KABANATA 24

15.5K 576 160
                                    

KABANATA 24:

Shayna Fabillar

          HINDI ako makagalaw dito sa kinatatayuan ko dahil sa malambot na labi ni Leighton na nakadampi ngayon sa aking labi. He kissed me! This handsome and hot guy kissed my precious lips!

Nagsisimulang mangatog ang dalawa kong tuhod habang gulat na gulat akong nakatingin kay Leighton na nakapikit ang mga mata habang tila yata ninanamnam niya ang paghalik sa labi ko. Dilat na dilat ang mata ko kaya malaya kong nakikita kung gaano kaganda at kahaba ang pilikmata ni Leighton.

Hindi ko naman siya magawang itulak dahil para akong nawalan ng lakas. Nanghihina rin na nakahawak ang dalawa kong kamay sa malapad niyang balikat para makakuha ako ng suporta para hindi ako matumba.

Simpleng halik lang ang iginawad niya sa akin at dampi lang iyon pero naging sapat na iyon para takasan ako ng lakas. Siya ang unang bumitaw sa pagkakahalik sa akin hanggang sa dumilat na rin siya at tumitig sa akin ang mata niyang namumungay.

     And his eyes..

His eyes are full of desire.

Agad na gumuhit sa labi niya ang matamis na ngiti na animo'y nagtagumpay. Saglit pa akong napapikit nang dampihan niya ng masuyong halik ang ilong ko habang ang aking lintek na puso ay tila nababaliw na yata. My ghad! Para na naman akong kakapusin ng hininga nito!

"Mmm, I love the softness of your lips and it tastes like sweet candy." anas niya na nagpainit lalo sa magkabila kong pisngi.

Tiyak na nagmumukha na akong kamatis nito at paniguradong nakikita na rin ni Leighton kung gaano na kapulang-pula ang buong mukha ko. Natauhan rin naman ako at agad kong kinalas ang braso niyang nasa beywang ko. Jusko po! Bakit ko siya hinayaan na halikan ang labi ko?!

"A-Ahm, a-ano.. magpapalit lang ako ng damit.." nagkautal-utal kong sabi bago ko mabilis na binitbit ang paperbag ko na naglalaman ng pamalit kong damit pati ang ilan kong mga personal na gamit at saka ako nagmamadaling tumakbo papasok sa loob ng banyo.

Kamuntikan pa akong madapa dahil sa panghihina ng dalawa kong tuhod bago ko malakas na isinara at nilock ang pinto ng banyo. Habol ko ang aking hininga habang hawak-hawak ko ang aking dibdib.

Parang gusto kong sapukin ang sarili ko. Nang tignan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin ay pulang-pula nga ang buo kong mukha! Pati tenga ko ay namumula na rin!

Nakagat ko ang ibabang labi ko habang inaalala ko yung nangyari kanina. Parang gusto kong magpalamon na lang sa lupa ngayon din dahil hindi ko magawang kalimutan ang paghalik ni Leighton sa labi ko! My gosh! Siya ang first kiss ko! Siya ang kauna-unahang nakakuha ng first kiss ko!

Nakakahiya! Anong mukha ang ihaharap ko nito sa kanya?! Bakit ba kasi bigla na lang siyang nanghahalik?! Bigla-bigla na lang rin siyang sumusunggab na walang pasabi! Tapos ako naman itong si ewan, hindi makagalaw at basta ko na lang siyang hinayaan na makuha ang first kiss ko!

"Baliw ka na talaga, Shayna.." tangi ko na lang na naibulalas sa sarili ko bago ko burahin sa isipan ko ang ginawang paghalik ni Leighton sa akin.

Nagpasya na rin akong magpalit ng pantulog na damit dahil naka-school uniform pa ako hanggang ngayon. Naka-P.E uniform naman ako bukas dahil sa Team Sports ang subject namin bukas ng umaga at required sa aming mga estudyante na magsuot ng jogging pants.

Natapos na akong makapag-half bath at magpalit ng damit pero hindi na muna ako lumabas. Hindi ko rin alam kung ilang minuto na ba akong nandito sa loob ng banyo sa kadahilanang nahihiya akong lumabas at humarap kay Leighton.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon