sino ba namang tatanggap nung lanta niyang bulaklak?

Filipino na ang subject. Ito ang last subject namin kapag hapon. Medyo excited ang lahat sa pagdating ni Sir kasi kahapon, sabi niya sa amin, may good news daw siya. Pinag-uusapan si Sir Filipino buong araw kaya ngayong nandito na siya, nakinig na ang lahat.

"Class, sa ikatlong linggo ng buwan idadaos ang pagtatapos ng Buwan ng Wika. Lahat ay inaasahang makilahok sa mga patimpalak na inihanda ng paaralan para sa inyong lahat. Ang klaseng ito ay napiling maging kinatawan ng ikaapat na taon sa patimpalak na Teatro Filipino. Kayong lahat ay magtutulungan, magkukuro-kuro kung anong dula ang inyong ipapalabas. Ang mananalo ay mabibigyan ng trophy at magiging pambato ng paaralan sa nalalapit na District Schools Chamber Theater."

Hala. Seryoso? Dati kasi, pinipili lang ng mga teachers yung mga paborito nilang estudyante para gumanap sa mga play. Hindi pa nananalo ang school namin sa DSCT kasi ganoon 'yung sistema, kasi kahit hindi gaanong magaling umarte, pinipili nila at sinasabak. Pero ngayon iba na. Sinisiguro na ata nila na mas okay pumili ng mga isasali kung subok na at dumaan sa masusing pagpili.

Nakapanood na kami sa DSCT. Sobrang galing ng mga kalahok mula sa iba't ibang paaralan. Maganda rin ang programa, hindi basta-basta ang pagplano. May media coverage din kaya huwag na huwag kang magkakamali na ipahiya ang sarili at ang paaralan na dinadala. May mga intermission numbers din na makapanindig-balahibo, makulay at buhay na buhay. Talagang pinagyayaman ang arts and culture ng bansa natin.

Kaya kung sino man ang mananalo, maipagmamalaki na. Ang makasali sa DSCT, isang pribilehyo na. At hindi pa doon nagtatapos, kapag maganda ang performance ng kalahok, makakapasok sila sa regionals hanggang nationals. Ang galing 'di ba?

Binigyan kami ni Sir ng malayang oras upang makapag-isip ng plano namin para sa Teatro Filipino. Sabi nila, love story na lang daw. Si Tani at Nicole daw yung mga bida. At ang masaklap, ako pa ang naatasang scriptwriter.

Si Tanya naman ang partner ko sa trabaho. Siya ang head ng props committee. Kailangan daw lagi akong makicoordinate sa kanya para magawa agad ang mga props at technical. Ang grupo naman ni Grace ang bahala sa mga schedule ng practice. Magiging abala na naman ang lahat.

"Grabe. Ito na ata ang pinakamasakit na parte ng love story mo Carlo."

Oo talaga. Sinabi niya pa. Sana ako nalang 'yung bida.

"Ako pa talaga ang gagawa ng love story nilang dalawa. Bwisit."

Nakakainggit talaga ang mga gwapo. Kasi kami ang nagiging basehan kung bakit may itsura sila. Nakakatawa talaga na nakakabwisit. Si Tanya hindi matigil sa katatawa eh. Nahahawa na lang ako sa kalokohan niya.

"Ayusin mo 'yung script ah. Bigyan mo ako ng kopya. Isipin mo na lang ikaw 'yung bidang lalaki habang nagsusulat ng buong piyesa para naman maganda ang kalalabasan. Nakasalalay ang tagumpay ng grupo sa'yo."

"Ayoko na nga. Bakit ba kasi ako pa ang tagasulat? Dami namang iba d'yan."

"Ano ka ba Carlo, pagsubok lang yan. Gawin mo na lang. Tutal d'yan ka naman magaling. Magpaimpress ka na lang kay Nicole sa mga bagay na kayang-kaya mong gawin. Malay mo kapag nabasa niyang maganda ang takbo ng kwento, batiin ka o kaya kung may gusto man siyang itanong, lalapit na lang siya sa'yo. Kaya okay lang 'yan. Tingnan mo na lang 'yung brighter side ng challenge na 'to. "

************************************************************
Mabilis kong natapos ang script at nakapagpaphotocopy na rin ako ng mga kopya kaya maaga kaming makakapagsimula ng practice. After dismissal ng hapon araw-araw at buong araw ng Sabado ang practice namin. Salamat na lang at tapos na ang serbisyo ko.

"Carlo, may kailangan ka pang idiscuss kay Tanya para sa mga props. Tumulong ka na rin sa kanila kasi kailangan pa nila ng mga members. Kailangan ka rin sa mga practices kasi baka may mangyaring adjustments sa script, ipapaedit namin sayo."

Grabe naman si Grace. Ayoko na sanang mag-attend ng practices eh. Makikita ko pa ang mga eksena nila.

Nakasimangot akong tumutulong kay Tanya sa paggupit ng mga cardboards. Binabantayan ko ang mga characters habang nagpapractice. Nang pumasok na sa eksena si Nicole, tinuturuan siya ni Grace ng blockings at kung paano sasabihin ang mga linya. Pinagmasdan ko lang sila. Ang ganda niya talaga.

Pero nang pumasok si Tani, nainis na naman ako. Ramdam niya ang pagganap. Ang kapal talaga ng mukha. Oo na, medyo okay siya sa practice. Pero nakakainis na talaga siya.

"Selos ka? Huwag mo na kasing tingnan. Sa kabilang classroom na tayo gumawa para hindi mo makita."

"Huwag na. Dito na lang. Magkakalat pa tayo doon. Nakakahiya sa mga estudyante sa kabila. Tsaka...babantayan ko si Nicole. Baka kung anong gawin sa kanya ni Tani eh."

Tumalikod na lang ako para hindi ako maistorbo. Pero wala eh. Lumilingon pa rin ako. Hindi tuloy ako makagupit ng maayos. Kailangang makatapos ako ng kahit isang props man lamang. Pipinturahan pa at lalagyan ng mga dekorasyon.

"Carlo halika dito."

"Bakit?"

"Bakit ganito ang ending? Tragic ba talaga 'to? Akala ko ba nagkatuluyan sila base sa napag-usapan natin sa meeting?"

Naku naman. 'Yan na lang. Maganda naman ang pagkakasulat ko ah.

"Hindi nga sila nagkatuluyan. Basta d'yan umikot 'yung kwento nung sinusulat ko. Wala nang atrasan 'yan. Naisulat ko na eh."

Eh noong nalaman kong silang dalawa ang magtatambal at ako raw ang magsusulat ng kwento nila, siyempre gagawin ko na ang gusto ko. Nasa akin ang pluma eh.

"Oh Nicole, hindi daw nagkatuluyan. Kaya huwag kang mag-alala, walang kissing scene o sweet scenes na nandito sa script."

Loko din si Grace eh. Hindi ba siya nagbabasa? Nako. Nakasulat na, magtatanong pa. Wala nang bawian ituloy na nila 'yon.

Nang matapos ang practice, bumuhos ang malakas na ulan. Madilim na. Pero ngayon, prepared ako. May dala akong payong. Hindi na ako manghihiram ng payong sa iba dahil baka ibigay na naman sa akin ni Tanya 'yung payong niya na hindi ko gusto.

Pakiramdam ko parang nakikiisa ang panahon sa sama ng loob ko. Sirang-sira ang araw ko ngayon eh. Ipinapangako ko, may araw din ako.

Sana naman, kahit papaano, may blessing din sa tag-ulan.

At binuksan ko na ang payong ko. Uuwi na ako. Bukas naman. Another bad day.

"Carlo sandali! Pwede makisabay? Please?"

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon