KABANATA 1

22.4K 697 239
                                    

KABANATA 1:

Shayna Fabillar

          "ILANG beses ko bang sasabihin sayo na huwag ka na ulit pupunta sa mental hospital na yun?! Bakit ba sobrang tigas ng ulo mo, Shayna at hindi ka man lang nakikinig sa akin?!" galit na galit na asik ni Dad sa akin.

Kitang-kita ko rin ngayon ang pamumula ng kanyang buong mukha dahil sa galit. Nalaman niya kasing nagpunta ulit ako doon sa mental hospital kahit na pinagbabawalan na niya ako na huwag na ulit akong magpupunta roon.

Kahit na naiinis ako sa kanya dahil sa inaakto niya ngayon ay mas pinili ko na lang na huwag sabayan ang galit niya ngayon. Hindi lang kami magkakaintindihan nito kung sakaling magagalit rin ako sa kanya at kung sasabayan ko pa ang init ng ulo niya.

Alam ko naman na ayaw niya na magpunta ulit ako sa lugar na iyon, pero sadyang matigas lang talaga ang ulo ko at ayaw ko ring makinig sa kanya. At saka hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang galit at pagtatampo ko sa kanya dahil sa mga nangyari noon.

Subalit anong magagawa ko? Nangyari na ang mga hindi dapat nangyari noon. May buhay na ring nawala at dahil sa kagagawan niya, hindi sana kami magkakaganito. Shit lang! Hindi rin sana mawawasak ang dating masayang pamilya. Hindi na rin magagawang maibalik ang tulad noon kung saan okay pa ang lahat at wala pang lamat ang pamilyang 'to!

But my father just acting like this again because he told me not to go back to the mental hospital again! Ang Psychiatric Care Center, isa sa malaking mental hospital dito sa bansa na pagmamay-ari ng isa sa malapit na pinsan ni Mommy, si Tita Valencia.

My goodness! Nagagalit na naman itong si Dad sa akin dahil sa nagpunta na naman daw ako doon kahapon kahit na pinagbawalan na niya ako. Pero ano bang magagawa ko kung gusto kong magpunta ulit doon kahit umulan man o magkaroon pa ng bagyo?

Nandoon ang Mommy ko.

Hindi ko kayang tiisin na hindi puntahan si Mommy roon. Actually, hindi siya nagtatrabaho doon at wala rin siyang kahit na anong trabaho doon. Isa siyang pasyente na dinadalaw ko sa hospital na yun. She's been in rehabilitation there for almost three years now!

Damn! Three years na siyang nananatili roon at hindi man lang siya nagkakaroon ng improvement. As in wala man lang improvement. She has a mental disorder and she got it after my older brother died in a car accident we were involved in three years ago.

Nagsimulang mawala sa sarili ang aking ina after na mamatay at mawala si Kuya Noah. Hindi niya matanggap ang pagkawala ni Kuya dahilan para takasan siya ng matinong pag-iisip. Kahit ako rin naman ay hindi ko matanggap ang pagkamatay ng aking kapatid. Tatlong taon na siyang patay pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos matanggap ang kanyang pagkawala.

Kaya naman hindi pa rin magawang maghilom sa dibdib ko ang malaki nitong sugat na kagagawan rin naman ng aking ama. I want to curse him and blame him for what happened before! Pero kahit siguro sisihin ko pa rin siya ng paulit-ulit ay hindi na maibabalik pa ang aking Kuya. Hindi na rin babalik pa sa normal na pag-iisip ang aking ina. My father himself is the only one who ruined our family!

I sighed, "She's my mother, Dad. Ano po bang magagawa ninyo kung gusto ko siyang dalawin doon araw-araw? At saka noon palang ay palagi ko na po siyang dinadalaw roon. Hindi pa ba kayo sanay sa akin? Anak niya ako kaya dapat lang na puntahan ko siya roon," mahinahon kong sagot kay Daddy kahit na naiirita na ako sa kanya.

Bakit ba ayaw niya na akong pabalikin roon? Bakit ba pinagbabawalan na rin niya akong dumalaw kay Mommy samantalang alam naman niya na palagi ko nang dinadalaw sa Psychiatric Care Center si Mom simula nang ipa-rehab namin siya doon? Pero hindi ako papayag sa kagustuhan ni Dad. Dadalaw pa rin ako doon kahit na ano pa ang mangyari o kahit na magalit pa siya sa akin.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon