KABANATA 22:
Shayna Fabillar
"BEFORE your graduation comes, we will have a school camping trip this coming Thursday!" nakangiti at masiglang pag-anunsyo ng aming Prof sa amin dahilan para magsigawan sa tuwa at excitement ang mga kaklase ko habang ako ay agad na nangunot ang aking noo.
May school camping trip kami bago kami grumaduate? At itong darating na huwebes na yun? Sabagay ay kailangan rin namin ng peace of mind at mabigyan kami kahit papaanong pahinga dahil masyado rin kaming ma-stress nitong mga nakaraang araw. Nalalapit na rin ang final exam namin at pagtapos nun ay iisipin na lang namin yung graduation namin.
"Pero syempre bago tayo dumiretso sa camping na yan, magkakaroon na muna tayo ng school trip. We will go to the famous Museums in our country. Tulad na lamang ng Art Museum, ang Science Museum like Planetarium. At syempre pati na rin yung mga about sa History and Culture na located lang naman dito sa Manila kaya maghanda kayo dahil pagdating nating lahat sa camping site ay magkakaroon agad tayo ng activities about sa mga pinuntahan nating Museum. Don't worry, hindi naman mabibigat ang ibibigay naming activity sa inyo. We will make sure na makakapag-enjoy pa rin kayo." mahaba at nakangiting turan ng Prof namin.
Mas lalo namang nagdiwang sa tuwa ang mga kaklase ko nang sabihin iyon lahat ng aming Prof. Halata kong lahat sila ay nae-excite na. Napangiti naman ako nang bigla kong maalala si Mommy. I'm glad na nagiging okay na siya, masaya ako na nagkakaroon na siya ng improvement dahil nanumbalik na ang kanyang memories. Natandaan niya na kung sino ako. Masaya ako dahil may chance na maka-attend siya sa graduation ko.
Ngayong nakakaalala na siya, mapapanood na rin niya ang pag-martsa ko at pag-akyat sa stage para kuhanin ang aking diploma. Talaga nga namang sulit ang paghihintay at pagta-tiyaga ko. Iyon lang naman kasi talaga ang kahilingan ko, ang maalala na ako ni Mommy at gumaling na siya sa sakit niya.
Sinabi lang ng aming Prof kung ilang araw ang aming school camping trip. Malapit-lapit na rin yun dahil sa Huwebes magsisimula iyon at ang uwi namin ay linggo ng hapon. Sinabi na rin ng aming Prof na kailangan na naming paghandaan ang darating naming camping trip at ipinaskil lang niya sa white board ang mga dapat naming dadalhin.
Kasama na doon ang aming mga Art Materials dahil nga mga Fine Arts students kami at ang madalas daw na ipapagawa sa amin na activities ay patungkol sa Arts kaya dapat rin naming dalhin na hindi namin pwedeng kalimutan ay ang mga art materials namin.
Kinuhanan ko lang ng picture yung listahan na dadalhin namin gamit ang cellphone ko. Ganun lang rin ang ginawa ng mga kaklase ko dahil pare-pareho kaming mga tamad na magsulat. Ang dami pa namang nakasulat doon na dapat naming dalhin. Isa na doon ang first aid kit at pocket money na higit na importante sa lahat.
Hindi na rin namin daw kailangan na mamroblema sa pagdadala ng tent dahil sa camping site na pagkaka-campingan namin ay mayroong rentahan ng mga tent. Kaya naman ang dapat na lang naming problemahin ay ang mga dadalhin namin sa Huwebes.
Binalita rin niya sa amin na marami kaming makikitang mga campers na nagka-camping sa sites na yun. Safe naman daw doon dahil nung nakaraang taon ay doon rin nag-camping ang mga nakaraang grumaduate dito sa school namin pati na rin yung ibang school na nagka-camping rin, ang Apollo Camping Site.
Wala rin daw kaming dapat ikatakot o ikabahala dahil walang mga mababangis na hayop sa camping sites na yun. Hindi lang daw mga tent ang makikita namin roon, kundi pati na rin ang mga recreational vehicle kaya hindi ko tuloy maiwasang ma-excite.
"So, students. Wala dapat killjoy sa darating nating camping okay? Mas marami, mas maganda kaya dapat lahat kayo ay sumama. Minsan lang naman kayo mag-camping kaya sumama kayong lahat. Iyon lang, class dismissed." pahabol na sabi ng aming Prof kaya agad na nagsiligpitan ng kanya-kanyang gamit ang mga kaklase ko.
BINABASA MO ANG
HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔
General FictionHELLION 6: LEIGHTON HELLION Shayna often visits her mother who has been in a mental hospital for three years, but one day when she visits her mother again, a tall, handsome and hot guy hugs her from behind and doesn't want to let her go. A man with...