KABANATA 5:
Shayna Fabillar
PINAGBIGYAN ko naman ang kahilingan ng magulang ni Leighton sa akin, ang makausap ako kahit saglit lang. Kasama rin namin si Tita Valencia at nag-text naman ako kay Manang Laurasia na late na akong makakauwi ngayon sa bahay.
At para hindi siya mag-alala ay sinabi ko rin na kasama ko naman si Tita Valencia. Ngayon ay kasalukuyan kaming narito sa restaurant na malapit lang sa Psychiatric Care Center at dito namin naisipan na makapag-usap usap ng maayos.
"Ano po bang gusto niyong pag-usapan?" basag ko nang mapansin kong wala ni isa sa kanila ang unang nagsasalita.
Pare-parehas kasi silang mga tahimik at tila nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Nakapag-order na rin sila ng makakain pero wala pa rin ang nagtatangkang magsalita kaya binasag ko na ang katahimikan.
"Tungkol po ba kay.. Leighton?" tanong ko pa sa kanila. Mahina namang tumikhim ang Dad ni Leighton. Obvious naman na siya ang ama dahil may pagkakahawig silang dalawa ng anak niya lalo na sa pagkakatulad nila sa kanilang mata.
"Yes, iha. Tungkol sa anak namin kung bakit gusto ka naming makausap." pag-amin niya sa akin.
Pansin kong umayos pa ng upo ang misis niyang katabi lang niya ngunit mabilis akong makapansin. Kung sila ang magulang ni Leighton, bakit wala silang suot na wedding ring? I mean, mukha naman silang mag-asawa subalit bakit wala silang suot-suot na singsing?
"Ako nga pala si Greta, ang ina ni Leighton." pakilala niya sabay lahad ng kanyang kanang kamay sa harapan ko.
Maagap ko naman itong kinuha para makipag-shake hands sa kanya. Nanginginig at nanlalamig pa nga ang kanyang kamay nang hawakan ko ito.
"I'm Soren Hellion, Leighton's father." pakilala naman sa akin nung Dad ni Leighton kaya this time ay sa kanya naman ako nakipag-kamay.
Medyo napaisip pa ako nung banggitin niya ang kanyang apelyido. Hellion? Why does that seem familiar to me? Parang narinig ko na somewhere yung apelyido niya.
"Shayna Fabillar," pakilala ko.
"Yes, we know. Nabanggit sa amin ni Doc Valencia yung pangalan mo kanina, and she said that you are her niece." ani Mrs. Greta kaya napatingin naman ako dito kay Tita Valencia, but she just shrugged her shoulder bago siya sumimsim nung inorder niyang kape. Kahit kailan talaga itong tiyahin ko, may pagka-madaldal.
"So, ano pong gusto niyong pag-usapan tungkol sa anak niyo at bakit ako po ang gusto niyong makausap?" walang paligoy-ligoy kong tanong sa kanilang dalawa bago rin ako sumimsim ng inorder kong kape.
Hindi ko na rin tinangkang galawin yung ibang pagkain na nasa harapan ko dahil hindi naman ako gutom kaya naman si Tita Valencia ang kumain nun para hindi naman masayang. Hindi naman kami gumastos dahil libre iyon nitong sila Mrs. Greta at si Mr. Soren.
"Leighton is only our child, iha. He has been staying at the Psychiatric Care Center for almost one year. Last year lang rin namin siya dinala sa mental hospital. Twenty years old siya nung madala namin siya that time. That was also the reason why he no longer attended school and did not graduate," panimulang pagkukwento sa akin ni Mrs. Greta.
Last year lang pala dinala si Leighton sa mental hospital ni Tita Valencia? At tama nga ang hinala ko, masyado pa ngang bata si Leighton para madala sa mental hospital at magkaroon ng sakit sa pag-iisip. Twenty years old siya that time, which means twenty one na siya ngayon?
"Ano po bang nangyari sa kanya? Bakit po ba siya napunta sa mental hospital?" curious kong katanungan sa kanila na ikinatahimik nilang tatlo. Hindi sila agad nakasagot sa tinanong ko.
BINABASA MO ANG
HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔
General FictionHELLION 6: LEIGHTON HELLION Shayna often visits her mother who has been in a mental hospital for three years, but one day when she visits her mother again, a tall, handsome and hot guy hugs her from behind and doesn't want to let her go. A man with...