KABANATA 33:
Shayna Fabillar
MARIIN ko lang na pinagmasdan si Leighton at si Dad na ngayon ay masayang nag-uusap sa garden. Parehas lang rin silang nakaupo sa silya na mayroon sa garden namin at kitang-kita ko silang dalawa dito sa pwestong kinatatayuan ko.
Hindi na rin ako nag-abalang lumapit at sumali sa kwentuhan nila, ngunit ang gaan sa pakiramdam na makita kong magkasundo ang aking ama at si Leighton. Oo, sobrang magkasundo sila at ang saya-saya rin nilang tignan habang nagkukwentuhan. Kakatapos lang rin naming kumain ng hapunan at heto, niyaya naman ni Dad si Leighton sa garden para personal at mag-isa siyang kausapin.
Kahit hindi nila sabihin ay alam ko naman na tungkol sa akin ang pinag-uusapan nilang dalawa. Mukhang wala namang problema dahil nga kasundo ni Dad si Leighton at parang wala namang tensyon na nagaganap sa kanila. Para ngang hindi kinakabahan si Leighton at prente pa siyang nakaupo habang kinakausap siya ni Dad.
"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na may boyfriend ka na pala.."
Mabilis akong napatingin sa biglang nagsalita. Walang iba kundi si Manang Laurasia lang pala. Naiilang naman akong ngumiti at malalim na bumuntong-hininga. Kahit siya ay nakilala na rin niya si Leighton at ang alam nilang lahat ay boyfriend ko si Leighton kahit hindi ko pa naman talaga siya boyfriend at hindi ko pa siya sinasagot.
Aba'y nanliligaw palang kaya siya! Jusko po, ginoo! Halos lahat sila ay napaniwala ni Leighton na may relasyon kami. Ang dami tuloy na katanungan si Dad kay Leighton kahit na nasa hapag-kainan palang kami. Tulad na lamang kung paano kaming dalawa na nagkakilala at gaano na kami katagal na may relasyon.
Inamin naman mismo ni Leighton kay Dad na kakasimula palang kaming mag-boyfriend girlfriend at lakas-loob ring sinabi ni Leighton sa kanila na galing siya sa mental hospital. Kaya naman nagulat sila lalong-lalo na si Dad, pero nagawa naman naming i-explain na okay na si Leighton at magaling na siya.
"Sorry po, manang.." tangi ko na lang na nasabi kay Manang Laurasia.
"Alam na ba ito ng Mommy mo? Na may boyfriend ka na? Kilala kita, iha. Halos ako na rin ang nagpalaki sayo kaya alam ko na inilipat mo sa ibang hospital ang Mommy Ruth mo," ani Manang kaya muli akong nagpakawala ng buntong-hininga.
"Opo po, manang. Actually, Mom is getting better. Nagkakaroon na po siya ng improvement. At saka ginawa ko lang po yun para hindi muna matuloy ang pagpapakasal nila Dad at ni Tita Jodie. Gusto ko po na gumaling muna si Mom at siya mismo ang magpa-file ng divorce kay Dad. Si Mommy ang dehado dito, siya ang niloko at pinagtaksilan kaya nararapat lang na siya ang gumawa ng hakbang sa kung ano ang gusto niyang mangyari.." mahaba kong sagot sa kanya.
Ngumiti naman siya at mahigpit na hinawakan ang aking kamay. Mukhang hindi naman nagtatampo sa akin si Manang Laurasia dahil biglaan kong inilipat si Mom sa ibang hospital na hindi ko ipinapaalam sa kanila. Isa rin kasi si Manang sa palaging bumibisita kay Mommy.
"Naiintindihan kita, Shayna. Ginawa mo lang naman yun bilang isang anak. At saka mabuti na lang na ilipat mo ang Mommy Ruth mo sa ibang hospital, at least hindi na ulit makakalapit pa si Jodie sa kanya." mahinang sambit niya na ipinagtaka ko. Para ba kasing may double meaning yung sinabi niya.
Kinunutan ko siya ng noo at tinignan, "Ano pong ibig niyong sabihin na hindi na ulit makakalapit si Tita Jodie kay Mom?" taka kong tanong.
Saglit pa munang hindi nakasagot si Manang Laurasia. Animo'y nagda-dalawang isip kung sasagutin ba niya ang katanungan ko. Nagpalinga-linga pa siya at tila dino-double check niya na walang ibang tao na malapit sa amin.
BINABASA MO ANG
HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔
General FictionHELLION 6: LEIGHTON HELLION Shayna often visits her mother who has been in a mental hospital for three years, but one day when she visits her mother again, a tall, handsome and hot guy hugs her from behind and doesn't want to let her go. A man with...