Secret 18

15 2 2
                                    

"Ano ba Tanya? Ano bang sasabihin mo?"

Kanina pa nagpapakipot ang babaeng 'to. Kung may kailangan siya, sabihin na niya kasi gusto ko na talagang umuwi.

"Pwedeng makikain? Nakakastress talaga kasi eh. Please?"

Ay oo nga pala, kapag bad mood siya, naghahanap ng pagkain. Tutal maaga pa naman, 4pm pa lang, sige na nga. Naalala kong may pinapalamig akong grahams and mango ice cream sa bahay. Pwede niya 'yun kainin.

Sumama siya sa akin pag-uwi pero habang naglalakad kami, kinuwento ko na sa kanya 'yung sabi ni Mama na parang magsyota raw kami kaya napagpasyahan niyang sunduin si Nicole sa kanila. Sakto namang walang masyadong ginagawa si Nicole kaya pinayagan kami ni Nanay Lisa. Sumama na rin si Carina kaya mas masaya kasi may bata kaming kasama. Pagdating namin ng bahay, saktong nagmmovie marathon si Mama kaya nakinood na rin sila habang naghahanda ako ng snacks nila.

"Ma! Pwedeng pakipalitan ang palabas? Hindi pwede sa bata ang mga horror."

"Wag na. Masaya na kami dito eh. Tsaka 'di naman nagrreklamo 'yung bata eh."

Naging masaya naman sila sa bahay. Mga 6:30 umuwi na sila. Sakto pa namang nagluluto ako ng hapunan. Si Carina naman, gustong magpaiwan. Umiiyak na nga kasi ayaw pang umuwi pero napilit pa rin. Masyado ata siyang nag-enjoy sa bahay.

************************************************************
Isang araw, hindi pumasok si Tanya. Kung kailan kailangan ko siyang makausap, saka naman hindi pumasok. Nakakainis naman. Hindi ko pa naman alam telepono nila sa bahay o cellphone number niya na kahit manghiram muna ako ng phone basta makausap ko siya. Gusto kong tanungin si Nicole pero parang ayoko kasi baka lalo siyang maghinala na baka may gusto ako kay Tanya.

Hindi lang isang araw na hindi pumasok si Tanya. Umabot pa ng isang linggo. Baka nagtatampo pa rin dahil dun sa play. Oh baka nilagnat o kung ano. Mapipilitan tuloy akong magtanong kay Nicole.

Kailangan kong makuha ang atensiyon niya. Kakalabitin ko na lang.

Tumingin din siya sa akin.

"Ahm. Si Tanya?"

Nagkibit-balikat lang siya

"Hindi ko alam."

Ano? Hindi niya alam? Grabe naman. Nasaan na kaya yung babaeng 'yun?

Sa mga dumaang araw na wala siya, lumalala 'yung pagkainis ko. Pero hindi ko siya hinahanap dahil type ko siya o kung ano man. May kailangan kasi ako sa kanya.

Biglang inannounce ni Ma'am yung top ten sa first grading. Lahat sila bibigyan ng ribbon pero sa loob lang ng room. Lahat excited para malaman kung sino ang mga nakapasok dahil ibig sabihin, may chance silang mabigyan ng honors sa graduation kapag namaintain nila ang mataas nilang grades. Alam ko wala ako d'yan. Hindi ako matalino eh. Pero hindi naman masyadong mababa ang grades ko.

Nakapasok si Tanya sa top 10. 2nd honor siya at si Tani pa rin ang 1st. Nagpalakpakan ang buong klase at binati ang mga honors. Pero kapalit ng pagiging isa sa mga pinakamatalinong estudyante sa klase, sila ang magtututor sa mga kaklase namin na may pinakamababang grades. Ang first honor ang magtuturo sa kaklase namin na ika50th place, yung second honor ang sa ika49th, and so on and so forth. Sampu lang ang itututor, at dapat mag-improve sila sa mga susunod na quarters. Yan ang patakaran ng adviser namin para maiwasan ang pagiging selfish ng mga estudyante at para magtulungan sa pag-aaral ang buong klase. Para lahat daw, makagraduate.

"Ang 50th place natin, si Miss Avila with a general average of 76.58. So Mr. Cruz, being the first honor, magschedule kayo ng time together para sa tutor."

"Yes Ma'am. My pleasure."

Nag-ayiiiieee na naman ang klase. Tanicole loveteam daw. Ang corny. Parang kuhol lang ang narinig ko eh. Tuwang-tuwa naman 'yung gago.

At finally, after millions of years, pumasok rin ang babae. Hindi man lang siya nagtaka na may nagbago sa classroom, hindi man lang nakibalita na nasa top ten siya, hindi man lang nagtanong kung anong mga assignment, o may quiz ba noong mga nakataang araw o kung ano. Ni hindi man lang ako kinumusta at si Nicole.

"Hoy Tanya, saan ka ba galing? Ang tagal mong hindi nagpakita! Kailangan kitang makausap."

"Oh bakit?"

Dinala ko siya sa library para makapag-usap kami ng maayos. May gusto talaga kasi akong malaman eh.

"Teka muna ha. Tanya, bakit ba absent ka?"

"Ah oo. Nilagnat ako at nawalan ng boses sa sobrang ice cream. 'Yung pinakain mo sa amin. Ang sarap kasi eh. Paggising ko, wala na akong boses."

Ang takaw kasi eh, 'yan tuloy. Halos wala na ngang natira doon sa ginawa ko eh. Hindi ko man lang natikman.

"Hay. Okay ka na ba?"

"Okay na. Sobra na sa one week ang pahinga ko kaya pwede na raw ako pumasok."

"Congrats nga pala, inannounce sa klase na top 2 ka. Nice."

"Talaga?"

"Oo. At ikaw ang magtututor kay Chris, since ika49th siya sa ranking."

"Saka na 'yon. Oh bakit ba, ano bang problema?"

"Ikaw, simula nung naging magkaibigan tayo, pakiramdam ko, kinocontrol mo ang lahat. Sinasabihan mo ba si Nicole na kausapin ako?"

"Hindi kaya. Hindi ka nga namin pinag-uusapan eh."

"Talaga lang ha. Baka kasi umasa ako masyado na kusa niya talaga akong pinapansin at baka may chance kami, tapos yun pala, hindi naman totoo."

"Sus. ' Yun lang naman pala. Basta gumawa ka ulit nung ice cream."

"Nagkasakit ka dahil doon. Huwag na lang."

"Ang damot mo."

"Hindi ako madamot. Inaalala lang kita, saka may bayad na 'yon. Ibinibenta ko na."

Oo. Ipinapabenta ko na yung ice cream sa karenderya nila Nay Lisa. Baka sakaling kumita ako ng pera. Unang araw pa lang na pinabenta ko kay Nanay Lisa, may nagtanong na kaagad kung pwede daw ang made to order at kukunin na lang daw. Magbabayad daw ng doble kapag tinanggap ko kaya naisipan kong magnegosyo na ng mga kakanin. Baka sakaling yumaman ako rito.

"Nako naman. Hindi ko na pala maaavail ng libre."

Lagi na akong mag-isa sa mga sumunod na araw. Busy kasi si Tanya sa pagtututor kay Chris. Si Tani naman, masaya sa piling ni Nicole sa mga tutorials. Lagi silang sa canteen nagtututor habang si Tanya at Chris naman, sa lobby. Kapag dumadaan ako sa canteen na nandoon sila, parang nabibiyak ang puso ko. Nagseselos ako. Grabe pa ang pasulyap-sulyap ni Tani kay Nicole habang tinuturuan niya ito. Parang ako 'yung kontrabida sa love story nila, hindi nga lang halata. Minsan sumisilip ako sa kanila. Gusto ko siyang bantayan pero si Tani na ang gumagawa noon para sa akin. Gusto ko rin siyang turuan pero hindi ako kasingtalino ni Tani para magawa 'yun. Sana sa akin na lang napunta ang pagkakataon na 'yan.

So far, hanggang imagination na lang ang lovelife ko ngayon. Umuuwi mag-isa, utusan ni Ma'am sa mga paperworks, at kulong sa library ulit ang buhay ko.

"Nay Lisa, kumusta po ang mga ice cream ko?"

"Wala na. Hindi man lang nakaabot ng hapon. Masyadong mabenta. Damihan mo na para hindi nabibitin ang mga suki ko. Totoo pala talaga ang sabi ni Nicole, magaling ka raw magluto."

"Hindi naman po. Okay lang."

"Nako. Alam mo Carlo, hindi mo naitatanong, lagi ka naming pinag-uusapan ni Nicole. Marami siyang nakukwento tungkol sa'yo."

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon