KABANATA 43

14.2K 553 139
                                    

KABANATA 43:

Shayna Fabillar

          "SHAYNA? Okay ka lang ba?" mabilis na nabaling ang tingin ko kay Arica nang magtanong siya bigla sa akin. Nakakunot ang kanyang noo habang hawak-hawak niya ang isang tasang kape kaya napaayos naman ako ng upo at tinigil ko rin saglit ang magpipinta ko na malapit-lapit ko na ring matapos.

"Err, yes?" agad kong sagot, "Bakit mo naman naitanong?" taka kong tanong sa kanya. Bakit naman kaya niya naitanong kung okay lang ba ako?

"Well, you look like you're not okay. Kagabi ko pa kasi napapansin na parang ang tamlay mo at buong hapon ka lang rin na narito sa loob ng camping car natin. Napansin ko rin na kapag naglalakad ka ay paika-ika ka. May pilay ka ba?" mahaba niyang tanong sa akin kaya ilang minuto akong hindi nakasagot.

Napaiwas rin ako ng tingin sa kanya dahil sa huli niyang sinabi. Shit! Napapansin niyang paika-ika akong maglakad? Anong sasabihin ko nito sa kanya? Anong idadahilan ko?! Alangan naman na sabihin kong si Leighton ang dahilan kung bakit ako paika-ika maglakad.

As in hindi talaga ako maayos makapaglakad dulot nung nangyari sa lake waterfalls kahapon! Hanggang ngayon nga ay nananakit pa rin ang nasa pagitan ng aking hita. Maski ang aking katawan ay masakit rin pero mukhang okay pa naman ako.

Puyat lang ako dahil kinailangan ko pang tapusin itong pinipinta ko at pasahan na nito mamaya bago kami umuwi ng hapon. Last day na kasi namin ngayon dito. Hindi ko rin naman pu-pwedeng sabihin kay Arica na may nangyari sa amin ni Leighton at gumawa kami ng milagro dito sa Apollo. Aba, syempre sekreto na namin iyon ni Leighton at hindi namin maaaring ipagsabi iyon sa iba.

"Shayna? Hello? Naririnig mo ba ako?"

Tila nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ulit ang boses ni Arica kaya muli akong napatingin sa kanya. Mas lalong rumehistro ang pagtataka sa mukha niya habang nakatingin sa akin.

"H-Ha? May sinasabi ka ba?" taka kong tanong sa kanya. Sa lalim yata ng iniisip ko ay hindi ko napansin o narinig man lang na may sinasabi pala siya.

Sinundan ko lang siya ng tingin nang ilapag niya sa lamesa yung hawak niyang tasa bago siya naglakad palapit sa akin. Nagtaka naman ako nang hawakan bigla ni Arica ang noo ko na animo'y sini-check ang aking temperatura bago namilog ang kanyang mata sa sobrang gulat.

"Hala, may lagnat ka!" bulalas niya kaya pati ako ay nagulat.

     May lagnat ako? Hindi nga?

Kinapa ko naman ang sarili kong noo, parang mainit nga yata ako. Bakit hindi ko man lang yata napansing nilalagnat ako? Akala ko pa naman ay masyado lang akong giniginaw dahil sa malamig ang klima dito sa Apollo Camping Site, iyon pala ay nilalagnat na ako. Dulot siguro nito yung pagbabad namin ni Leighton sa waterfalls tapos.. may ginawa pa kaming kababalaghan kahapon. Kaya heto, hindi lang yung perlas ko ang masakit kundi pati buong katawan ko ay nananakit.

"Sandali, nakainom ka na ba ng gamot?" nag-aalalang tanong ni Arica sa akin.

"Hindi pa, iinom na lang siguro ako pagtapos kong kumain. May dala naman akong gamot eh," sagot ko at tipid siyang nginitian.

"Bakit? Anong meron?"

Parehas na nabaling ang tingin namin ni Arica sa biglang nagsalita. Si Brett. Nasa labas siya ng camping car namin at nakatayo sa labas ng pinto. Anong ginagawa niya diyan sa labas ng camping car namin? Kanina pa kaya siya diyan?

"Sorry, I have no intention of eavesdropping. Nandito lang ako para tawagin kayong dalawa dahil kayo lang dalawa ang wala sa labas. At saka pinapatawag kasi tayo nila Prof kaya ako nandito." pagpapaliwanag niya sa amin.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon