Epilogue

17K 583 137
                                    

Epilogue

Shayna Fabillar

          MATAPOS ang nangyaring aksidente ay diniretso naman kami agad sa hospital para gamutin ang mga natamo naming sugat, lalo na si Leighton na may tama ng bala sa kanyang balikat. I still remember how he hugged me and used his body to cover me so that Margot wouldn't shoot me. Dahil sa ginawa niyang pag-protekta sa akin ay siya naman itong nabaril.

However I'm still thankful that he's okay and safe even though he was the one who got shot. Mabuti na lang talaga ay sa balikat siya tinamaan at hindi sa ibang parte ng kanyang katawan na maglalagay sa kanya sa peligro. Hinding-hindi ko makakalimutan yung ginawa niyang pag-protekta sa akin. He risked his life to save and protect me. And I'm glad he's fine.

Kaya heto kaming dalawa ngayon, narito sa hospital at kasalukuyan rin kaming nasa loob ng ward room. Kakatapos lang rin kaming gamutin at hinihintay na lang namin na sabihin ng Doktor kung pu-pwede na ba kaming makauwi.

Sa katunayan niyan ay hindi naman ako masyadong nasaktan sa aksidente namin kanina kahit na sobrang lakas nung pagkakasalpok nung sinasakyan namin sa poste. Nahilo lang ako at nanakit ang aking katawan dahil sa lakas ng impact nung pagkakabangga namin kanina.

May mga natamo rin akong maliliit na sugat sa iba't-ibang bahagi ng aking katawan dulot ng pagtama sa akin nung mga bubog galing sa nabasag na windshield at mga bintana. Hindi rin naman critical ang kalagayan ni Leighton. Natanggal rin naman agad yung bala sa balikat niya at hindi rin naman siya naubusan ng dugo.

Malaki rin ang ipinagpapasalamat ko sa Diyos na hindi niya ako pinabayaan. He keeps me safe and alive. Ilang beses na akong iniligtas ng Diyos at habambuhay kong ipagpapasalamat iyon sa kanya. I experienced my near death twice, but God was always there to save me. And He is sending someone to save me.

Iyon ay walang iba kundi si Leighton.

Siya ang masasabi kong guardian angel ko. Isa rin sa pinagpapasalamat ko ay yung agad na dumating si Leighton kanina para i-rescue ako. Sobra-sobra ang pasasalamat ko na dumating siya agad bago pa man na masama ako sa pagsabog nung sasakyan. He came just in time to save me, kaya naman heto ay maswerte na buhay pa rin ako at humihinga.

Kung hindi agad dumating si Leighton, baka tuwang-tuwa na si Margot dahil kasama niya ako na pagsabog nung sasakyan at kapwa nasusunog ang aming katawan sa apoy. Pero pasalamat na lang ako na nagawa ako agad na buhatin at inilayo ni Leighton sa kotse.

And speaking of Margot, na-recover na ang kanyang katawan kahit na sunog na ito. Sila Daddy ang nag-aasikaso ng kanyang bangkay at dahil halos hindi na talaga makilala ang kanyang mukha't katawan dulot ng pagsabog ay naisipan na lang nila Mommy na tuluyan na lang na ipa-cremate ang katawan ni Margot.

Ipinaalam na rin nila Mommy kay Tita Jodie ang nangyari sa kapatid niya at hindi ko na alam kung ano ang naging reaksyon niya. Paniguradong labis siyang nalungkot sa nangyari sa bunso niyang kapatid.

She lost her sister and it will be heartbreaking for her. She is definitely grieving now and carrying the burdensome in her heart. Siguro ay galit na galit na siya ngayon sa amin at hindi na rin ako magtataka kung kami ang sisihin niya sa pagkawala ng kapatid niya.

But that's not our fault, that's her fate. Pinili niyang maging selfish, pinili niyang makagawa ng masama. She just let herself to be greedy.

Hindi ko tuloy maiwasang malungkot sa sinapit niya dahil Tita ko pa rin siya kahit na hindi maganda ang ginawa niya sa amin lalong-lalo na sa akin. Pero nangyari na, huli na ang lahat. And she just had to accept her fate.

Naging sakim siya at pinili niya ang maling daan, kaya iyon ang sinapit niya. Kung naging mabuti lang sana siya. Kung hindi lang sana niya hinayaan na lamunin ng kasakiman at galit ang puso niya, hindi sana siya makakagawa ng masama.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon