KABANATA 7:
Shayna Fabillar
MALAKAS na tunog galing sa aking cellphone ang nagpagising sa natutulog kong diwa. Inaantok at papikit-pikit pa akong napadilat ng mata. Napaigik pa ako sa sakit nang bigla namang kumirot ng bahagya ang leeg ko, iyon pala ay nakahiga ang ulo ko dito sa study table ko at marahil sa sobrang antok na antok ay nakatulog na ako dito sa harap ng personal computer ko imbes na humilata sa aking kama.
Mabilis ko namang isinandal ang likod ko sa kinauupuan kong swivel chair habang patuloy ko namang naririnig ang pagtunog ng cellphone ko. Sino naman kaya itong tumatawag? At saka anong oras na ba? Kinusot-kusot ko muna ang dalawang mata ko bago ko tignan ang orasan na nakasabit lang dito sa dingding ng kwarto ko.
Alas-diyes na pala ng umaga. Buti na lang ay sabado ngayon at wala kaming pasok sa school. Madaling araw na rin kasi ako nakatulog dahil tinapos ko talagang alamin ang tungkol sa buhay na meron si Leighton at sa mga ginawa niya noon. And I really can't believe that he can do that thing.
He became a villain because of his mental illness. It was his own father who made him evil. Natakot ako sa kanya nung una nang malaman ko kung ano ang mga ginawa niya noon, pero kalaunan ay nakaramdam ako ng matinding awa at simpatya sa kanya.
Sabi nga nila, don't judge a book by its cover. Tama nga rin ang sinabi ni Tita Valencia sa akin kagabi, never na naramdaman ni Leighton ang pagmamahal at atensyon ng kanyang magulang. At iniisip rin ni Leighton na walang nagmamahal sa kanya.
Dahil mula bata palang pala siya ay talagang mag-isa na lang siya. He also always celebrates his birthday alone, and that hurts him the most. That feeling like the important people in your life don't care about you and that's what Leighton has been feeling since he was a kid. Hindi ko rin tuloy maiwasang madagdagan ang nararamdaman kong inis para sa magulang niya.
Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit nagkaroon siya ng schizophrenia. At sobrang bigat rin dito sa dibdib nang malaman ko ang lahat ng mga hinanakit at pinagdaanan niya sa buhay. Yes, I heard a sound recorder where he admitted all his resentments and anger towards his parents.
Isang sound recorder na nagpapatunay ng mga pinagdaanan niya noon. Ang selos, galit at pagkamuhi. Napanood ko rin ang mga kuhang video footage sa loob ng ward niya kung saan ipinakita roon ang iba't-ibang klaseng behavior ni Leighton at paano siya makitungo sa ibang tao lalo na sa kanyang magulang. Nakita ko roon kung paano siya takot na takot sa ama niya dahil sa matindi niyang trauma.
Nung may sakit palang siyang schizophrenia ay pilit niyang sinasaktan ang kanyang sarili pati na rin ang ibang tao na nakikita niya. Napanood ko rin sa isang video kung saan inuuntog ni Leighton ang kanyang sarili sa pader at kung saan tila may kausap siya kahit mag-isa lang naman siya sa kanyang ward.
Nawawalan rin siya minsan ng kontrol sa kanyang sarili pero nakita ko rin sa mga video na yun na sinubukan niyang nilabanan ang kanyang sakit. Pilit niyang lumalaban sa mga hallucinations niya at sa mga delusion na nangyayari sa kanya.
Pero nung gumaling na siya sa mental illness niya, doon naman nagsimula ang depression niya at traumatic disorder niya kung saan naging tahimik siya at nagsisimula na rin siyang umiiwas sa mga tao. Nagtatago rin siya sa ilalim ng kama sa tuwing bumibisita ang magulang niya.
He is afraid of his father and he doesn't want to face his parents either. At dahil iyon sa nakuha niyang trauma nung bata palang siya. Dahil sa pananakit sa kanya ng kanyang walanghiyang ama! Doon ko rin nakita kung ilang beses na tinangka ni Leighton na magpatiwakal.
Nalaman ko na rin pati ang nagawa niyang krimen noon. Si Amara, ang kanyang nobya na kinabaliwan at naging obsesyon ng mga pinsan niya noong fourth year highschool palang sila. Ginamit niya si Amara para sa sarili niyang interes. Ginamit niya ang kanyang nobya para makapaghiganti sa Hellion Quadruplets, ang mga pinsan niyang kinamumuhian rin niya subalit wala naman silang kasalanan.
BINABASA MO ANG
HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔
General FictionHELLION 6: LEIGHTON HELLION Shayna often visits her mother who has been in a mental hospital for three years, but one day when she visits her mother again, a tall, handsome and hot guy hugs her from behind and doesn't want to let her go. A man with...