Secret 9

15 2 0
                                    

Lumipas na ang isang buong linggo at dumating na rin ang nakatakdang schedule upang magharap ang mga magulang namin ni Tani. Konting suntukan lang 'yon pero malaking kaso na 'yon dito sa school kasi strikto ang mga namamahala dito kaya kailangan sumunod sa rules kung ayaw mapatalsik. Si Ma'am Guidance, ang Prefect of Discipline ng school na si Sir Danilo at ang adviser namin ay nandito upang pag-usapan ang mga susunod na hakbang.

"Kailangang pagbayarin ng batang iyan sa ginawa niya dito sa anak ko! At bakit niyo naman ho pinaglinis ng kubeta ang anak ko gayong alam niyo namang may pasa at siya ang naagrabyado dito?"

Kakarating lang ni Tani at ng Nanay niya. Nalate na nga sila sa usapan na alas nuwebe ng umaga, siya pa ang may mataas ng boses. Ang laki niyang babae, nakabrush up ang buhok at makapal ang make up niya sa mukha. Nakasuot din siya ng heels na parang mabubutas ang sahig sa sobrang lakas ng kanyang pagyapak.

"At ikaw naman bata ka, kapag nautusan ka ng titser mo, sundin mo! Huwag 'yung manununtok ka na lang bigla bigla sa kaklase mo! Bastos kang bata ka!"

Dinuro niya ako at doon na nga nagalit si Mama.

"Hoy, wala kang karapatang pagsalitaan ang anak ko! Baka masuntok din kita para parehas na kayo niyang anak mo!"

Ay grabe naman si Mama.

"Woah. Kalma lang ho tayo mga Misis. Nandito po tayo para pag-usapan kung ano nangyari sa mga anak niyo, hindi 'yung gumawa tayo ng gulo."

Nagkaroon ng kaunting recap si Grace at sinang-ayunan naman ito ng ibang mga class officers na present din sa meeting.

"Ako po 'yung bumato ng eraser kay Carlo. Napagkatuwaan po kasi namin siya sa klase noon. Akala ko kasi okay lang sa kanya kasi dati noon hindi naman siya napipikon kapag inaasar siya."

Nagsalita na si Chris. Nahihiya pa siya sa ginawa niya. Dapat nga pinatawag din magulang niya eh. Nagkaroon ako ng pasa sa tuhod nang mahulog ako sa kinatatayuan ko nun.

"Eh kayo naman pala tunay na may kasalanan eh! Kayo kaya sabihan ng panget, hindi ba kayo magagalit? Ano bang ginawa sainyo ni Carlo? Porke hindi nagrereklamo ang anak ko sa mga pang-aasar niyo ibig sabihin okay lang sa kanya yon?"

"Pero yang anak mo, sinabihan lang ng pangit, nanuntok na agad. Ang babaw naman ng dahilan na yon. At anak ko pa talaga ang napagdiskitahan! Nako. Kalalaking tao niyang anak mo, pikon naman!"

"Hoy babaeng baboy, hindi pikon ang anak ko. Talagang punong-puno na siya sa kalokohan na ginagawa ng mga kaklase niya sa kanya!"

Nagpipigil ng tawa ang mga kaklase ko. Pati ako gusto ko na ring matawa.

"Order. Ngayon, Chris, ikaw ba ang pasimuno ng lahat?"

"Hindi po."

"Sino?"

"Si Tani po."

First time kong makitang tahimik si Tani. Nakayuko siya at parang may malalim na iniisip.

"Ngayon, Tani, why did you do that? May kasalanan ba sayo si Carlo?"

Matalim ang tingin sa kanya ng Mama niya.

"Ano ba Tani?! Magsasalita ka o ano? Bilisan mo at may trabaho pa ako! Masyado na ngang maraming problema sa bahay dumadagdag ka pa! Umayos ka! Parehas nga kayo ng Tatay mo, mga walang modo!"

Nabigla kami sa inasal ng Mama niya. Grabe. Kaya pala ganun si Tani. Sinisigawan siguro siya ng Mama niya kapag nasa bahay sila. Nakaramdam tuloy ako ng awa sa kanya.

"Misis, huwag naman po kayong ganyan sa bata. Baka po may dahilan naman siya. Pakinggan po natin. Kaya Tani, kung anuman ang problema, sabihin mo sa amin para naman gumaan ang loob mo."

Nakakakonsensya. Masyado akong naging makasarili. May pinagdadaanan pala si Tani. Hindi niya lang masabi. Tahimik kaming naghihintay sa maaaring sagot ni Tani. Ngayon lang namin siya maririnig tungkol sa problema niya.

"Tani, mahirap sa amin na makita kang ganyan. Matalino kang bata, masayahin, palakaibigan, mabait. Gusto ka naming tulungan."

Nasabi ko noon na siya ang pinakamatalino sa batch namin. Punung-puno siya ng mga ideya at magaling din siyang leader. Napatunayan pa ang galing niya nung Nutrition Month, yung paggawa niya ng shake, pagtulong sa mga kaklase niya at pagiging mahusay sa larangan ng photography. Sa katunayan, siya ang panlaban ng school sa mga photography festival at lagi siyang nananalo. Ganun siya katalented, pero nababahiran na ng problemang emosyonal.

"Mom... "

Alam naming nasa isang broken family siya. Pero parang ibang-iba ngayon.

"Misis, ano po ba--"

"Pwede po huwag niyo naman sanang ungkatin ang problema namin sa bahay. Sa amin na lang po iyon."

Natahimik kaming lahat. Malinaw na sagot na iyon para sa amin. Alam kasi namin na sobrang malapit talaga si Tani sa Daddy niya. Ang sabi ni Tani sa amin, si Daddy niya ang nagbigay ng ambisyon para sa kanya. Pero ngayon, siguro nasasaktan na din siya sa mga nangyayari.

Basag na ang boses ng Mommy ni Tani. Agad siyang nagpahid ng luha na nagbabadyang pumatak. Naku, sayang ang make up niya. Pero laking gulat ko nang lumabas ang ilang mga pasa niya sa mata nang aksidenteng mapahid niya ang make up niya. Kaya pala, ayaw ng Mommy niya na makita ng mga tao kung gaano kahirap ang kanilang pinagdadaanan. Itinatago niya sa make up ang totoo niyang nararamdaman.

Binigyan ko ng panyo si Tani para punasan niya ang mga luha niya. Pinagbati na din kami ni Ma'am at nangako kami sa bawat isa na hindi na kami gagawa ng gulo. Nag grouphug kaming magkakaklase at pinangako namin na tutulungan namin si Tani na bumalik sa dati niyang sigla. At least kahit sa simpleng paraan na alam namin, maibabalik namin ang dating Tani.

"Salamat...Carlo."

************************************************************
Naging madamdamin man ang tagpo sa naganap na meeting, back to normal naman kami. Hindi na nangongopya ng assignment sa akin si Tani. Nag-aaral na siya ng mabuti, nagrerecite at tinutulungan ang iba naming mga kaklase sa mga lessons na hindi nila naiintindihan. Ang masaya pa, wala nang nambubully sa klase. Wala na sa aking tumatawag na pangit o kung ano man. Siguro natatakot na rin at baka maulit pa ang mga nangyari.

"Ang gwapo mo ngayon ah!"

Heto na naman si Tanya. Araw-araw nalang, ganyan siya magsalita.

"Gumamit ka din kaya nung binigay mo sa akin. May pambili ka naman ng mga pampaganda."

"Ayoko nga. Hindi ko kailangan 'yan."

Bahala siya. Uuwi na ako. Sabado bukas, birthday ni Mama, may surprise ako sa kanya. Kaya kailangan kong paghandaan.

"Ay oo nga pala, may pinabibigay sayo si Tani."

May inabot siya sa akin na long brown envelope. Medyo makapal at mabigat. Ano kaya 'to?

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon