KABANATA 8

16.2K 691 210
                                    

KABANATA 8:

Shayna Fabillar

          MALAKI ang pasasalamat ko na wala kahit isa sa mga kasambahay namin ang nakakita nang pumasok kami ni Leighton sa bahay at wala ring nakapansin ang pagpasok naming dalawa sa kwarto ko. Siniguro ko rin naman na naka-double lock ang pintuan nitong kwarto ko bago ko paupuin si Leighton sa swivel chair ko.

"Stay here, huwag kang gagalaw. Maliligo lang ako," utos ko sa kanya pero hindi pa ako nakakatalikod ay tumayo na siya at pinigilan ako gamit ang paghawak na naman niya sa aking kamay.

Akala niya siguro ay iiwanan ko siya dito. Jusko po! Bakit ba takot na takot siya na umalis ako sa tabi niya? Aba'y nandito lang naman kami sa kwarto ko! Kaming dalawa lang ang tao dito at mas lalong wala rin namang multo dito.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang dalawa niyang balikat para paupuin siya ulit sa swivel chair ko. Parang bata naman siyang tumingin sa akin. Sa sobrang kakyutan niya at pagiging inosente ng kanyang mukha ay talagang malapit-lapit ko na ring makurot ang pisngi niya.

"I said, stay here. Maupo ka lang diyan dahil hindi naman ako aalis. Hindi kita iiwanan, okay? Maliligo lang ako. Iyon lang naman yung banyo oh?" sambit ko sabay turo doon sa banyo na meron dito sa kwarto ko. Walang emosyon naman siyang tumingin doon bago niya binalik ang kanyang tingin sa akin at tumango-tango.

Ewan, pero bigla na lang akong natawa sa kanya. My goodness! Ibang-iba nga talaga siya. Ibang-iba si Leighton ngayon kumpara sa mga nakita kong mga video footage niya kung saan madalas siya nagwawala, nagiging agresibo at bayolente. Ngayon? Para siyang isang inosenteng bata na walang kamuang-muang.

"Ganito na lang, manood ka na lang ng YouTube dito sa personal computer ko." tanging nasambit ko bago ko binuksan ang PC ko habang si Leighton ay nakatingin lang siya sa ginagawa ko.

Buti na lang ay naitago ko na rin yung flash drive na binigay ni Tita Valencia sa akin dahil tapos ko na ring panoorin at pakinggan yung mga dapat kong malaman patungkol kay Leighton at sa pamilya niya. Ibabalik ko na lang mamaya kay Tita Valencia yung flash drive kapag nagkita kami.

Sabagay ay ihahatid ko rin naman si Leighton sa Psychiatric Care Center at pumayag rin naman sila Tita Valencia na ako ang maghahatid kay Leighton kaya hindi na nila kailangang magpunta dito para sunduin itong poging nilalang na 'to.

"Here, manood ka muna diyan. Kapag may kumatok sa pinto, huwag mong pagbubuksan. Naiintindihan mo ba ako?" saad ko sa kanya at tumango naman siya sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag dahil nakinig siya sa akin.

Hinayaan ko lang muna siya na manood ng nursery rhymes sa YouTube, ang Wheels On The Bus. Alangan naman na iba ang ipanood ko sa kanya, baka kung ano pa ang matutunan niya doon. Siniguro ko rin na puro pang-nursery rhymes ang mapapanood niya bago ko siya iwan doon sa tapat ng personal computer ko.

Dumiretso naman ako agad sa walk-in closet ko para kumuha ng damit bago ako nagtungo sa loob ng banyo para makaligo na. Halos hindi naman ako nagtagal sa loob ng banyo at mabilis lang rin akong natapos na maligo dahil baka kung ano na ang ginagawa ni Leighton sa labas. Ayoko rin naman na may makakita sa kanyang ibang tao dito sa bahay lalo na sila Dad kahit na wala naman sila dito sa bahay.

Syempre may mata yun si Dad dito sa pamamahay namin. Tiyak na may isa sa mga kasambahay namin ang maaaring magsumbong sa kanya kapag may isa sa mga katulong namin ang nakakita na may lalaki akong pinapasok dito sa kwarto ko. May pagka-conservative pa naman si Dad.

Ayaw na ayaw niyang nagpapapasok ako ng lalaki sa kwarto ko kahit na boyfriend ko pa. Buti na lang ay wala na akong boyfriend. Three years na rin kasi ang nakakalipas simula nang huli akong pumasok sa pakikipag-relasyon.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon