KABANATA 28:
Third Person's POV
LEIGHTON was quietly but patiently waiting for Shayna in the garden. Hinihintay lang niyang matapos ang dalaga na makapagpalit ng damit dahil ngayong gabi ang punta nila sa birthday party ng ex-boyfriend nitong si Brett. Pasalamat na lamang siya ay pumayag si Shayna na sumama siya sa birthday party nung lalaking iyon.
He didn't want to be possessive of her but he couldn't help himself. He doesn't even admit it and he doesn't show it, but he's really becoming obsessed with Shayna. Gusto niyang palaging nakabuntot sa dalaga! Gusto niyang bakuran si Shayna! At higit sa lahat ay gusto niya na sa kanya lang siya! Ayaw niya na may ibang lalaking umaaligid-aligid sa dalaga lalong-lalo na ang ex-boyfriend nitong si Brett!
Natatakot siya at nagsisimula na rin siyang mabahala na baka gumawa ng paraan ang Brett na iyon na bumalik sa kanya si Shayna at maging sila ulit. Nahahalata naman niya na may pagtingin pa rin ang lalaking iyon sa dalaga! Nakikita niya kanina at nahahalata rin niya sa mga mata nung Brett na yun na may gusto pa rin ito kay Shayna.
And that's what he won't let happen. Leighton will not allow Shayna to end up in another man's arms. Hindi niya hahayaan na mawala sa kanya ang dalaga at mas lalong hindi rin siya makakapayag na magkabalikan si Shayna at si Brett!
'She's only mine!' sigaw niya sa kanyang isipan habang mahigpit na nakayukom ang kanyang kamao.
Iniisip pa nga lang niya na magkakabalikan si Shayna at ang Brett na yun ay nagngingitngit na siya agad sa matinding galit! Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang kanyang sarili. Talagang mabilis siyang magselos at kung ano ang sa kanya ay kanya lang.
Oo nga't nasa pamilya nila ang pagkakaroon ng polyamory relationship. That is the hidden and big secret of the Hellion family. Pero dahil gago siya at tarantado ay nagawa niyang ipagkalat noon ang sekreto ng kanilang pamilya sa publiko!
Ipinagkalat niya pa ang mga litrato nila Tito Liam at Tito Laito niya na nagmahal at nagpakasal sa iisang babae kaya naman bumaha at tinadtad ng pangbabash ang Tita Harmony niya mula sa mga tao dahil sa pagiging makasarili niya. Pati ang Mamita Aeliana niya ay nakatanggap rin ng mga hindi magagandang salita mula sa mga tao.
Hindi sana sila masasabihan na malandi at makakati kung hindi sana niya ipinagkalat ang pinakatinatago nilang sekreto. Hindi siya nag-iisip at masyado siyang pinangunahan ng galit at selos. Ngunit nagsisisi siya sa ginawa niyang iyon. Malaki ang pagsisisi niya.
Kaya nga handa siyang humarap sa mga pinsan niyang Quadruplets at humingi sa kanila ng tawad sa ginawa niyang mga kasalanan noon. Dahil sa kagagawan niya kaya inatake pa sa puso ang kanilang Lola Larlee. And he couldn't help blaming himself for his stupidity. Subalit handa siyang humarap sa buong angkan nila para makahingi siya ng tawad. Kung kinakailangan niyang lumuhod ay gagawin niya.
Polyamory relationship exists in their family but he doesn't want to share his girl with another guy. This time he wants to be selfish. At hindi siya makakapayag na may kahati siya sa pagmamahal, oras at atensyon ni Shayna. Hindi siya tulad ng kanyang mga pinsan na handang maghati sa iisang babae. Madamot na kung madamot pero sa kanya lang ang dalaga. Sa kanya lang siya at ayaw niya na may kahati.
"Wala na akong magagawa, aalis na kami dito!"
Mabilis na napunta ang buong atensyon ni Leighton nang marinig niya ang boses babae na biglang nagsalita. Rinig niya iyon dahil bahagyang tumaas ang tono ng boses nung babaeng iyon.
"Hindi mo naman kasi ginalingan masyado yung akting mo eh! Edi sana, hindi sana kayo mapapatalsik dito sa bahay nung magaling mong stepdaughter!" isang panibagong boses babae naman ang nagsalita.
BINABASA MO ANG
HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔
General FictionHELLION 6: LEIGHTON HELLION Shayna often visits her mother who has been in a mental hospital for three years, but one day when she visits her mother again, a tall, handsome and hot guy hugs her from behind and doesn't want to let her go. A man with...