KABANATA 15:
Shayna Fabillar
HINIHINGAL akong nakarating sa Psych Ward ni Mommy kung saan may mga nurse at Doktor ang nagkukumpulan. Mukhang mayroon rin silang pinapakalma sa loob ng kwartong iyon kaya dali-dali akong nakipagsiksikan para makapasok ako sa loob dahil may mga nakaharang sa labas ng pintuan.
"Mom!" tawag ko kay Mommy nang makapasok ako sa loob at nakita ko siyang hawak sa leeg nung kapwa niya pasyente habang nakatutok rin sa leeg niya ang isang matulis na bagay na hawak nung pasyenteng iyon!
Kitang-kita ko rin sa pagmumukha ni Mommy ang labis na takot at nagsisimula na rin siyang umiyak. Kapansin-pansin rin ang panginginig ng katawan niya. Fuck! Hostage nga siya! Nakilala ko naman agad yung pasyenteng yun.
Siya yung nakita ko nung isang araw na bumisita ako dito kay Mommy bago mag-krus ang landas naming dalawa ni Leighton sa rooftop. Siya yung babaeng nakahiga at nakatali sa stretcher na tulak-tulak nung dalawang nurse na lalaki habang sumisigaw siya at tila gustong kumawala mula sa pagkakatali sa kanya.
Masyado rin siyang agresibo at bayolente that time kaya naman tinali siya para hindi siya makapanakit. Iyon rin ang ginagawa nila Tita Valencia sa ibang pasyente na masyadong malala ang sakit sa pag-iisip. Bukod sa kailangan nilang ikulong sa ward nila ay dapat rin silang itali para hindi makawala. Pero mukhang gumawa ng paraan ang pasyenteng ito para makatakas sa ward niya.
"Umalis kayo! Papatayin ko ang babaeng 'to!" nababaliw niyang sigaw sa amin.
"No, no! Please, huwag! That's my mom. Huwag mo siyang sasaktan, please!" kabado at umiiyak kong pakiusap sa kanya para pigilan siyang huwag saktan ang aking ina.
"Jona, please. Don't hurt her. Alam namin na ayaw mong makapanakit ng tao kaya nakikiusap kami sayo, bitawan mo siya pati na rin ang hawak mo." malumanay na pakiusap ng isang lalaking matangkad na Doktor.
Mukha rin siyang bata pa para maging Doktor. Siguro ay hindi nalalayo ang edad ko sa kanya. Marahil ay siya ang nakatokang Doktor sa pasyente na 'to? He even called her by her name and seemed to know her. Bawat mga pasyente kasi dito ay may kanya-kanyang mga nakatokang nurse at mga Doktor. At sila ang may responsibilad sa mga pasyenteng hinahawakan nila.
"Hindi! Umalis muna kayo bago ko siya pakawalan! Magsilayas kayo sa harapan ko!" galit na singhal nung babaeng yun sa amin.
"Just don't hurt her, please." I plead. Kulang na lang ay lumuhod ako sa harapan niya basta pakawalan lang niya si Mommy na ngayon ay patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Miss, kami na ang bahala dito. Umalis ka na muna para hindi ka masaktan," turan ng lalaking Doktor na 'to sa akin kaya tinignan ko siya ng masama.
"Why would I do that? Hawak niya ang Mommy ko! Kaya natural lang na dapat nandito ako!" inis kong pagsusungit sa kanya. He just shrugged his shoulders. Hindi na lamang rin siya sumagot at hinayaan na lang niya ako.
At saka hindi rin naman ako basta aalis dito hangga't hindi pinapakawalan ng babaeng ito ang Mommy ko! My ghad! Nakatutok pa sa leeg ni Mom yung hawak na matulis na bagay nung babae na yun! Wala akong ideya kung saan niya nakuha yun. Ano nga ulit name niya? Jona? Kaya bakit ako aalis? De bale na ako ang masaktan, huwag lang si Mom.
"Jona, please. Nakikiusap kami sayo, let her go. Gagawin namin ang gusto mo, pakawalan mo lang siya." ani nitong lalaking Doktor na 'to. Tumingin ako sa kanya at mabilis na pinasadahan ng tingin ang suot niyang I.D. Zakari McGregor ang kanyang buong pangalan.
"Kung gusto niyo siyang pakawalan ko siya, pwes lumabas kayong lahat dito! Hayaan niyo ako na makaalis sa lugar na 'to!" singhal nung Jona na yun sa amin.
BINABASA MO ANG
HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔
General FictionHELLION 6: LEIGHTON HELLION Shayna often visits her mother who has been in a mental hospital for three years, but one day when she visits her mother again, a tall, handsome and hot guy hugs her from behind and doesn't want to let her go. A man with...