KABANATA 25

16.1K 622 194
                                    

KABANATA 25:

Third Person's POV

          NATAPOS si Leighton na makapaghilamos ay saka siya lumabas na ng banyo na topless at tanging maluwag lang na pajama ang kanyang suot-suot na damit. Agad naman niyang naabutan ang magandang dalaga na si Shayna na natutulog na sa kanyang kama habang hawak-hawak pa rin nito ang papel kung saan nakasulat ang mga ginawa niyang listahan para sa dalaga.

A sweet smile appeared on his lips when he saw how beautiful she was. He sees that his sleeping beauty is sleeping peacefully and soundly. Marahil sa pagod kaya agad na nakatulog ang dalaga. Napansin niya pang nakabukas pa ang TV kaya nilapitan naman niya ito at pinatay bago siya lumapit sa gawi ni Shayna para kunin ang hawak nitong papel at pinatong lang niya ito sa side table.

Pinatay lang rin niya ang ilaw sa kisame at hinayaan lang niyang nakasindi ang lampshade para kahit papaano ay magkaroon pa rin ng liwanag dito sa loob ng kwarto niya bago siya tumabi sa dalaga.

Sa katunayan niyan ay hindi pa naman talaga siya dinadalaw ng antok. Kaya naman tumagilid siya ng higa at ginawa niyang tungkod ang kanyang kamay sa ulo niya para malaya niyang mabusog ang mga mata niya sa pagtitig sa kagandahan ni Shayna. Ganto rin ang ginawa niya noong unang beses na natulog ang dalaga sa ward room niya. And he really couldn't stop staring at her.

Minsan nga ay natatagpuan na lang niya ang kanyang sarili na nakatitig kay Shayna. At hindi naman siya nagtataka kung bakit nakikita na lang niya ang sarili niya na nakatitig sa kanya dahil tunay naman na maganda si Shayna. Sobrang ganda niya sa paningin niya. Mas maganda pa sa kung sinuman.

Maganda rin naman ang namayapa niyang nobya na si Amara subalit mas nangingibabaw ang angking kagandahan ni Shayna sa paningin niya. Hindi rin naman kailangang ikumpara ni Leighton si Shayna sa first love niya dahil alam niyang malaki ang pagkakaiba nilang dalawa.

At higit sa lahat, mas mahalaga sa kanya si Shayna ngayon. Ang importante ay ang ngayon kaya hindi na niya kailangang balikan pa ang kanyang masalimuot at mapait na nakaraan. Dapat na niyang kalimutan ang kanyang nakaraan para makapag-simula ulit siya at sa pagkakataon na ito ay gusto na niyang maging masaya.

"Ano bang.. ginawa mo sa akin?" wala sa sariling katanungan ni Leighton sa natutulog na dalaga.

Hindi talaga niya mapigilan na itanong iyon ng paulit-ulit. Ano bang klaseng mahika ang ginawa ni Shayna sa kanya at tila nagkakaganito siya? Tila may takot siyang nararamdaman kapag wala si Shayna sa tabi niya. He didn't want to let her go either.

Sa kadahilanan na ayaw niyang mawala ang dalaga sa tabi niya ay kinailangan niya pang magpanggap na parang hindi pa siya tuluyang nakaka-recover sa sakit niya. Iyon lang ang tanging naisip niyang paraan para manatili si Shayna sa tabi niya at hindi siya nito iwan.

Hindi rin naman lingid sa kanyang kaalaman ang tungkol sa napag-usapan na kasunduan ni Shayna at ng kanyang magulang. Wala naman siyang problema doon at mas nagustuhan pa nga niya ang naisip ng kanyang magulang na makipagkasundo kay Shayna. Malaki pa nga ang ipinagpapasalamat niya sa dalaga dahil ito ang nakatulong sa kanya para gumaling siya.

Yes, she is the one who gives him strength and motivation. Si Shayna ang kaisa-isang tao na nagparamdam sa kanya na wala siyang dapat ikatakot. She made him realize that he still deserves to be happy despite the mistakes he made before. She is the only one who makes him happy.

Dati ay gusto na niyang mawala. Noon ay gusto na niyang kitilin ang kanyang buhay. Noon ay punong-puno pa siya ng takot at ayaw niyang makipag-socialize sa kahit sino. Sa tuwing naririnig lang niya ang boses ng kanyang ama ay nanginginig na siya sa takot at agad na nagtatago sa ilalim ng kanyang kama.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon