KABANATA 52:
Shayna Fabillar
ISA lang ang masasabi ko sa bwisit na Margot na yun na walang puso na ginaya ang mala-anghel na mukha ni Amara na matagal nang nananahimik. Amara has been resting peacefully in paradise for almost five years. Pero anong ginawa nung Margot na yun?! Because she was greedy for money she copied her face! Mukha nung patay na!
Isa talaga siyang baliw, demonyo at retokadang desperada! Ginawa niya iyon para lang makapasok sa buhay ng mga Hellion?! Jusko! Nagawa niyang magpa-opera at gayahin ang mukha ni Amara para lang makapangloko ng mga tao especially sila Leighton?
The fuck! She's really insane!
Ang dapat sa kanya ay nasa loob ng mental hospital! Katulad siya ng kapatid niya, parehas silang may sayad na sa utak! Mabuti na lang talaga ay maswerte kong nalaman agad kung ano ang bahong tinatago niya!
But I have to be careful.
Hindi rin ako pwedeng magpadalos-dalos sa gagawin ko. Kailangan kong mag-isip ng paraan kung papaano ko sasabihin kila Leighton ang tungkol sa mga narinig ko kahit na nakakadama na ako ng takot at pagkabahala sa kung anong maaaring gawin nung baliw na babaeng yun sa akin.
Lalo na kanina, kitang-kita ko ang panlilisik ng kanyang mga mata at galit na galit siya sa akin. Talagang nahahalata ko na gagawin niya ang lahat para hindi masira ang mga plano niya at para lamang makapasok siya sa buhay ng pamilyang Hellion.
Kailangan ko ring makuha sa kanya ang flash drive para hindi niya iyon magamit laban sa mga Hellion. Narinig ko pa naman kanina na gagamitin niya iyon para ipang-blackmail sa mga Hellion at para makalabas rin sa kulungan ang kapatid niyang si Tita Jodie.
Hindi rin kasi ako nag-iingat! Hindi ko dapat hinayaan na makuha nila iyon. Tiyak na maling flash drive ang naisauli ko kay Tita Valencia nung araw na yun. At sigudado rin ako na ang bwisit na si Tita Jodie ang kumuha nung flash drive na yun at binigay niya sa baliw niyang kapatid!
Hindi na ako magtataka na siya mismo ang pumasok sa kwarto ko kahit pa na naka-lock ang pintuan ng kwarto ko at siya ang nakakita nung flash drive na yun. Marahil ay sinamantala niyang natutulog ako.
Nang masiguro kong nakaalis na yung babaeng retokada na yun ay tsaka ako lumabas sa pinagtataguan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako lubos makapaniwala sa mga narinig ko. I still can't believe that she is Margot and not the real Amara.
Hindi ako makakapayag na magtagumpay siya sa mga plano niya. Hindi ko siya hahayaan na maloko niya sila Leighton. Nakarating naman ako agad sa sala at saktong nakasalubong ko si Leighton na nakakunot na ang noo at tila may hinahanap siya.
"Shit, I thought I lost you!" bulalas niya at para ba siyang nakahinga ng maluwag nang makita niya ako. Agad niya akong niyakap ng mahigpit.
"Saan ka ba nagpupunta? Ang sabi nila Mary ay kumakain ka lang daw dito sa sala pero wala ka naman," tanong niya nang kinalas na niya ang pagkakayakap sa akin.
Peke akong ngumiti, "Ahm, nag-ikot ikot lang ako diyan sa tabi-tabi. Nabo-bored na kasi ako dito eh," sagot ko sa kanya.
"Teka, nasaan pala yung iba?" I asked when I noticed we were the only ones in the living room. Nasaan naman kaya yung baliw na Margot na yun?
"Mary invited her to have dinner here, she also invited us kaya nasa loob na sila ng dining area ngayon." sagot niya na ikinabuntong-hininga ko ng marahas.
Jusko! Bakit pa nila iniimbitahan ang babaeng yun na mag-dinner dito?! She is not the real Amara! Sabagay, kamukhang-kamukha naman kasi talaga nung baliw na Margot na yun si Amara kaya hindi na ako magtataka kung bakit paniwalang-paniwala niya ang mga tao, na siya ang superfecundation twins ni Mary! Tiyak na nagpa-retoke siya sa pinakamagaling na plastic surgeon.
BINABASA MO ANG
HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔
General FictionHELLION 6: LEIGHTON HELLION Shayna often visits her mother who has been in a mental hospital for three years, but one day when she visits her mother again, a tall, handsome and hot guy hugs her from behind and doesn't want to let her go. A man with...